Thirteenth Sunset

116 4 1
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Kanina pa ako nag-aalalang nakatingin sa kanya habang nakaupo kami sa loob ng sasakyan niya magmula nang umalis kami sa bahay ng mga magulang niya, mag-iisang oras na rin ang nakalipas. Naka-park ang sasakyan niya sa tabi ng kalsada. At sa pagkakataong 'yon ay doon ko lang siya nakitang naninigarilyo, malayo sa inaasahan ko tungkol sa kanya. Pero imbes na mag-react ay ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon. Lalo na no'ng siya na mismo ang nagsabi sa akin kanina nang sinindihan niya 'yong isang stick, na naninigarilyo lang daw siya bilang pampakalma kapag magulo ang puso at isip niya. Kaya para hindi manatali sa loob ng sasakyan ang binubuga niyang usok, ay pareho niyang binuksan ang magkabilang bintana na nasa tabi namin.

Huminga ako nang malalim bago ko napagdesisyunang basagin ang katahimikang kanina pa namamayani sa pagitan naming dalawa.

"Okay ka na ba?"

Lumingon siya sa akin at at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti, marahang umiling, at nagkibit-balikat.

"Hindi ko alam. Ang bigat pa rin e. Nahihirapan akong huminga kapag nasa isip ko pa rin kung ano 'yong nangyari kanina."

Marahan naman akong tumango, at pagkatapos no'n ay tumingin sa harapan namin. Tanging mga buntonghininga lang naming dalawa ang naririnig ko sa sandaling 'yon kahit na naka-on 'yong speakers ng sasakyan niya, at may nagpi-play na kanta sa mahinang volume.

Ilang sandali pa ay tumikhim siya't muling nagsalita.

"Birthday na birthday ko, e 'yon pa talaga ang ginawa niya sa akin. Nakakasama lang ng loob e. Kasi umasa pa naman ako na kahit ngayong araw lang, e makikita ko silang mag-effort na paghandaan 'tong kaarawan ko. Pero wala pala. Na imbes dapat ay masaya ako ngayon, ay sama lang ng loob ang ibinigay niya sa akin."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa hita niya, dahilan para mapatingin siya sa akin. At nang magtama ang aming mga mata ay agad ko siyang nginitian, kaya napangiti rin siya at ikinulong ang mga daliri niya sa akin.

Pagkatapos no'n ay huminga siya nang malalim.

"Sorry nga pala kung nasaksihan mo pa ang lahat ng 'yon, lalo na kung paano ko sagutin ang magulang ko. Hindi ko na talaga kasi nakayanan e. Talagang sumabog na ako kanina. Kaya pasensya na't imbes na magsaya tayo ngayong gabi, e nadamay ka pa sa problema ng pamilya ko."

Agad naman akong umiling at bahagyang ngumisi, saka bumuntonghininga.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin, okay? Naiintindihan ko 'yon. Saka naiintindihan ko rin kung ba't mo nagawa 'yon kanina sa mama mo. Alam ko kung saan nagmumula 'yang sakit ang galit na ilang taon mo na ring dala-dala."

Lumunok naman siya at bahagyang yumuko.

"Pero baka kasi e ma-turn off ka na sa akin n'yan e. Natatakot lang ako na baka pagkatapos ng gabing 'to e iiwasan mo na ako, at hindi ka na magpapakita sa akin kahit kailan."

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon