Chapter 9

80 7 0
                                    

Chapter 9

"Let's go?"

Tuwang-tuwa ako nang sabihin sa akin ni Zerome na lalabas kami. Wala si Zoren ngayon pero alam niya na lalabas kami ni Zerome ngayon. It was Sunday and I'm planning to attend the mass today. Halos isang buwan na rin kasi simula noong huli akong nagsimba.

I was just wearing my favorite cocktail dress, cream stilettos and my white sling bag. I let my hair down. I don't have a make up. Natural make up was enough for me. Nag lagay lang ako ng lipstick at kaunting blush so that I won't look pale.

Zerome on the other hand was waiting for me. He's leaning on the front of his limousine. His lips a bit curve letting a smirk. He's wearing a dark blue shirt and faded maong jeans. The muscle of his arms are well defined. His long hair is on a low bun. He looks more attractive and intimidating on his aura today.

"Nice dress." puri niya at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat.

Umikot siya at pumasok na sa drivers seat. He started the engine at pinaandar na paalis ang kotse. Nanibago na naman ako. Ang huling labas ko sa mansion ay noong bumisita kami sa bahay ampunan at iyon na ang huli. Balak kong bumisita ngayon doon ang kaso lang ay hindi ko alam kung makakabisita ba ako lalo na at hanggang alas onse lang ang binigay na oras sa akin ni Zoren.

It's already seven in the morning when we arrive at the church. Kakasimula lang ng misa. Pagpasok palang namin sa pintuan ay nasa amin na lahat ang atensyon ng mga tao o nasa kasama ko lang. Umupo kami sa may bakanteng upuan. Halos lahat ng madadaanan namin ay napapasinghap. Well, that's because of the man beside me.

"Nagsisimba ka ba?" bulong ko dahil nagsisimula na ang sermon ni Father.

Nilngon ko siya at tutok na tutok siya kay father. His arms were crossed against his chest and his forehead are creased. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kaniya kaya bumaba ang tingin niya sa akin. Bahagya pang tumaas ang kilay niya.

"May sinasabi ka?" tanong niya. Napairap nalang ako dahil mukhang nakikinig talaga siya kay Father.

Nakakahiya sa akin.

"Kung nagsisimba ka ba?" tanong ko ulit ang atensyon ay nasa harapan na.

"Dati. Pero simula nang maging busy ako sa trabaho ay hindi na."

"Ano bang trabaho mo?"

Maybe, a CEO, Engineer, Lawyer?

"Doctor."

Oh, so he's a doctor pala.

"Hindi halata." nakangiwi kong sabi. He just chuckled and that's it.

Nakinig nalang kami kay Father hanggang sa matapos na ang misa. Lumabas na kami at nagtungo sa tiange. Matagal na rin simula noong huli kong punta roon. May mga ukay doon. Naalala ko na doon ako laging bumibili lalo na at magaganda ang mga ukay doon.

May nakita akong cotton candy sa may mga food chain na nakahilera sa may harap ng hall. Si Zerome ay nakasunod lamang sa akin at walang pakealam sa mga taong nakatingin sa kaniya. Mukhang namamangha dahil sa aura niya. Nakaka-intimidating naman kasi siya. Siguro kung hindi ko lang ito kilala ay mapagkakamalan ko nang isa siyang artista o model.

"Bili tayo doon." tinuro ko ang food chain ng cotton candy.

Nakakunot noo siyang tumingin doon at tinagnan ako.

"What's that?" tanong niya. Hinila ko siya sa braso at nagpatianod naman siya patungo doon.

Ang mga bumibili at mga tindera ay natuon agad sa amin ang kanilang mga atensyon. May mga pasimple pang kumukuha ng picture ni Zerome. Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang mga nakahilerang street foods doon.

His Dangerous Love (His Series 1)Where stories live. Discover now