©mugiichan, 2015
Wedding Traditions
***
"I'm so excited for you, Saab!" Hindi mawari ang ngiti ni Fiona sa mukha niya. Kilig na kilig siyang malaman niyang ang kapatid niya ang magiging partner ko sa kasal, maging si Trixie rin.
Kulang na lang eh lumuwa ang mata ko sa gulat nang makita ko ang pangalan ko na katabi kay Thaddeus. I thought of coming to the venue alone pero umepal pa 'tong sina Trix. Agad kong tinawagan siya para magreklamo. Oo, magrereklamo ako, freedom ko atang pumili ng magiging partner ko or kung gusto ko bang wala. Malay mo, baka napagisipan na si Thad ng magiging partner niya, and might be, she's pressuring him of going out with me.
"Trix naman, anong kalokohan ang ginawa mo!" I whined at her through the phone. Humahagikhik lang siya ng tawa sa'kin bago niya naisagot ang tanong ko.
"Bagay kaya kayong dalawa maging partner sa kasal ko. Huwag ka na ngang umangal, wala ka naman ring partner eh di'ba? I'm just extending my hand to help you out." Patuloy parin ang paghagikhik niya. "You should thank me about that, Saab."
"Ewan ko sa'yo Trix!" Reklamo ko sa kanya. "Basta, ayoko!"
"Wala ka nang magagawa 'don!" She shot back. "Tumatanggi ka pa Saab eh. Kita ko kaya ang pagkatamis-tamis ng ngiti mo nang nilagay ni Thaddeus yung kumikinang na pin sa ulo mo noong araw na nagpasukat tayo. Regalo nya iyon sa'yo no? Maging siya nga, hindi mawari ang malalim na pagtingin niya sa'yo. Para kayong pinagtagpo ng tadhana, a perfect match kung baga. Baka secretly dating na kayong dalawa ah. Aminin mo nga sa'kin!"
"Ang epal mo! Hindi kaya!" Mariin kong saad sa kanya. "Trixie ha, tigil-tigilan mo ako sa kakalink mo sa'kin kay Thaddeus. We're just friends, nothing more nothing less. Tatak mo yan sa utak mo. Kaya kung ako sa'yo, sabihan mo na si Thad sa anong gusto ko. Baka pine-pressure mo lang siya sa ginagawa mo."
"Ayoko nga. Kasal ko ang i-aattend mo, kaya sumunod ka. Basta, partners kayo! Tsaka, wish ko sana nga ikaw ang makakuha ng bouquet ko at siya rin ang makakuha ng wedding garter ko."
"Magkatulad lang talaga kayo ni Fiona, nagdedelusyon." Paiba ko ng usapan. Pero, hindi ko iyon matatanggi sa sarili ko ang nakita ni Trix sa'kin. Totoo naman, hindi talaga mawari sa'kin ang ngiti sa araw na iyon. Kakaiba ang aura ni Thad, ibang iba sa nakasanayan ko. Limit ko lang siyang nakikitang ganyan, nagagawa na niya akong pangitiin sa hindi ko malaman-lamang dahilan. Basta hindi ko maintindihan! "Hindi na lang ako sisipot. Bahala ka."
"Kung magagawa mo!" Sagot niya. "Problema mo na 'yan! Bye, see you at my wedding with Thaddeus!" Tinawanan pa nya ako bago ako binabaan ng telepono.
"Trixie! Hoy!" Napatayo ako sa kinauupuan ko saka sumigaw sa telepono at napakamot na lang ako sa ulo. Binigyan pa ako ng sakit ng ulo ng babaeng ito! Pagbigyan ko na nga lang, araw na naman niya ang i-aattend ko. Sumalampak ulit ako sa upuan ko at pinikit na lang ang mga mata ko... And pretend that it never ever happened.
Haay, si Trixie talaga.
Sila na talagang dalawa ang magtandem! Grabe talaga ang excitement para sa'kin at parang ako ang ikakasal instead of Trix. Laging ganyan naman talaga si Fiona, lalo nang nagsimula na siyang mag-asawa and having Angelo in her life, made her much more a teaser to me. It's like she's pushing me to have my own partner as well and since, she doesn't want me to go back with Shaun, she pushes me to her elusive brother. Sa lahat pa naman, sa kapatid pa niya! Baliw talaga tong babaeng 'to. She really has this crazy mind like hell! "Hindi lang pala ako ang nakapansin sa strong chemistry nyo ni kuya, pati na rin pala si Trix. Kinikilig talaga ako sa inyo promise!" To be honest, I don't feel the chemistry that Fiona's talking about. Lately, we used to be together and I admit I like his company even though that I couldn't understand him sometimes. I always ask myself if it is just me or I am just being blind of seeing the real world and what really is the thing between him and I.
BINABASA MO ANG
Ad Infinitum
DragosteAmaranthine, Genuine, Love... Three bewitching, captivating words everyone wants to hold on but, can anyone will still hold on those words, in this world of preposterous reality? *** Copyright ©mugiichan 2014 All Rights Reserved