***
After six days ay tuluyan na ring pinauwi si Zane matapos ma-admit sa ospital. Pero bago kami makaalis ay binilinan kami ng doktor niya sa mga dapat at hindi niya dapat gawin, kainin, at iinuming gamot. Maging ang lifestyle niya ngayon ay talagang babaguhin na niya para sa ikabubuti ng kalagayan niya. The doctor also reminded us to have a regular check-up and radiation, or chemotherapy once or every two to three weeks, depende sa kondisyon ng sakit at katawan niya. Though nakikita ko pa rin sa mukha niya ang pagiging hopeless at may kaunting pagdududa, ay sinusubukan ko pa ring palakasin ang loob niya. At iparamdam sa kanya na malalampasan namin ang lahat ng pagsubok na kinakaharap niya ngayon.
And because of the situation right now ay nag-decide ako na sa condo na lang niya tumira para mas maalagaan ko siya't masubaybayan, kahit pa ilang beses na siyang tumanggi sa plano ko. But being his hard-headed boyfriend ay wala rin siyang nagawa sa huli. Bilin din kasi ng doktor sa akin na as much as possible daw ay may kasama siya all the time, just in case na aatakihin na naman siya ng kanyang sakit. Nang sa gano'n ay kaagad siyang maisugod at maagapan.
Patapos na ang mga araw sa buwan ng Pebrero, araw ng biyernes, at naka-schedule siyang mag-undergo ng chemotherapy sa pangalawang linggo ng Marso. Kagabi pa lang ay pinag-uusapan na naming dalawa ang tungkol doon, at aniya ay kinakabahan daw siya.
"Paano kung hindi mag-work ang lahat ng 'to babi?"
Marahan akong umiling sabay ngisi, at niyakap siya nang mahigpit habang nakasandal kaming nakaupo sa kama.
"Hindi naman natin malalaman 'yan kung 'di rin natin susubukan, 'di ba?"
Nakita kong napaisip siya kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Besides, I know that you can do it! Cancer lang 'yan, babi. Mas malakas ka ro'n!"
Nang makita kong unti-unti ng umaaliwalas ang nangangamba niyang mukha kanina ay muli ko siyang niyakap nang mahigpit.
Sumandal siya sa akin at narinig ang mabigat niyang paghinga.
"I don't want to die yet, babi," malungkot niyang saad. At bahagyang tumingala sa akin. "Natatakot akong iwan ka, 'cause I already made my promise to you. And I really want to fulfill that."
Umayos ako ng pagkakaupo habang nakasandal pa rin siya sa akin at yakap ko, saka ako huminga nang malalim. At marahang hinalikan ang kanyang ulo.
"Malalagpasan din natin 'to, babi. Magtiwala ka lang sa Kanya."
And after that, agad na siyang nakatulog habang nakayakap sa akin. Pagkatapos din kasi niyang ma-admit sa ospital ay kaagad ko siyang sinabihan na ipaalam sa employer niya ang tungkol sa kanyang sakit. At kung maaari ay maging day shift na 'yong work niya, nang sa gano'n ay hindi na siya magpupuyat. Na kaagad din namang tinake effect ng employer niya after a day, na from nine in the morning until five in the afternoon na 'yong shift niya sa kanyang trabaho bilang virtual assistant pa rin.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomansWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...