***
I can't fuction properly after what happened to him. Dalawang araw na ang nakalilipas magmula no'ng biglang inatake ulit si Zane ng sakit niya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay. Sa lumipas na dalawang araw ay wala akong sapat na tulog, maging sa trabaho ay nag-ask muna ako ng leave for two days para maasikaso si Zane dito sa ospital kung saan siya naka-confine. At maging sa pagkain din ay wala akong gana. Tanging siya lang ang nasa isip ko nitong mga nakaraang araw, at ang makita siya ngayon na nakahimlay sa puting kama't may mga nakakabit na maraming aparato sa kamay niya, ay para na akong nanghihina.
I just can't imagine for this day to happen so sudden, and unexpected. Kaya mas lalong nadagdagan ang kaba't takot ko nang muling sumagi sa isipan ko 'yong bagay na kinakatakot kong mangyari noon. And ever since that day ay walang araw at oras akong nagdadasal, na sana ay gumaling na siya kaagad at muli ng magkamalay. Kahit 'yon lang, nang sa gano'n ay mapanatag ang loob ko.
Hindi 'yong ganito...
"Gav, hijo, kumain ka muna. Mukhang kagabi ka pa hindi kumain ah?"
Agad akong lumingon sa tabi ko nang pumasok si tita sa kuwarto kung saan naka-admit si Zane. Hindi ko man lang napansin agad na nandito na pala siya.
Alas otso na ng umaga, at hanggang ngayon ay wala pa ring laman ang tiyan ko. Maging ang tulog ko ay hindi rin sapat dahil ako 'yong naging bantay buong gabi dahil umuwi muna sila tito at tita para makapagpahinga nang maayos. Bale ang naging routine namin dito ay salitan kami sa pagbabantay kay Zane. Pero most of the time ay ako lang 'yong naiiwan na magbantay sa kanya lalo na kung may bibilhin sila sa labas, o may aasikasuhin muna patungkol sa sitwasyon niya ngayon.
Kahit pagod man at medyo inaantok ay nakuha ko pa ring tumango at ngitian si tita, lalo na nang maramdaman ko ang kamay niyang dumantay sa balikat ko. Saka niya ito marahang hinahagod. Doon ko lang din napansing may dala pala siyang isang malaking paper bag, at sinabi niyang almusal daw namin 'yon ngayon.
Naisipan niyang magluto na lang ng kakainin namin para kahit papaano ay makakatipid din daw kami, lalo na't nakakaumay din kumain ng fast foods. Nilabas niya ang mga laman no'n, mga tupperware na may lamang adobo, sinangag, at normal lang din na kanin, saka hiniwang mga pinya't watermelon bilang panghimagas daw.
Tumayo ako mula sa inuupuan kong monoblock chair para tulungan si tita sa pag-ayos sa mesa't mga pagkaing dala niya.
"Heto at mag-almusal muna tayo."
"Si tito po pala?"
"Pumunta muna ng opisina. Siya muna ang mag-aasikaso ngayon sa negosyo namin habang nandito ako."
Tumango lang ako saka kami sabay umupo sa harap ng maliit na mesa para kumain. Nang matapos sa pag-prepare ay inabutan niya ako ng plato saka ng mga kubiyertos, at ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain. Kanya-kanya na kami ng pagsandok ng kanin at ulam sa sarili naming mga plato. At ngayong araw ay hindi na ako nagdalawang-isip na kumain ng agahan dahil pakiramdam ko ay nalipasan na ako ng gutom. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, kaya hindi na nakapagtatakang ang dami kong kinakain ngayon.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomansaWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...