***
Paggising ko ay ang una kong nadatnan ay ang sarili kong nakayakap kay Zane, bahagyang nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Napangiti ako nang makita ko ang mukha niyang kalmado at mahimbing na natutulog. Kaya lumapit ako para halikan ang kanyang pisngi, pagkatapos ay sa kanyang labi naman. Dahilan para magising ko siya, at pagtingin niya sa akin ay agad na umukit ang matamis na ngiti sa labi niya. Lumapit din siya sa akin, at sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang humalik sa labi ko.
"Good morning babi..."
Tumingin ako sa mga mata niya, at pagkatapos ay sa kanyang buhok. Saka ko ito marahang sinuklay gamit ang kamay ko.
"Mukhang napasarap ang tulog mo ah?" untag ko na may kasamang pagbibiro.
Umasiwa siya't isiniksik ang mukha niya sa leeg ko, inamoy ito at niyakap ako nang mahigpit. At tumingin sa akin pagkatapos.
"Siyempre, katabi kita. E alam mo namang ikaw ang pahinga ko 'di ba?"
Hindi ko mapigilang mapangiti nang malapad dahil sa sinabi niya, kaya umiwas ako ng tingin dahil aaminin kong kinikilig ako sa sandaling 'yon.
Nilayo ko ang mukha niya sa akin nang mas inilapit niya ito dahil inaasar din niya ako. At may pasundot-sundot saka pagkiliti sa tagiliran ko, kaya hindi ko maiwasang matawa sa ginagawa niya.
"Aysus! Porke't pinagbigyan kita sa gusto mo kagabi, e may gana ka na namang bolahin ako."
Sa pagkakataong iyon ay humalakhak siya't binitawan na ako.
"Aba, aba! Parang hindi mo rin ginusto 'yong nangyari ah! "
Napangiti ako habang nagpipigil ng tawa. "Oh, bakit? May sinabi ba ako?"
Umiling naman siya't pabiro akong inirapan, saka niya ako hinila papunta sa kanya at muling niyakap.
"Ang guwapo mo pa rin talaga babi."
Muli akong umirap. "Ilang buwan na tayong magkasama, pero hanggang ngayon e 'yan pa rin ang sinasabi mo sa akin."
Tumikhim siya at bumuntonghininga.
"Hindi rin naman kasi nagbago 'tong nararamdaman ko sa 'yo. You are still handsome as the day I first met you. At kahit ilang beses mo pang ipaalala sa akin, ay hindi rin ako magsasawang sabihin itong nararamdaman ko para sa 'yo. Kahit magsawa ka pa."
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya sa akin ang lahat ng 'yon. At hindi ko na lang namalayang nakangiti na pala ako pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin. Kaya napangiti din siya nang makita ang reaksyon ko.
"Oo na, oo na!" umiiling kong sabi at huminga nang malalim, saka ko siya muling hinalikan sa labi niya.
Pagkatapos ng sandaling 'yon ay niyaya ko na siyang bumangon sa kama para magkape kaming dalawa. Wala naman talaga sa plano naming dalawa na matulog buong maghapon, pero dahil na rin siguro sa pagod mula sa trabaho namin buong linggo't weekend na ulit ngayon, ay pareho kaming nakatulog na yakap ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomantikWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...