Chapter 11

88 9 0
                                    

Chapter 11

"Good morning, Miss Thalia!"

Ngiti ni Anji ang bumungad sa akin nang makarating ako sa dining area.

I just give her a small smile. Iniwan ko si Zoren sa kwarto niya dahil abala siya sa laptop niya at ayaw ko rin siyang makausap o makita ang pagmumukha niya dahil naiirita ako. Kanina ay gusto kong pumunta sa bathroom ngunit ayaw niya dahil ang gusto niya ay siya ang magbubuhat sa akin patungo doon.

Ano siya sinuwerte?

Kaya ko naman maglakad. Hindi ko lang talaga mapigilang mapangiwi dahil masakit talaga. Kung bakit ba kasi hinayaan ko siya kagabi! Siguro ay ipagpapahinga ko nalang ito doon sa kwarto ko.

"Anong po ang nangyari sa inyo, Miss?" tanong ni Mayen nang mapansing iika-ika ako sa paglalakad.

Nagkatinginan kami ni Manang na ngayon ay may takas na ngisi sa kaniyang labi. I bet, she knew something. Mapakla akong tumawa at umupo nalang sa upuan ko, kung saan ako madalas umu-upo.

"Ah, m-masakit kasi 'yong likod ko." sagot ko. Kita ko ang pag-alala sa mukha ni Mayen at Anji.

"Bakit po? Nadulas po ba kayo?"

"Baka nahulog ka, Ihja." nakangising sabi ni Manang. Pinandilatan ko siya ng tingin.

"Bakit naman siya mahuhulog? Umakyat ka ba, Miss Nathalia?"

Hindi ko alam ang isasagot ko.

You're a teacher for freaking sake, Nathalia, alam mo dapat ang sagot!

"Yes."

Mariin akong napapikit nang marinig ko ang pinaka ayaw kong marinig na boses sa araw na ito. Ni hindi ko magawang lumingon sa kaniya. Alam ko ang reaksyon ng mukha niya at hindi ko gustong makita iyon. Baka mainis lang ako!

"Ay, Sir, saan ba siya umakyat?"

"Sa matigas at malapad na haligi."

"Ha?"

"For short, may pinatungan."

Fuck you, Zoren Alejandro Santiago!

Kung nakakamatay lang tingin ko, siguro ay pinaglalamayan na siya ngayon. Ngumisi siya at umupo sa pwesto niya. Pinagsilbihan naman kami ng mga kasambahay at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Ni hindi ako makatingin sa kaniya dahil ramdam ko ang nanunusok niyang tingin.

"Sir, nand'yan po si Sir Zerome." napatingin ako sa isa nilang kasambahay na hindi ko masyadong nakikita o baka bago lang siya.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Zoren. Tinignan ko siya at nasa akin parin pala ang paningin niya. He's look was too much that I just look down on his chest because I can't handle his stare.

"Good morning!" napabaling ako sa living area nang marinig ko mula doon ang boses ni Zerome.

He walked towards us with his wide smile. Nakasuot siya ng black polo na nakatupi ang sleeves nito hanggang siko at jeans. May dala siyang isang paper bag at nilapag iyon sa mesa nang makalapit sa amin. I glance at the man in front of me. Ni hindi man lang ngumiti o ano. Walang emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kapatid niya.

"Good morning, Zerome." bati ko sa kapatid.

"Why are you here?" Zoren asked. Mukhang hindi natutuwa na narito si Zerome.

"Ouchy, hindi na ba ako pwedeng pumunta dito?"

Hindi nagsalita si Zoren at imbis ay pinagpatuloy nalang ang pagkain. Ngumiti ako kay Zerome ay umupo siya sa tabi ko. I saw how Zoren's eyes bore in me like he's trying to warn me. I just smirked and continue to eat.

His Dangerous Love (His Series 1)Where stories live. Discover now