Thirty-Fifth Sunset

52 3 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

For the past two months ay ospital, condo, at trabaho lang ang nagiging routine ko. Though nakakapagod 'yong ginagawa ko't gusto ko ng sumuko dahil halos wala na rin akong time para sa sarili ko, ay mas iniisip ko na lang na para rin 'yon kay Zane. At sa aming dalawa. Na talaga ngang kapag mahal mo nang sobra ang isang tao ay magagawa mong magsakripisyo. At alam kong balang araw ay magiging worth it din ang lahat ng sakripisyo naming dalawa, lalo na sa parte ko.

Sa tuwing nakikita ko naman siyang nahihirapan, at dinadaing lang 'yong sakit na nararamdaman niya sa tuwing tinuturukan siya ng gamot. At sa mga therapies niya, ay hindi ko talaga maiwasang hindi rin masaktan at maawa sa kanya.

Lalo na no'ng tuluyan na ring nalalagas ang mga buhok niya, at ang unti-unti ring pagbawas ng kanyang timbang. Namumutla na rin siya. At madalas na inaatake ng kanyang hika, nahihilo, saka palaging matamlay at nagsusuka. Na ang inaasahan naming pagbabago sa kanya ay hindi katulad nitong nakikita ko.

Alam na rin ng mga magulang niya ang tungkol sa kanyang sakit. As expected ay hindi rin nila inasahan ang balitang iyon, lalo na ang mama niya. Gustuhin man nitong magalit sa kanya dahil ilang buwan pa raw niya itong itinago sa kanila bago niya ito sabihin, ay mas pinili na lang niyang kalimutan 'yon. Lalo na't wala na rin namang saysay kung paiiralin pa niya ang kanyang emosyon kaysa sa sitwasyon na kinakaharap ng anak niya ngayon.

At sa totoo lang ay sobrang hirap pa rin para sa akin, dahil hindi ko pa rin kayang tanggapin na iyong bagay na kinakatakutan kong mangyari noon, ay unti-unti na ngang nagkakatotoo ngayon.

And the thought of losing him makes me wonder if I can bear all of that someday.

Lalo na at siya iyong pinakamagandang nangyari sa buhay ko ngayon.

"Babi?"

"Hmm?"

Kaagad kong pinahid ang kumawalang luha sa mata ko nang marinig ko ang boses niya sa aking likuran habang nakaupo sa gilid ng aming higaan. Huminga ako nang malalim kasabay ng paglingon ko sa kanya nang mapansin kong nasa tabi ko na pala siya, nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa akin.

Alas dos na ng madaling araw, at ilang oras pa rin akong gising. Hindi makatulog sa kakaisip nang malalim. Hindi ko magawang makatulog nang tuluyan dala ng mga bagay na patuloy pa rin na tumatakbo sa isipan ko.

"Okay ka lang ba?"

Kaagad akong tumango at binigyan siya ng isang pekeng ngiti.

"Y-Yeah. Why?"

Tumikhim siya't bumuntonghininga.

"Hindi ka ba makatulog?"

Umiwas ako ng tingin nang hinuhuli niya ang mga mata ko para malaman kung nagsasabi ba ako sa kanya nang totoo, o hindi. Kaya sa huli ay sumuko rin ako at nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon