***
Maaga pa lang ay nag-text na si Zane sa akin, muling tinatanong at sinisiguro kung makakapunta ba ako sa birthday party niya ngayong araw. Sumagot ako ng oo kaya sinabi niyang susunduin niya ako mamayang ala singko ng hapon, dahil napagdesisyunan din daw ng pamilya niya na isang simpleng dinner iyong party na gaganapin mamaya. Kaya pagkatapos naming mag-usap nang tumawag din siya sa akin ay agad ko ng hinanda 'yong susuotin ko, isang white round-neck shirt, denim pants, at white leather sneakers. Nagdadalawang-isip din ako kung ano ba 'yong ipapares sa shirt ko na panloob, kung long sleeves polo ba, flannel, o iyong corduroy jacket. Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na iyong beige corduroy jacket na lang iyong susuotin ko't ipapares doon.
Sakto namang day-off ko't Sabado gaganapin iyong kaarawan niya, kaya kahit alas dose pa lang ng tanghali ay hindi na ako mapakali. Halos hindi ko na nga rin mabilang kung ilang ulit ko ng tinitingnan at binabantayan ang phone ko kung may text ba, or chat galing kay Zane. Pero napapabuntonghininga na lamang ako kapag nakikita kong wala akong natatanggap kahit ni isa mula sa kanya. Inisip ko na lang na baka busy siya sa mga oras na 'yon, o abala rin sa paghahanda para mamaya.
Kaya para mawaglit muna siya sa isipan ko ay nanuod na lamang ako ng movie para palipasin na lang din ang oras. At mukha namang effective iyong ginawa ko. Dahil pagkatapos ng pinapanuod kong palabas ay tiningnan ko 'yong oras, at hindi namalayang lagpas alas tres na pala ng hapon. Bahagya naman akong nakaramdam ng gutom kaya nag-desisyon na lang din ako na magpa-deliver ng pagkain.
Habang taimtim na kumakain at nanunuod muli ng panibagong pelikula ay hindi ko talaga maiwasang i-check ang phone ko from time to time kung may text na ba or chat galing kay Zane. Saka tingnan din kung anong oras na ba. Ewan ko ba, pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay pakiramday ko'y mas lalo lang bumabagal ang takbo ng oras. Nakakainis nga dahil sa pagkakataong 'yon ay gustong-gusto ko na siyang makita, at hindi ko alam kung bakit.
Oh, fuck! I really miss him so much.
Umiling na lang ako nang aminin ko 'yon sa sarili ko't pinilit na iwaglit siya sa isipan ko. Saka ko in-enjoy manuod at kumain.
Sa sobrang hook ko sa pinapanuod ko ay hindi ko namalayang isa't kalahating oras na pala ang lumipas. At sakto namang tumatawag sa akin si Zane nang tiningnan ko ang phone ko para alamin kung anong oras na ba. At para naman akong baliw na nakangiti habang pinagmamasdan ang pangalan niyang rumerehistro sa screen ng phone ko. Tumikhim muna ako bago siya tuluyang sinagot.
"Oh, Zane? Napatawag ka?" pagkukunwari ko pa, pinipilit na huwag ipahalata sa kanya na kanina ko pa hinihintay ang tawag niya sa akin. At sabik na sabik na marinig ang kanyang boses.
"I just want to check on you. Also, papunta na ako r'yan in a bit," sagot naman niya sa akin. Tumango lang ako kahit hindi niya 'yon nakikita.
"By the way, kumain ka na ba? Nag-drive thru muna ako sa McDo kanina, baka kasi hindi ka pa kumakain," dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...