***
Pagbalik ko ng kuwarto niya galing sa pagbanyo ay hindi ko na siya nadatnan pa ro'n, kaya in-assume ko na lang na lumabas siya. Na kaagad ko rin naman siyang hinanap. Naabutan ko siyang nakikipaglaro sa kapatid at mga pinsan niya sa sala. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sila roon, saka ko sila nilapitan. Agad namang tumingin sa akin si Zane, pero nang makita niya ang mukha ko ay kaagad din niya akong inirapan. Dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko at mapalitan 'yon ng pagtataka.
Ano na naman kaya ang problema ng asungot na 'to? tanong ko sa aking sarili.
Pero nang maalala ko ang ginawa ko sa kanya kanina ay umiling na lamang ako, at huminga nang malalim.
Tumabi ako ng upo sa kanya sa couch pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Talagang nakatuon ang atensyon niya sa mga bata. Pasimple ko naman siyang inakbayan pero agad din siyang lumayo sa akin. Sinundan ko lang siya ng tingin at bumuntonghininga sabay lunok, at sinubukan ko naman siyang yakapin sa baywang niya sa pagkakataong 'yon. Na agad din siyang tumayo at nagpaalam sa mga bata.
Pagkaalis niya ay kaagad ko rin siyang sinundan, at kinausap siya.
"Hanggang kailan mo ba ako balak iwasan?"
Narinig ko naman ang kanyang pagtikhim, pero wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Kaya ibinagsak ko ang mga balikat ko nang huminga ako nang malalim, at umirap na kaharap ang kanyang likod.
At hindi ko na natiis na hablutin ang braso niya, dahilan para pareho kaming matigilan sa paglalakad. Kaagad naman siyang humarap sa akin dala ang kanyang kunot-noong mukha.
"What?"
Inirapan ko siya. "Para kang timang na nagtatampo d'yan!"
Mas lalong kumunot ang noo niya saka rin niya ako inirapan pabalik, at sinungitan. Saka niya pinalis ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"Sabi mo sa 'kin kanina na stay harder, baby 'di ba?" panimula niya at pinasadahan ako ng tingin sa mukha ko. "Puwes, manigas ka d'yan! Stay harder pala gusto mo ha," dagdag niya saka niya ako tinalikuran at muling naglakad patungo sa labas ng kanilang bahay.
Sa sandaling 'yon ay hindi ko na rin maiwasang mainis sa kanya lalo na't konting bagay lang eh pinapalaki pa niya. Hindi ko ma-gets kung sa'n siya kumuha ng lakas para magtampo sa akin ngayon, gayong tinanggihan ko lang naman ang gusto niya lalo na't bahay to ng mga magulang niya. Ayokong gumawa ng kahit anong kabalastugahan dito dahil nirerespeto ko ang lugar na 'to, lalo na ang mga taong nakatira rito. Kahit na sabihin na nating bahay nila ito, at dito rin siya nakatira noon.
Para mahimasmasan ay bumalik na lang ako sa kuwarto niya't doon muna tumambay. Dahil paniguradong iiwasan niya lang ako kapag susunduan ko pa siya at piliting suyuin.
Pagpasok ko ay kaagad akong umupo sa gilid ng kama, at nilibot ang mga mata ko sa paligid. It really feels cozy and homy 'yong kuwarto niya. Though halatang medyo luma na 'yong mga pintura at ibang mga gamit, ay para pa rin itong bago kung titingnan. Dahil na rin siguro sa pagme-maintain at regular cleaning even thought wala ng natutulog dito, sabi sa akin ni Zane noon. Pansin ko rin na may iilang mga picture frames ang nakasabit sa pader, mostly mga childhood pics niya at ng kanyang family.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...