***
Kagaya ng sabi niya sa akin kahapon ay tuloy daw ang surprise date naming dalawa ngayong araw. Mga bandang alas kuwatro y medya ng hapon ay pinaghanda na niya ako para umalis na kaming dalawa. Tinanong ko pa siya kung kailangan ko bang mag-formal attire, pero agad din niyang sinagot sa akin na hindi na raw kailangan. Mag-casual attire na lang daw ako, since 'yong lugar na pupuntahan namin ay hindi naman daw gano'n karaming tao ang nandoon. Kaya doon pa lang sa puntong 'yon ay kumunot na ang noo ko at napaisip. Sinubukan ko pa siyang tanungin sa huling pagkakataong bago kami tuluyang umalis, pero ang sinagot niya lang sa akin ay ang pamatay niyang "basta". Kaya sa huli ay sumuko na lang ako sa pangungulit sa kanya lalo na at wala rin naman akong napala.
Habang bumabiyahe kami ay pansin kong ang sigla ng mukha niya, halatang masayang-masaya at excited. Kahit ako ay hindi ko na rin napigilang ma-excite sa pupuntahan namin.
Sandali muna kaming dumaan ng convenience store dahil may bibilhin lang daw siya saglit. Nagpaiwan na lang ako sa loob ng sasakyan, at pagbalik niya ay kunot-noo ko siyang tinitingnan habang may hawak siyang malaking paper bag.
"Ano 'yang binili mo?"
Ngumisi lang siya't marahang umiling, kaya sumimangot ako. Kinurot niya lang 'yong pisngi ko nang malagay na niya sa likod 'yong paper bag. At pagkatapos ay humarap siyang muli sa akin saka ako hinalikan sa labi ko habang nakasimangot pa rin ako.
"Oh, ba't nakabusangot na naman 'yang mukha mo?"
"Eh, kanina ka pa kasi secret nang secret sa akin. Hindi mo rin sinasabi kung ano 'yang binili mo, o kung sa'n ba talaga tayo pupunta."
Tuluyan na niya akong pinagtawanan, kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"Kaya nga surprise 'di ba?" sagot naman niya sa akin saka niya ako muling binigyan ng halik sa labi ko. "Just trust me, okay? Alam ko namang magugustuhan mo 'yong pupuntahan natin eh."
Umirap ako at bumuntonghininga. "Fine! Siguraduhin mo lang na magiging worth it 'tong anticipation ko ngayon."
"Oo nga! 'To naman, hindi makapaghintay. Huwag mo namang masyadong ipahalata sa akin na sobra kang excited 'no?" saad niya't muli akong tinawanan.
"Mag-drive ka na nga lang! Mang-aasar ka pa eh..."
Umiling na lamang siya't ilang sandali pa ay muli na niyang pinaandar 'yong sasakyan, saka kami nagpatuloy sa aming biyahe.
Saktong ala singko ng hapon na nang nakarating kami sa lugar na tinutukoy niya kanina. Tama nga siya, worth it nga 'yong paghihintay at anticipation ko. Sobrang ganda ng lugar, maging ang view roon. Idagdag pa ang ingay ng mga along humahampas sa dalampasigan, ang ihip din ng hangin na dala nito, at kung gaano rin nakakamanghang pagmasdan ang unti-unting paglubog na araw sa harapan naming dalawa. Mula ng bumaba ako ng sasakyan pagkarating naming dalawa ay wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan at damhin ang buong paligid.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...