Chapter 27

29 3 0
                                    

Chapter 27

"Zaijeihn Axiel."

"Pogi ng pangalan ng anak mo, Miss Thalia!"

I chuckled and put the flower pot in place. I squatted and stared at the red rose that I just plant a months ago. Binigay pa ito sa akin ng estudyante ko dahil nalaman niyang mahilig ako sa bulaklak. Well, back then I'm not really into planting flowers but I started to like it since it's my way of comforting myself kapag nakakakita ako ng mga bulaklak na makukulay.

"Thalia nalang."

Si Alyson naman ang nagdidilig ng ibang bulaklak. Mas maaga akong nagising sa kaniya ngayon. Ako na rin ang naghanda ng agahan namin para hindi na masyadong marami ang gawain niya. Gusto ko rin na may ginagawa ako para malibang ko rin ang sarili ko.

It's been weeks since Alyson started to work here. Magaan ang loob ko sa kaniya lalo na at nakikita ko ang pagiging mabait niya. She's very sensitive everytime na mapapansin niyang tahimik ako. Gumagawa siya ng paraan para mapagaan ang loob and she's really doing well. I really like her.

"Kasal na ba kayo ni Sir Zerome?" she asked out of nowhere.

Natigil ako sa pagpitas ng mga patay na halaman sa sanga ng bulaklak. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nag aantay lamang siya ng sagot ko. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naitanong iyon or is she just curious because I didn't wear any wedding ring? Hindi naman siguro masama kung sagutin kong hindi kami kasal.

"Wala pa iyan sa isip ko."

"Ah, opo. Naibanggit rin niya sa'kin na ayaw mo pang magpakasal."

Kumunot ang noo ko.

Really? Kailan sila nagkausap tungkol doon?

I'm sure she didn't know about Zerome and I. She's just a maid and also, she's a friend of mine. Hindi ko rin nai-kwento sa kaniya ang tungkol sa kung anong meron sa amin ni Zerome at wala rin akong mai-kukwento.

Natapos ang pagdidilig at pag tanggal ko ng mga patay ng halaman ay hindi na nagtanong pa si Alyson. Siguro ay nakaramdam rin siya na hindi ako komportable sa tanong na iyon. I'm not sensitive with that question but I just don't want to answer lalo na at wala naman ako g maisasagot.

Dumeretso na ako sa kwarto ko para mag shower. May lakad ako ngayon dahil magkakaroon ng meeting sa school ng anak ko at kailangan ay naroon kami. After taking a shower, I went inside on my closet to get dressed. Hinubad ko ang aking robe at sinuot ang isang dark brown sleeveless blouse and a white trouser.

Pagkalabas ng closet ay nagtungo naman ako sa aking vanity mirror to put a natural make up on my face. I also blow-dried my hair at hinayaan lamang iyon na nakalugay.  I also applied a lipstick on my lips in the shade of port, I sprayed a perfume, took my bag and I'm done.

"Aalis kana?" napatingin ako sa sala nang magsalita si Zerome. Kabababa ko lang ng hagdan.

He's in his usual attire. Siguro ay kakarating lang mula sa kaniyang trabaho. Marami kasing pasyente sa ospital ngayon dahil uso ang mga sinat, flu o kaya naman ay allergies sa mga pagkain. Noong nakaraang araw ay halos wala siyang tulog dahil kakauwi pa nga lang niya ay tinawagan na naman siya ng kaniyang empleyado para sa isang major surgery.

Lumapit ako sa kaniya. He shifted on his sit and put the tea on a center table. Huminga siya ng malalim at hinilot ang kaniyang sintido. Halatang halata ang pagod sa kaniyang mukha. Nangingitim na rin ang kaniyang eyebags but then he looked up just so our eyes met and gave me a small smile. I held his cheek. Hinawakan niya ang kamay ko roon at dinama ang mainit kong palad sa kaniyang pisngi.

"I'll go with you " he said softly.

Umiling ako.

"No. Just go to your room and take a rest. Pagod ka sa trabaho."

His Dangerous Love (His Series 1)Where stories live. Discover now