Thirty-Eighth Sunset

56 2 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin muling nagkakamalay si Zane. Lahat kami ay alalang-alala na dahil maging ang doktor ay sinabi sa amin na usually ay mga ilang araw lang ay dapat gising na siya. Kaya mas lalo ring nadagdagan ang pag-ooverthink ko sa mga nakalipas na araw, iniisip na baka tuluyan na ngang siyang hindi magising. At natatakot pa rin na tanggapin 'yong katotohanang nangyayari na mismo ngayon sa harapan ko. Kahit bumalik na ako sa trabaho ay pakiramdam ko'y hindi ako makapagtrabaho nang maayos, lalo na at si Zane lang ang palaging laman ng isip ko.

Gusto ko na ngang mag-resign na lang para makapag-focus na ako sa pagbabantay sa kanya sa ospital, pero ayaw din naman daw nila tito at tita. Alam ko ring magagalit sa akin si Zane kapag nalaman niya 'yon. Kaya kahit nahihirapan man sa sitwasyon ngayon ay pinipilit ko na lang na tatagan 'yong loob ko. Kailangan kong maging malakas para sa kanya, at kung magpapatalo lang ako at magpapaapekto sa nararamdaman ko ngayon ay parang sinasabi ko na rin na sumusuko na ako sa kanya.

Araw ng Biyernes, at pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad akong dumiretso sa ospital. Nagdala na lang ako ng mga damit na kakailanganin ko lalo na at nakiusap ako kina tita na ako ang magbabantay sa kanya ngayong gabi, at buong magdamag. Pagdating ko roon ay bumungad sa akin si tita na nagbabalat ng ponkan, habang ang nakababatang kapatid naman ni Zane na si Brent ay nasa tabi lang at abala sa paglalaro sa Nintendo Switch na dala nito. Kaagad silang tumingin sa akin pagbukas ko ng pinto, na agad din nila akong nginitian.

"Oh Gav, dito ka na pala."

Ngumiti ako at marahang tumango bilang tugon, saka ako lumapit kay tita para magmano habang si Brent naman ay sandaling tumigil sa paglalaro para lumapit din sa akin at magmano. Pagkatapos no'n ay nilapag ko 'yong bag ko sa ibabaw ng maliit na cabinet malapit sa banyo, saka ko muling hinarap si tita at tumabi ng upo kay Brent sa mahabang bedroom bench na nasa pader. Kung saan din ito nakaharap sa kama.

Lumingon naman ako sa katabi ko saka ito kinausap.

"Buti at sumama ka ngayon sa mommy mo na bantayan ang kuya mo, Brent?"

"Wala rin po kasi akong magawa sa bahay kuya. Saka miss ko na rin po si Kuya Zane, kaya nag-decide na lang po ako na sumama rito," sagot naman nito sa akin habang ang mga mata niya ay naka-focus pa rin sa laruang hawak niya.

Napangiti naman ako sa sagot niya't marahang ginulo ang kanyang buhok, at pagkatapos no'n ay muli na naman akong tumingin kay tita. Na pasimple rin pa lang nakatingin sa aming dalawa habang abala pa rin ito sa kanyang kinakaing prutas.

"Ponkan Gav, gusto mo?" alok niya. Agad ko namang inabot 'yong isang piraso ng ponkan na hindi pa nababalatan saka ako nagpasalamat sa kanya.

"Kumain ka na rin ba?" dagdag pa nitong sambit, at kaagad naman akong umiling.

"Hindi pa po."

Marahan naman siyang tumango. "Tamang-tama at papunta na rito ang tito mo. Sabay-sabay na tayong mag-dinner."

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon