***
At some point ay nakakatawang isipin na sa dinami-dami pa ng taong makakasama ko, ay siya pa 'yong nandiyan kung kailan niya ako nakitang umiiyak. At naging mahina. Na kung saan ay siya rin 'yong taong pilit kong iniiwasan dahil sa nakaraang gusto ko ng ibaon sa limot dahil sa kahihiyang dinulot nito. Kanina pa ako tumigil sa pag-iyak ay nahimasmasan na, at noong kumalma na ako ay doon ko lang lang napagtano na sobrang nakakahiya pala 'yong ginawa kong pag-iyak kanina sa harap niya. Kahit gustuhin ko mang ibalik 'yon at baguhin, hinihiling na sana ay hindi ko na lang iyon ginawa, ay huli na para gawin ko pa ang bagay na tapos na.
But at the same time ay gumaan din ang dibdib ko pagkatapos kong iiyak sa kanya 'yong bigat ng loob na ilang taon ko na ring dala-dala.
At kahit ayoko mang aminin sa sarili ko, ay totoo nga iyong sabi nila na mas okay pa lang mag-vent out sa taong hindi mo pa kilala.
Dahil hindi ka nila huhusgahan. At handa silang makinig sa 'yo.
"Here."
Tumingala ako't tumingin sa tabi ko nang marinig ang boses ni Zane, at agad na bumungad sa akin ang inabot niyang Cornetto. Nginitian ko naman siya nang tipid at tumikhim.
"Salamat."
Agad siyang umupo sa harap ko at doon ko lang napansing may hawak din siyang sorbetes na kapareho ng brand sa akin, pero iba naman ang flavor.
Pagkatapos kong mag-drama sa kanya kanina ay inaya niya akong pumunta sa malapit na convenience store sa tinitirhan kong apartment, dahil ililibre niya raw ako ng ice cream. Kahit tinatamad man na lumabas ay napapayag pa rin niya ako sa huli, at heto kami ngayong dalawa.
Nakita kong sinimulan na niyang kainin 'yong ice cream na binili niya kaya nagdesisyon na rin ako na kainin 'yong binili niya para sa akin. And somehow ay gumaan ang pakiramdam ko.
Nang makita naman niyang ini-enjoy ko 'yong kinakain ko ay ngumiti siya at marahang umiling. At lumunok muna siya bago nagsalita.
"So...okay ka na?" saad niya sa maamong boses.
Agad naman akong tumango.
"Oo. Thank you nga pala rito."
"Walang anuman."
Pagkatapos no'n ay hindi na ulit siya umimik at nagpatuloy lang sa pagkain. Habang ako naman ay pasimple lang at tahimik siyang inoobserbahan sa ginagawa niya. Napapansin kong kada-minuto ay panay ang nakaw niya ng tingin sa akin, kaya sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata ay agad siyang lilihis ng tingin. Pero kita ko naman sa labi niyang nakangiti siya at marahan ding iiling. Kaya hindi ko rin maiwasang mahawa sa pagngiti niya.
"Pasensya na nga pala ulit kung tinanong ko sa 'yo kanina ang tungkol sa pamilya mo. Napaiyak pa tuloy kita," bigla niyang sambit sa gitna ng kanyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...