Twenty-Sixth Sunset

55 3 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

MATURE CONTENT WARNING: 

This chapter, in some parts later on, contains R18 (SPG) contents/scenes. If you are below 18 years old, it is not recommendable for you to proceed on that part. 

Reader's discretion is advised!

***

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina para kumain. Hanggang doon ay hindi ko pa rin nakikita si Zane, kaya in-assume ko na lang na nasa labas siya at baka kausap ang tita ko. Hindi ko na siya hinintay pa na samahan akong kumain dahil talagang gutom na gutom na ako. Lalo na't mas lalo akong natakam nang maamoy ko ang afritada pagbukas ko sa nakatakip na stainless steel na kaserola. Nang matapos kumain ay lumabas ako ng bahay para hanapin ang kumag. Agad ko naman siyang nadatnan na nagsisibak ng kahoy habang kausap niya si manong na kapit-bahay lang din namin. Hindi naman ako makapaniwala sa ginagawa niya kaya lumapit ako sa kanilang dalawa. Roon lang natigil ang kanilang pag-uusap nang mapansin nilang nakatayo na ako sa harapan nila. Sabay naman silang tumingin—si manong na nakangiti sa akin. Habang si Zane naman ay unti-unting nawawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang mukha ko't umiwas din ng tingin sa akin.

"Nako, ilang beses ko na siyang sinabihan na ako na ang gagawa r'yan. Pero ke-tigas talaga ng batang ire!"

Ngumisi naman ako't umasiwa, at pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin ko kay Zane na nagsisibak pa rin ng kahoy sa sandaling 'yon.

Umiling na lamang ako at inirapan siya. Takang-taka naman siya sa ginawa ko't sinundan lang ako ng tingin nang umalis ako para pumuna kina tita, at tulungan sila sa kanilang ginagawa. Iyong iba pa naming mga lalaking nasa 40's na kapit-bahay ay nagtulong-tulong para katayin 'yong baboy na gagawing lechon. Maging si Zane ay tumulong din sa kanila na para bang sanay na sanay siya sa kanyang ginagawa. Nagagawa pa niyang makipagtawanan sa kanila't komportableng makipag-usap na parang matagal na silang magkakilala.

Pagsapit ng hapon, bandang alas tres, ay nagsimula na silang lutuin 'yong lechon sa sinindihan nilang mga uling at kahoy na sinibak niya kanina. Nagkayayaan din 'yong mga matatanda na uminom ng lambanog. No'ng una ay alanganin pa si Zane na uminom lalo na't hindi pa raw siya nakakainom no'n, kaya tinagayan siya ng isang baso para ipatikim muna. At no'ng nagustuhan niya ang lasa nito ay nagpatuloy na sila sa pag-inuman. Umiling na lamang ako lalo na nang maisip kong malalasing na naman siya nito mamaya.

Natapos sina tita sa pagluto ng mga ulam bandang ala singko na ng hapon, habang sina Zane ay patuloy pa rin sa pakikipag-inuman. Sumali na rin si lolo sa kanila kaya mas lalong umingay ang kanilang tagayan, na may kasamang kuwentuhan at halakhakan. Bahagya na ring namumula ang pisngi ni Zane, halatang tinatamaan na ng alak na kanilang iniinom. Paminsan-minsan ay numanakaw siya ng tingin sa akin kaya iniirapan ko lang siya't agad na ililihis ang tingin ko.

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon