***
"Sigurado na bang na uuwi kayo ngayon? Eh hapon na at baka maabutan pa kayo ng dilim sa daan. Malayo-layo pa naman ang ibabiyahe niyo."
"Opo, Lo. May trabaho rin po kasi akong naiwan, lalo na itong si Zane. Kaya kailangan na rin naming bumalik."
"Oh sige. Mag-ingat kayong dalawa ha?"
"Opo. Salamat po, 'Ta. Bibisita na lang po ulit kami rito sa susunod."
"Sige, aasahan namin 'yan hijo."
Nandito kami ngayong lahat sa labas ng bahay namin, nakahanda na 'yong sasakyan para umalis. Pagkatapos ng libing at nang makauwi kami sa bahay ay agad na kaming nagligpit ni Zane para umuwi na't bumalik sa buhay naming dalawa sa siyudad. Ilang beses pa ngang nakiusap sina tita at lolo na kung puwede ay ipagpabukas na lang naming dalawa ay pag-uwi. Pero dahil may kanya-kanya rin kaming trabaho ay kailangan na rin naming umuwi, lalo na ako na ilang araw ng wala sa trabaho ko. And I'm sure na marami ng naka-pending na projects and layouts ang nakatoka sa akin na gagawin ko pagbalik.
Pagkatapos naming kumain kanina ay nilagay na namin 'yong mga dalang bag sa sasakyan saka kami nagpaalam sa kanila. Mangiyak-ngiyak pa ang tita ko dahil mami-miss niya raw ako ulit. Maging si lolo ay hindi rin maitago ang kanyang lungkot habang nag-uusap kami rito sa labas, hinihintay nilang umalis.
"Mauuna na po kami, Lo. 'Ta," sabat naman ni Zane kaya tuluyan na kaming kumaway sa kanila mula rito sa loob ng sasakyan.
"Sige, sige. Mag-iingat kayong dalawa," saad ni tita sa amin.
Nakangiti naman nila kaming kinawayan pabalik at ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magmaneho paalis. Nang nakalabas na kami sa baryo ay doon lang ako humugot ng isang malalim na paghinga at pag-iba rin ng ekspresyon sa mukha ko. Agad naman 'yong napansin ni Zane kaya hinawakan niya ang kamay kong nakapatod sa ibabaw ng aking mga hita.
"Okay ka lang?"
Tumingin ako sa kanya saka tumango bilang tugon. At para hindi mabagot habang bumabiyahe kaming dalawa ay nagpatugtog na lamang siya ng mga kanta. Pero hindi pa rin nito maiaalis sa akin na mag-over think, at isipin ang nangyari. Lalo na sa araw na ito.
"Gusto ko sanang dalhin si lolo at tita sa akin para ro'n na lang kami tumira. Nalulungkot lang kasi akong isipin na silang dalawa na lang ang maiiwan doon. E ayaw din naman nilang pumayag."
Panay ang nakaw ng tingin niya sa akin habang sinasabi ko 'yon sa kanya sabay hawak din sa kamay ko, at ang isa naman ay sa manibela.
"Hayaan mo, bibisitahin pa rin naman natin sila sa susunod."
Napangiti ako kahit papaano sa sinabi niya't gumaan din ang aking pakiramdam.
"Sasamahan mo ulit ako?" untag ko sabay tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...