Nineteenth Sunset

61 4 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Ang sarap sa pakiramdam na gumising ka ulit at bubungad sa 'yo ang sikat ng araw sa nakabukas na bintana sa kuwarto mo, kasabay ng paglanghap ng sariwang hangin na manunuot sa iyong balat. Na hindi ingay ng abalang siyudad ang siyang una mong maririnig sa umaga. Nakakatuwang isipin na muli kong mararanasan ang isang simple at payak na buhay na mayro'n ako noong bata. Buhay na kinalakihan ko't kahit saan man ako mapadpad, ay panghabang-buhay naman itong mananatili sa puso't isip ko.

Kay-sarap isipin na muli kang uuwi sa tahanan mong doon mo lang din mahahanap ang kailangan mong pahinga. Pero nakakalungkot lang ding isipin na hindi mo na ulit makikita at makakasama ang isa sa mga taong gusto mong uwian. Mahirap para sa akin na muling tumira rito sa bahay namin, na iyong isa sa gusto kong makita ay ni anino niya ay hindi ko na muling makikita pa.

I am really a lola's boy. Isa 'yon sa talagang ipinagmamayabang ko.

Kahit lumaki man ako na walang kinagisnang mga magulang, ay nagpapasalamat pa rin ako na silang dalawa ni lolo ang tumayong mga magulang sa akin. Palagi silang present, at uma-attend sa mga espesyal na okasyon at araw sa buhay ko. At kahit kailan ay hindi rin nila ipinaramdam ang pagkukulang na hindi napunan ng mga taong bumuo at nagluwal sa akin. Sa katunayan nga ay mas pinunan pa nila 'yong tungkulin at responsibilidad na 'yong mga totoo kong magulang ang dapat gumawa.

Kaya talagang nakakalungkot lang at nahihirapan akong tanggapin ang biglaan niyang pagkamatay. Ang hirap dahil iyong lola ko ang isa sa mga dahilan kung ba't ako nangarap, at nagsumikap para suklian 'yong pagmamahal at aruga na ibinigay nila sa akin kamasa ni lolo. At ngayong wala na siya, masakit lang para sa akin na kahit kailangan ko mang ipagpatuloy ang ipinangako ko sa sarili ko na para sa kanila, ay hinding-hindi na niya 'yon masasaksihan pa.

At kahit panghuling araw na ngayon ng kanyang lamay, ay hindi ko pa rin kayang tanggapin na bukas na ang huling araw na makikita ko siyang nakahimlay sa puti niyang kabaong.

"Hey..."

Agad kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi nang hindi ko napansing pumasok pala si Zane sa kuwarto ko habang tinititigan ko ang mga lumang litrato ni lola. Simula nang magising ako kaninang umaga ay hindi na ako pinatamihik ng mga naiisip kong tumatakbo sa aking isipan. Mga tanong na alam kong may kaakibat na takot at lungkot ang mga magiging sagot nito. At ang katotohanang kailangan kong harapin bukas.

Huminga ako nang malalim pagkatapos kong punasan ang aking pisngi saka ako umayos ng upo. Tumabi naman siya sa akin, at napansin ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang tingnan ko siya sa gilid ng aking mga mata.

Marahan akong tumango at tumikhim.

"Uhm...yep?" patay-malisya ko ring tanong sabay tingin sa kanya.

"You okay?"

Sandali akong natahimik at bahagyang umiwas ng tingin, saka ko muling ibinaling ang atensyon ko sa hawak kong photo album. Iginawi rin niya ang kanyang tingin doon saka niya ako niyakap at isinandal ang baba niya sa balikat ko. Kaya pareho naming pinagmamasdan ang mga retratong nando'n sa pagkakataong 'yon.

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon