Chapter 12
Alas otso na nang makarating kami sa bar kung saan ang party ni Doc. Rafa. Mukhang nirent niya ang bar na ito para sa birthday party niya. I didn't meet him yet so I was excited to meet him and greet him. There's a lot of business tycoon. Masasabi mo talagang mayayaman lalo na sa pag galaw nila at sa pananamit.
When we entered, the attention of the visitors are all in us or let's say... Zoren. Mga nanunuri ang kanilang mga mata. Zoren's hand snake around my waist when we walk. May mga naririnig akong bulungan sa bawat madadaanan namin.
My heart pounded so fast and hard because of the people's attention. Napapatigil kami sa paglalakad dahil maraming bumabati at kumakausap sa kaniya. Ako naman ay parang hangin lang sa nga mata nila. Funny how different our life is. Ni hindi ko magawang makipag socialite sa mga business man and woman.
"Mr. Santiago, glad you came!"
The man with his white long sleeve polo folded up to his arms partnered with black slacks walk towards our direction. His expression was soft and looks gentle. Naka clean cut ang kaniyang buhok. He's jaw were prominent and nose were sharp. Zoren is just inches taller than him.
"Rafa, happy birthday." bati nito sa lalaki.
Nakipagkamayan ito at tinapik ang balikat niya. Doctor Rafa's eyes went to me. Tumaas ang kilay niya at binalik ang tingin kay Zoren at sa akin ulit. May takas na nakakalokong ngisi sa labi nito.
"Hmm, seems like you're busy with your business, huh?" makahulugang sabi nito.
"Yeah, I'm busy with my business." sagot ni Zoren. Tumingala ako sa kaniya at nasa akin na ang paningin niya.
"Happy birthday, Doc." bati ko para lang makaiwas sa kakaibang titig sa akin ni Zoren.
"This is Nathalia. Nathalia, he's Doc. Rafa." pagpapakilala ni Zoren.
"Nathalia. Nice name. I heard you're Zoren's girlfriend?"
What the hell?
Pinandilatan ko ng tingin si Zoren at itong kasama ko ay parang wala lang iyon sa kaniya. Hinarap ko si Doc. Rafa na ngayon ay palipat-lipat na ng tingin sa amin.
"H-Hindi po. We're just... friends."
Humigpit ang kapit sa akin ni Zoren matapos kong sabihin iyon. Totoo naman, ah?! We're not in a relationship. Hindi ko nga alam kung friends ba kami o ano.
"Oh! I'm sorry, I think it's just a rumored."
Rumor?! Kailan pa kumalat ang kasinungalingan na iyan? We couldn't even go out together! Ang huli ay iyong pumunta kami sa orphanage. Baka hindi ako ang tinutukoy niya.
Baka Iyong babaeng kahalikan niya sa mansyon niya.
"Just shut up, Rafael."
Iginiya kami ni Doctor Rafa sa kung saan ang pwesto nila at halos lahat ng mga naroon ay mga sikat na doctor. May nga nurse din at mga business man na kumausap sa akin. They're easily to hang out especially the girls. Some guys tried to talk to me but they couldn't. Paano ba naman kasi ay halos ayaw alisin ni Zoren ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko kahit pa noong umupo kami!
"Zoren has a good taste in woman, huh?" nakangising sabi noong isang lalaking nagpakilala sa akin kanina.
Nagtawanan ang mga naroon kaya nakitawa na rin ako kahit gusto ko nalang na kainin ng lupa. Hindi na ako magtataka kung sobrang pula na ng pisngi ko. Tumingala ako kay Zoren na ngayon ay titig na titig sa akin. He's eyes is all on me like I was the only person around him. Ni wala siyang pakealam sa mga babaeng kumakausap sa kaniya.
