***
Sinalubong ko ang bagong taon nang mag-isa sa nadaanan kong public park pagkatapos kong umalis sa bahay ng mga magulang ni Zane. Mas lalong sumama ang loob ko dahil paulit-ulit kong chineck ang phone ko kung may missed calls and unread messages ba galing sa kanya. Pero ni isa ay wala man lang akong natanggap. Kaya iniyak ko na lang ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. I just can't imagine na nagiging insensitive na siya lately sa akin, na para bang hindi niya iniisip kung ano ang mararamdaman ko sa bawat salitang binibitawan niya. At mga kilos na talagang nagpapaiyak sa mangmang kong puso. I am so frustrated right now, especially that he already promised not to hurt me again. Na magiging maingat na siya. But look at what happened. He made me feel like nothing but a disappointment and unimportant. Also forgetting that I am still his boyfriend.
Alam ko namang hindi ko dapat bi-nig deal kung sasabihin man niya ang past relationship sa akin o hindi. Pero tao pa rin naman ako, e. May karapatan pa rin akong magalit sa kanya at masaktan nang ganito dahil ako na iyong present partner niya ngayon. And knowing that he tried to hide his past, and telling me not to make it as a big deal, ay parang nakaka-bullshit lang pakinggan.
How am I supposed to forget all of that and not make it as a big deal, kung no'ng kinompronta ko siya ay hindi kaagad siya makasagot sa akin? Lalo na noong sa kanya ko na rin narinig na pinapahalagahan pa niya ang babaeng 'yon. That when things go wrong, she's always there for him. And the only one who can understand him when he can't understand himself.
Putangina lang! So, ano pa pala ang puwang ko sa buhay niya ngayon?
Habang nanunuod ako ng mga fireworks pagsapit ng alas dose ng madaling araw ay iyak lang ako nang iyak, at humahagulgol na parang bata.
Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang lahat ng 'to ngayon, kung deserve ko bang tratuhin niya ako nang ganito? Dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan ko. Pagod na akong umintindi at mag-adjust. Para na akong nasu-suffocate sa relasyon namin ngayon, lalo na't ipinaparamdam niya sa akin na wala na akong halaga sa kanya. At unti-unti na ring naglalaho ang pagmamahal niya sa akin.
Na tuluyan na siyang nagbabago. At hindi na siya iyong taong nakilala at minahal ko noon.
I wiped my tears as I took a heavy breath, and bit my lower lip. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa sandaling 'yon. Ayokong mas pangunahan ako ng emosyon ko dahil paniguradong hindi ako makakapag-isip no'n nang maayos.
At kailangan kong ipamukha sa kanya na mali siya sa mga ibinibintang niya sa akin kanina. Na masyado raw akong nagpapadala sa emosyon ko't hindi mapigilan ang pag-o-overthink.
Nang humuhupa na 'yong damdamin ko ay saka ko naman naisipang tawagan ang mga kaibigan ko. Pero agad kong pinigilan ang sarili ko, lalo na't na-realize ko rin sa sandaling 'yon na busy silang lahat ngayon sa pagse-celebrate ng bagong taon kasama ang mga pamilya nila. Ayoko namang maging pabigat sa kanila at makaabala nang ganitong oras.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...