Twenty-Fifth Sunset

65 3 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

The moment I opened my eyes, wala akong ibang maramdaman kundi lungkot at bigat ng aking dibdib. Huminga ako nang malalim kasabay ng pagpikit aking mga mata nang muli ko na namang maalala 'yong nagpapapabagabag sa 'kin nitong mga nakaraang araw. Kahit tinatamad man at walang gana ay pinilit ko na lang ang sarili ko na bumangon. Maaga ako ngayong aalis pauwi sa probinsya namin, lalo na't bisperas na ng pasko. Sa twenty-seven pa 'yong balik namin, kaya kahit papaano ay mae-enjoy ko ang ilang araw kong bakasyon doon. Ala singko na pala ng umaga nang tingnan ko ang oras sa aking phone. Pagkatapos kong bumangon ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos ng mukha't mag-half bath lang muna. Agad na akong nagbihis at pinrepare 'yong mga dadalhin ko. Kaunti lang 'yong dadalhin kong mga damit dahil may damit naman ako ro'n sa bahay. Kaya 'yong laptop ko na lang ang dinala ko, just in case na biglang may ipapagawa sa akin 'yong department namin. O magkaroon man ng urgent meeting.

5:30 na akong nakalabas ng apartment ko. Pagka-lock ko ng pinto ay kaagad na akong sumakay ng tricycle sa kanto papunta sa terminal ng mga bus. Expected ko ng marami ng tao ang nandoon na kagaya kong uuwi rin sa mga probinsya namin, naghahabol ng last trip. At kahit maaga pa lang ay rush hour na.

Ilang araw na kaming hindi nagkikita't nag-uusap ni Zane kahit sa tawag. Pagkatapos ng gabing 'yon kung sa'n ko siya inuwi sa apartment ko ng lasing, ay ramdam ko na ang malaking puwang sa relasyon namin. Lalo na't paggising ko kinaumagahan ay hindi ko na siya nadatnan pa. Ni hindi rin siya nagpaalam sa akin para umalis. Kahit gustuhin ko mang magpakaapekto sa nangyari't dibdibin ang lahat ng 'yon, ay mas pinili ko na lang na mag-focus na lang muna sa sarili ko. At bigyan namin ng space ang isa't isa.

Na baka kailangan lang muna naming mapag-isa at makapag-isip-isip. Lalo na't iniisip ko rin na baka masyado na siyang nasu-suffocate sa relasyon naming dalawa. O baka ay boring na sa kanya 'yong pagiging sweet at clingy namin sa isa't isa, kaya nagawa niyang magbago. At biguin ako sa mga ipinangako niya sa akin noon na hinding-hindi niya ako sasaktan.

Pero hindi nga dapat tayo mag-expect at agad na maniwala, lalo na at lahat tayo ay magbabago rin sa paglipas ng panahon—gustuhin man natin o hindi. Masyado akong naging komportable na hindi nga niya magagawa ang lahat ng mga ipinangako niya sa akin. Kaya heto ako ngayon, sobrang nasaktan sa nangyayari sa buhay ko.

Nang makasakay ako sa bus at umupo malapit sa bintana ay doon ko lang napansing makulimlim ang panahon, na para bang binabagayan ang nararamdaman ko sa sandaling 'yon. Kaya in-expect ko na na maabutan kami ng ulan mamaya sa daan.

Kinandong ko na lang 'yong bag na dala ko sa aking mga hita, saka ko nilagay ang earphones sa cellphone ko para makinig na lang muna ng mga kanta habang hininhintay 'yong bus na umalis. At saka ako muling dumungaw sa bintana't nagmunimuni. Ilang sandali pa isinandal ko ang ulo ko sa head rest ng aking upuan saka ko ipinikit ang mga mata ko para subukang magpahinga.

Naramdaman ko namang may taong nakatayo sa tabi ko, kaya tinanggal ko muna 'yong earphones na nakalagay sa kaliwang tainga ko. At nanatili pa ring nakapikit.

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon