Twenty-Eighth Sunset

51 3 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Makalipas ang ilan pang mga araw ay magbabagong taon na. Disperas na ngayong araw, at no'ng nakaraan pa nakiusap sa akin si Zane na doon daw namin sasalubungin ang bagong taon sa bahay ng mga magulang niya. Nag-request din kasi ang mama niya na kung puwede ay doon kami mag-celebrate. Tuwang-tuwa naman ako nang malaman 'yon dahil gusto ko ring makasama niya ang kanyang pamilya sa araw na iyon. At isa pa ay nakakahiya rin tumanggi sa alok nila. Panatag naman ang loob ko na gusto lang nilang bumawi, lalo na't hindi maganda ang nangyari noong huling birthday niya—na nag-away pa silang dalawa. Kaya saktong pareho kaming day-off ngayong araw ay niyaya ko na lang siya na mag-grocery, dahil gusto kong magluto ng specialty ko na chicken caldereta. Saka magbi-bake na lang din ako ng cake para dalhin namin doon sa kanila mamaya.

Tanghali na kaming pumunta ni Zane sa SM para roon na lang mag-grocery ng mga kakailanganin ko. Expected ko na na maraming tao lalo na't rush hour din. Sa kalagitnaan ng pamimili ko habang siya naman 'yong nagtutulak sa cart, ay nagreklamo siya sa akin na gutom na raw siya. Natawa nga ako sa paraan ng pagkakasabi niya no'n na parang batang nagta-tantrums.

E sinabihan ko na kanina na magla-lunch na lang muna kami dahil for sure ay matatagalan pa kaming mag-grocery. Mamaya na raw, sabi pa niya. Unahin na lang daw muna naming mag-grocery para pagkatapos ay kakain kami't uuwi na. Kaya sinabihan ko na lang siya na bumili na lang muna roon sa labas ng super market ng kanyang makakain sa mga food stalls bilang pantawid gutom. Pero ayaw naman daw niya, lalo na't ayaw din niya akong iwan do'n na mag-isang nagtutulak nitong mabigat na cart. Kaya inirapan ko na lang at ngumisi.

"Bumili ka na ro'n! Kaya ko naman ang sarili ko."

"Eh...ayoko nga ring iwan ka rito. Titiisin ko na lang 'yong gutom ko para masamahan kita."

Umirap ako at bumuntonghininga.

"Matatagalan pa tayo rito, babi. Kaya go na. Kumain ka na ro'n."

Bahagya naman siyang ngumuso, pilit na nagpapaawa sa akin. Kaya muli akong umirap nang pabiro, at ako na mismo ang kusang nagtulak sa kanya nang marahan para tuluyan na rin siyang umalis.

"Pumunta ka na ro'n, okay? Malapit na rin naman akong matapos dito. Mayamaya ay pipila na rin ako sa counter para magbayad."

Huminga siya nang malalim, at ibinagsak ang kanyang mga balikat bilang pagsuko.

"Bilhan na lang din kita ng makakain mo. Para kapag matapos akong kumain mamaya e swap tayo, tapos ako na 'yong pipila sa counter para makakain ka rin."

Napangiti naman ako sa sinabi niya't walang pag-alinlangan siyang nilapitan para halikan sa kanyang labi. Kaya ilang sandali pa ay nakita ko na rin siyang nakangiti.

"Alright. Love you!"

"Love you too, babi!"

Tumango lang ako bago na siya tuluyang naglakad palabas ng super market. Nang makaalis na siya ay saka lang ako nagpatuloy sa paghahanap pa ng mga kakailanganin ko.

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon