***
"Parang ang mahal naman dito. Hindi ko afford 'to," bulong ko sa kanya nang makapasok na kami sa isang mamahaling steak house.
Hindi ko inaasahang dadalhin niya ako sa lugar na 'yon para yayain niyang mag-dinner. Halos umabot ng isang oras ang biyahe namin bago kami nakarating dito dahil na rin sa may kalayuan ang restaurant na 'yon, lalo na't nasa isang peak iyon kung saan sa labas nito ay tanaw mo ang buong siyudad. Nakamamangha ngang pagmasdan 'yong mga ilaw ng mga matatayog na buildings sa malayo na parang mga tala sa gabi. At mas nakadagdag pa sa kasiyahan ko kung gaano rin kaganda ang view at ambiance doon.
Iyon nga lang ay bigla akong nanliit sa sarili ko nang mapagtanto ko kung gaano kamahal ang mga pagkaing binebenta roon.
Lasang hindi ko afford!
Pagkaupo naming dalawa roon sa veranda nila kung saan ang may magandang view at tanaw mo ang buong siyudad, ay muli kong inilibot ang paningin ko. Naagaw lang ang atensyon ko nang biglang tumikhim si Zane na kaharap ko sa sandaling iyon.
"Do you like this place?" nakangiting tanong niya sa akin.
Lumunok ako at tumikhim din, saka bahagyang iniwas ang tingin ko sa kanya. At marahang tumango.
"Yeah. Pero mukhang hindi ko yata afford ang mga pagkain dito. Halatang mamahalin 'tong restaurant na ito," sambit ko naman.
Kaya natawa siya't nginisihan ako, saka umiling din nang marahan.
"Don't worry, sagot ko naman ang kakainin natin ngayon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"S-Sure ka? E baka mapalaki pa ang gastos mo mamaya ha. Saka okay lang naman sa akin na kumain tayo sa mga mumurahin at simpleng kainan e."
Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko kaya mas lalo ring kumunot ang noo ko at nalilito siyang tinapunan ng tingin. Dahil hindi ko ma-gets sa pagkakataong 'yon na kung bakit niya ako tinatawanan, gayong seryoso naman ako sa mga pinagsasabi ko.
"Hay nako," panimula niya't tumikhim.
"Hindi naman kita dadalhin dito kung hindi ko rin afford ang mga pagkaing sine-serve nila. Besides, I really planned all of this to happen. It is really my intention to bring you here, okay?"
"Pero bakit? Hindi ka ba manghihinayang na gumastos nang gano'ng kalaking pera para lang sa akin?"
Hindi siya makapaniwalang umiling habang may nakaukit na kaunting ngiti sa labi niya, at bumuntonghininga.
"Because I want to date you, okay? Gusto kitang makasama ngayon. Kaya balewala lang sa akin na gumastos nang gano'n kamahal, kung alam kong ikaw naman ang makakasama ko."
Natulala ako sa sinabi niya't hindi nakaimik. Kaya nang mapansin niya iyon ay mas lalo siyang natawa at hindi rin makapaniwalang umiling na nakangisi.
Kaya nang mabalik ako sa aking ulirat ay agad akong umiwas ng tingin sa kanya, at saka tumikhim bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...