Chapter 5

82 9 0
                                    

Chapter 5

"Zoren."

Tawag ko sa kaniya habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya.

"Can we... talk?" I asked. I heard some footsteps but I didn't stop to knock.

Bumukas ang pinto kaya napaatras ako. He's only wearing a black sando and a gray sweatpants. Magulo ang kaniyang buhok at may suot na glasses. Ngayon ko lang siya nakitang may suot na ganiyan. Walang emosyon ang kaniyang mga mata at nanatili iyong nakatitig sa akin.

I pursed my lips and avoided his gaze.

"Come in." sabi niya at naglakad pabalik sa kama niya.

Nag-aalangan pa akong pumasok pero dahil gusto ko siyang makausap ay pumasok ako. I roamed around because it was my first time entering his room. Black and gray ang theme color ng wall ng kwarto niya. The bed sheets is a plain white while the couch is black. My paintings din sa taas ng headboard ng kama niya at may full flatscreen T.V. His room was neat and clean.

"About what?" natigil ang paglilibot ko ng tingin nang nagsalita siya.

Nakatayo lang ako sa gilid ng kama niya habang siya naman ay nakasandal ang likod sa headboard ng kama niya at nakapatong ang laptop sa hita niya. Ang gwapo niya sana kaso ang sama ng ugali.

"Anniversary ng bahay ampunan bukas... Can I come?" nag-aalangang tanong ko. Tumingin siya sa akin at nagtagal ang tingin niya sa labi ko bago siya umiwas ng tingin.

"I can't let you leave."

"Ha? Babalik naman ako dito. Kung gusto mo, isama ko pa si Zerome-"

"Not Zerome." putol niya sa sasabihin ko. Nilapag niya ang laptop sa kama niya at umayos siya ng tayo. "What time?"

Napangiti ako dahil sa tanong niya.

"Ten in the morning."

"I'm coming with you."

Parang nabuhayan ako dahil sa sagot niya. Tama ba ang narinig ko? Sasama siya sa akin? Makaka-attend ako ng anniversary ng bahay ampunan!

"Really? Then you must be ready! Pupunta tayo sa mall dahil bibili ako ng mga gamit para sa mga bata. Tapos sa pharmacy para makabili din ako ng mga vitamins at mga medicines na kailangan nila." tuwang-tuwang saad ko. Zerone remain silent while staring at me like he was listening carefully. "Marami kasing nagkakasakit doon at bihira lang magkaroon ng medical mission sa bahay ampunan kaya bibigyan ko sila ng vitamins."

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko. Dahil ba makakalabas ako ng bahay niya at makaka-attend sa anniversary ng bahay ampunan o dahil sa makakasama ko siya...

"Okay, where going to the mall tomorrow."

At iyon nga ang ginawa namin kinabukasan. Maaga kaming pumunta ni Zoren sa mall para mamili ng mga gamit na kakailanganin ng mga bata. Nagdala din si Zoren ng mga body guards para magbuhat ng mga binili namin. Tuwang-tuwa ako habang pumipili ng mga damit. Zoren next to me just nodded everytime I showed him the clothes that I want to buy for the kids. Siya naman daw ang magbabayad.

"Wow, cutie!' singhal ko nang makakita ng isang Teddy Bear. It was a pink teddy bear.

"You want that?" tanong ni Zoren. Tinignan ko siya at nakatingin na pala siya sa akin.

"For my kids. I remember Ninay. Paborito niya ang teddy bear na pink." nakangiting sabi ko. Kinuha iyon ni Zoren at inabot sa akin.

"Let's buy this, then."

Matapos naming mamili ng mga gamit ng mga bata ay dumeretso naman kami sa Pharmacy para bumili ng nga gamot. Mga vitamins at medicines na kailangan nila kapag nagkakasakit sila. Bumili nalang din kami ng mga laruan. Puro damit kasi ang nabili namin at mga personal things ng mga bata. Bumili nalang din kami ng mga gamit para kila Sister Rosy.

His Dangerous Love (His Series 1)Where stories live. Discover now