Chapter 23
The years passed quickly. After we went here in Isabela, Zerome didn't let me work even just to help his maids to do the housework. Sinabihan rin niya ang mga maid niya kung ano ang mga kini-crave ko. He's very sensitive pagdating sa akin. He didn't failed to check on me and my baby.
Mukha ngang mas focus pa siya sa pagbubuntis ko kaysa sa trabaho niya.
"Mommy, we're home!"
Napangiti ako nang marinig ang boses ng anak ko. Nasa kitchen ako ngayon at nagluluto ng hapunan namin. Nasa bakasyon ang mga maids ni Zerome kaya ako muna ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay.
Nilagay ko sa mesa ang malaking mangkok na may lamang ulam. Naghugas ako ng kamay at nagtungo sa living erea para salubungin ang pagdating ng anak ko at ni Zerome.
"Hi, sweetie!" I greeted my seven years old son, Zaijeihn Axiel.
Patakbo siyang lumapit sa akin. Lumuhod ako para salubungin ang yakap niya. Zai was very clingy when it comes to me. Noong three years old siya ay lagi niya akong hinanap kapag nawawala lang ako ng ilang sandali sa paningin niya. He's very close with Zerome lalo na at siya na ang kinikilalang ama ng anak ko.
Hindi na iyon iba sa akin dahil si Zerome ang kasama namin hanggang sa lumaki siya. Zerome is also the one who enrolled my child on a private school near his company. Gusto niya kasi na kahit nasa trabaho siya ay nababantayan niya ang anak ko and that's okay for me lalo na at iniisip ko rin ang safeness ng anak ko.
Tumayo ako at lumapit kami ng anak ko kay Zerome na nakangiting nakatitig sa amin. As usual, he's wearing his work attire. After his work, dumederetso na siya sa eskwelahan ni Zai para sunduin ito. Minsan ay pinapasyal niya ang anak ko kaya gabi na sila nakakauwi. Ayus lang iyon sa akin basta nag-eenjoy ang anak ko.
"Come here, Axiel." utos niya sa anak ko.
Axiel ang tawag niya dahil iyon ang gusto niya. Nagtalo pa kami doon ngunit kalaunan ay nasanay nalang din ako. Well, Axiel was my son's second name so there's nothing wrong with that.
"Mommy, Daddy and I went to the mall! I had a lot of toys that Daddy bought for me!" tuwang-tuwa ang bata ng sabihin niya iyon. Matalim kong tinignan si Zerome ngunit nagkibit-balikat lamang ito.
Tinignan ko ang mga paper bags na nasa sahig. Siguro ay mga nasa limang paper bags iyon at malalaki pa!
"You're spoiling him, Zerome." mahinahong sabi ko. He chuckled.
"It's okay, Nathalia. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko. Besides, Axiel is still young. He needs to enjoy his childhood."
Napasapo na lamang ako sa aking noo.
"Napag-usapan na natin ito—"
"I know. But I want him to enjoy. Gusto kong iparamdam kay Axiel ang hindi ko naramdaman noong bata ako, Nathalia."
Napailing na lamang ako.
"Go to your room and clean yourself, Anak. Kakain na tayo."
Ngumiti si Zai at patakbong umakyat sa hagdan patungo sa kaniyang kwarto. Nilingon ko si Zerome na nakangisi na. I rolled my eyes to him. Ayaw niya talagang makinig sa akin. Kung ano ang gusto ng anak ko ay ibibigay niya. Lahat yata ng pera niya ay nilalaan niya sa anak ko.
Noong birthday ni Zai, halos lahat ng kakilala niya at ng anak ko ay inimbita niya. Hindi lang basta party ang ginawa niya dahil nag book pa siya ng flight papuntang Paris! He also paid the flight for Zai's friends! Halos mag-away kami sa ginagawa niya. Ang party na hinanda niya at ayus na sa akin pero halos magalit ako nang malaman ko na may flight kami kinabukasan!
