***
Pangalawang araw na ng December, at ilang tulog na lang ay magpapasko na. Kahit twenty-four years old na ako ay hindi ko pa rin maiwasang ma-excite na salubungin ang araw na 'yon. Kahit naman siguro tumanda tayo ay mananatili pa rin sa atin ang pagiging isip at pusong bata, lalo na sa mga bagay na nagbibigay sa atin ng kasiyahan. Ngayon ko lang din naalalang tanungin si Zane kung ano'ng balak niya sa pasko. Pagkatapos ng shift ko ay tinext ko siya para yayaing kumain sa labas. Natagalan nang sampung minuto bago siya nakapag-reply sa akin nang nasa gitna na rin ako ng biyahe. Kaya bahagya akong nagtataka dahil hindi naman siya gano'n. Saka hindi ko rin inasahang isang simpleng "Ok." lang ang ni-reply niya sa akin, na para bang walang kabuhay-buhay. Bumuntonghininga na lamang ako nang ilang ulit ko 'yong binabasa.
Pagdating ko sa lugar kung sa'n kami kakain ay sakto namang tumatawag siya sa akin. Agad kong sinagot 'yon pagkaupo ko sa bakanteng mesa na napili ko. Sinabi niyang male-late siya nang ilang minuto dahil may dadaanan pa raw siya. Sumang-ayon na lamang ako kasabay ng pagbuntonghininga pagkatapos ng kanyang tawag.
Kanina ko pa napapansing panay tingin sa akin ang isang staff dito sa kinauupuan ko dahil halos sampung minuto na rin akong nakaupo ro'n at hindi pa umu-order. Nakakahiya nga dahil para niya akong hinuhusgahan. Kaya para ilihis ang atensyon ko ay nagkunwari na lamang akong abala sa pagtitipa't pag-scroll sa cellphone ko.
Habang abala sa aking ginagawa ay tumitingin din ako sa paligid. Sakto namang nagtagpo ang tingin namin ng isang kapapasok lang din doon sa restaurant. Nagulat siya nang makita ang mukha ko, habang ako naman ay kumunot lang ang noo. Ilang sandali pa ay kumunot na rin ang noo niya na para bang kinikilala ako, kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. At mayamaya pa ay bigla na lang siyang napangiti't naglakad papunta sa kinauupuan ko.
"Gavin?"
Mas lalong kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Nang nasa harap ko na siya ay pilit ko pa rin siyang kinikilala. At nang mapagtanto ko na kung sino siya ay nagulat din ako't hindi makapaniwalang tinapunan siya ng tingin.
"Uy, Third? Hindi agad kita nakilala!"
Nagtawanan kaming dalawa saka nag-fist bump siya sa akin, na agad ko ring tinugon. Pagkatapos no'n ay umupo siya sa harap ko nang nakangiti pa rin.
"Grabe, tagal na rin nang huli tayong nagkita. Kumusta ka na?"
Umasiwa ako. "Kaya nga e. Heto, okay lang naman. Busy lang sa life at sa trabaho," kuwento ko naman. "Ikaw? Ano na ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
Tumikhim siya.
"Ayun, may isang baby boy na ako ngayon. Mag-iisang taon pa lang. Saka busy din sa maliit naming tindahan. 'Yon kasi ang pinagkukuhanan namin ng pangtustos sa gastusin namin, lalo na sa anak ko."
Tumango lang ako habang nakingiting nakatingin sa kanya.
"Wait, may kasama ka ba ngayon?" dagdag niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...