***
Having Zane in my life is somehow a reminder for me that maybe I deserve the life with him right now. Iyon bang pinapangarap ko lang noon, at kinukuwestiyon kung mararanasan ko rin ba ang lahat ng 'yon, ngayon ay unti-unti ng nangyayari sa buhay ko. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na unti-unti ko na siyang natutunang mahalin, na noon ay pinapangunahan pa ako ng sarili kong takot at pangamba kung ang lahat ba ng 'to ay magiging worth it kapag susugal ako. At sa nakikita ko naman ngayon ay masasabi kong sulit naman ang lahat ng mga desisyong ilang beses ko ring tinimbang. Saka tama nga rin 'yong sinabi ng mga kaibigan ko sa akin, na hindi ko malalaman ang sagot sa mga tanong ko noon kung hindi ko rin susubukan.
Ganito pala talaga ang pakiramdam ng isang inlove.
Simula rin no'ng umamin kami sa isa't isa ay walang araw na hindi niya ako pinupuntahan sa apartment ko. Minsan ay doon din ako natutulog sa condo niya, hanggang sa nasanay na kaming gano'n ang routine namin sa dumaan na tatlong linggo. At dahil doon ay napagtanto kong ang mga love language niya ay act of service, physical touch, at words of affirmation.
Gustong-gusto niya raw akong pinaglulutuan, dahil sa tuwing nakikita niyang nagugustuhan ko ang lahat ng mga pagkaing niluluto niya para sa akin, ay masaya na rin daw siya kapag nakikita niya akong masaya. Mahilig din siyang makipag-cuddle, lalo na kapag nanunuod kami ng movie sa place niya tuwing weekends kung kailan rest days din naming dalawa sa trabaho. Kung hindi cuddle ay gustong-gusto niyang pinaglalaruan ang kamay ko habang hawak niya ito kapag magkatabi kaming dalawa. At talagang palagi niyang pinapaalala sa akin kung gaano niya ako kagusto, na nagpapasalamat siya sa Diyos na dumating ako sa buhay niya't kung gaano rin siya kasuwerte sa akin.
Nakaka-overwhelm lang sa feeling na may tao pa pala talaga na dadating sa buhay natin, at ipaparamdam ang lahat ng 'yon nang walang pag-alinlangan. Na hindi mo kailangang matakot, bagkus ay hayaan ang sarili mo na magpadala sa agos ng kasiyahang idinudulot nito sa buhay mo.
At mapagtanto kung gaano kasarap magmahal nang malaya.
Lalo na noong tinatanong ko rin siya minsan kung hindi ba siya natatakot na husgahan kami ng mga taong nakapalibot sa amin sa oras na piliin naming magpakatotoo sa isa't isa.
"Ba't naman ako matatakot? E nagmahal lang naman tayo."
"Pero hindi naman kasi normal sa kanila na makakita ng dalawang taong nagmamahal na pareho rin ang kanilang kasarian, 'di ba?"
Tumawa siya't umiling.
"Kahit anong gawin natin, mayro'n at mayroon pa rin silang masasabi tungkol sa ating dalawa. Ang mahalaga ay masaya tayo, at wala rin tayong inaagrabiyadong ibang tao."
Tumikhim siya sabay hawak sa kamay ko, saka niya ito pinisil nang marahan at tinitigan.
"Bakit? Ikaw ba, e natatakot ka ba na husgahan nila tayo? Nagdadalawang-isip ka ba ngayon na mahalin din ako pabalik?"
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomansaWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...