***
That was the last time I saw him after he broke up with me. Isang buwan na rin ang nakalipas, pero pakiramdam ko ay parang kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon. Sa nakalipas na buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak gabi-gabi, magmukmok sa apartment ko. At iinom nang mag-isa, umaasa na baka sa pagkakataong 'yon ay makalimutan ko 'yong sakit na nararamdaman ko.
But I was wrong.
I am so delusional to make myself believe that everything will be alright.
Sobrang fucked up ko na ngayon, to the point na pati performance ko sa trabaho ay sobrang naaapektuhan na rin. Even our head department was worrying about me, but giving me warnings at the same time. Naiintindihan naman daw niya 'yong pinagdadaanan ko ngayon, but it is still not an excuse for me not to do well at my job. Dahil kaming lahat ang maaapektuhan no'n. At kung hindi ko pa raw aayusin ang trabaho ko ay baka mapilitan siyang sisantihin na lang ako. Kaya at some point ay naging wake up call din sa akin 'yon. Na kahit nahihirapan man ay pinipilit ko na lang na iwan ang problema ko sa apartment, at huwag dalhin sa trabaho ko.
Two weeks bago nalaman ng mga kaibigan ko ang nangyari tungkol sa break-up naming dalawa ni Zane. Awang-awa sila sa akin lalo na sa kalagayan ko. Ni hindi rin sila makapili ng side between the two of us, dahil hindi rin naman nila alam ang totoong nangyari sa paghihiwalay naming dalawa. At ang rason kung bakit kami humantong sa gano'n. Lalo na at naging kaibigan na rin naman nila si Zane kahit papaano, kaya unfair daw kung sa akin na lang sila magiging bias about sa break-up naming dalawa.
"Bakit gano'n, Chel? Sobrang unfair naman yata niya sa 'kin. Ang dali-dali lang sa kanya na hiwalayan ako nang gano'n. Samantalang ako ay hirap na hirap ngayon sa sitwasyon ko, na para bang namatay ang kalahati ng pagkatao ko," pag-rant ko kay Rachel nang niyaya niya ako isang araw noong nakaraang linggo na lumabas para makapag-usap kaming dalawa. At para hindi raw ako palaging magmukmok nang mag-isa sa apartment ko.
She just rubbed my shoulder, trying to make me calm and giving me a pity glance. Habang ako naman ay tumingala sabay hinga nang malalim, at hinahayaan ang mga luha kong lumalandas sa aking pisngi.
"Nag-usap ba ulit kayo after that night? Baka kasi nabigla lang kayong dalawa at na-overwhelm sa mga emosyon niyo kaya nasabi niyo ang lahat ng 'yon."
I gave her a sad and hopeless look as I take a gulp.
"Kilala ko siya, Chel. Alam kong sa gabing 'yon ay talagang buo na ang desisyon niya. Hindi na nga rin siya 'yong Zane na minahal at nakilala ko. Talagang malaki na ang ipinagbago niya ngayon."
"And how can you be so sure about that? Did you ever tried to ask him, and understand ba? Baka naman ay may pinoproblema lang siya ngayon, at hindi niya sinasadyang ikaw ang pagbuntungan niya ng lahat ng 'yon?"
Sandali naman akong natigilan para isipin 'yong sinabi niya. At pagkatapos ay muling huminga nang malalim sabay iling nang marahan.
"He really wanted to end our relationship that night. Saka parang ang unfair lang din naman yata kung gano'n nga ang rason niya. Like hindi ko naman deserve na tratuhin niya ako nang gano'n 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...