Chapter 1
"Aray! Sorry na nga! Ang dami kong inasikaso sa bar kaya hindi na kita naihatid pauwi!" reklamo ni Janel nang hilahin ko ang buhok niya.
Naiinis parin ako hanggang ngayon. Nandito ako ngayon sa condo niya at galing ako sa isang condo na hindi ko alam. Basta nalang ako umalis at inalala ko nalang ang nangyari.
"Si Dash at Rizzy hindi mo na nakita? Paano kung may nangyaring masama sa akin?" tanong ko sa kaniya at kinain ang chips na binili ko kanina.
"Hindi ko alam kung nasaan na sila noon. And wala namang nangyari sa'yo, oh." iminuwestra niya pa ako.
"Buhay ka pa nga, eh. Tsaka, don't worry because Zoren is a gentleman he will never take advantage to you. Wala ka nga sa mga babaeng naging ka flings no'n."
"Bakit ang dami mong alam tungkol sa kaniya?" nakakunot-noo na tanong ko.
"Well, Zoren is a friend of Zach. Si Zach naman ay palaging nasa bar. You know Zack and I are flings kaya lagi siyang nandoon." nagkibit balikat siya.
Flings? I thought they were just friends.
"Palagi silang magkasama at alam ko kung sino ang mga naging flings ni Zoren dahil sinasabi sa akin ni Zach." paliwanag niya.
"Ka fling mo pala si Zack?" I asked .
"Oh, hindi ko nga pala siya napakilala sa'yo. Yeah, he's my fling. And I saw you two dancing!" singhal niya sa akin. Umirap lamang ako at hinilot ang sintido ko.
I can't still move on from what happened last night. Nagising nalang ako kinaumagahan nang nasa isang condo na ako at hindi ko alam kung sino ang nakatira doon. Umalis nalang ako agad at dumeretso dito kay Janel dahil malapit lang ang condo niya sa condo na hindi ko alam kung kanino.
Umalis na rin ako sa condo ni Janel. May gagawin pa ako ngayon. Sumakay ako ng taxi at bumaba na nang makarating na ako sa apartment ko. Nandito na rin ang kotse ko pinahatid na daw ni Janel. Masakit parin ang ulo ko hanggang ngayon. Ang dami ko nga yatang nainom na alak kagabi.
Pagkapasok ko sa loob ay sumalampak agad ako sa couch. Pagod na pagod ang katawan ko. I massaged my nape and closed my eyes. Inalala ko ang nangyari kagabi and I was stunned when I remember Zoren. He was the last person I talked last night. Right! Siya nga! So, it means na siya ang may-ari ng condo?
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Anong pinanggagawa ko kagabi? Kung may ginawa man ako huwag sana niya akong i-bash! I was just drunk and I didn't know what I did last night. Iisipin ko nalang na walang nangayri.
Iisipin ko nalang na hindi ko siya kilala.
Inalis ko nalang sa isip ko ang nangyari kagabi at gumawa nalang ng bagong lesson plan sa power point. Gusto ko munang maging busy ngayon kahit sabado naman. I was a junior highschool teacher major in science. Mas gusto ko talaga ang maging doktor pero dahil sa hirap ng buhay noon ay pinili ko nalang ang maging teacher. That's my second choice so no problem.
I don't have parents anymore because they died when I was young. It was a car accident at dead on arrival nang dinala na sa ospital. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng car accident noon pero ang tanging nasabi sa akin ni Auntie Lucy ay pinaimbestigahan na raw iyon. I just don't know if the investigation was successful dahil bata pa ako noon.
It's been 18 years.
I was just 8 years old back then. Aling Lucy took care of me. She's my mother's bestfriend pero kalaunan ay namatay din noong nagkasakit siya at na confine sa ospital. Buti nalang at may nakakita sa akin noon at dinala ako sa isang bahay ampunan. Doon na ako lumaki hanggang sa maka graduate ako ng highschool. Umalis din ako at hindi na inasa pa sa kanila ang pagpapaaral sa akin sa kolehiyo.