Chapter 28

26 3 0
                                    

Chapter 28

Naghikab ako nang matapos kong isara ang laptop ko. Inayos ko rin ang aking suot na specs. Kakatapos ko lang mag check at mag record ng projects na pinagawa ko sa mga estudyante ko. Karamihan kasi sa mga teachers ngayon ay puro pa activity na dahil malapit nang magtapos ang eskwela.

"Hindi naman masama ang hindi mag-asawa!"

Napatingin ako sa mga gurong kakapasok lang sa faculty room. Kakatapos lang din siguro ng klase nila. Mrs. Dominguez glance at me. She gave me a playful smile kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Umupo siya sa kaniyang table at nilapitan siya ni Mrs. Baldivia para makipag-kwentuhan.

"Itanong niyo kay Mrs. Reyes. Wala naman siyang asawa kahit may anak na." sabi niya at lumingon sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. There's an evil smile on Mrs. Dominguez face and I am so confused!

"Bakit ako?" I asked. "Ah... hindi naman talaga masama ang hindi mag-asawa."

"So, you're saying na hindi mo talaga asawa si Mr. Santiago?"

Sinong Santiago? Oh, Zerome.

"Sus, kung ako sayo, Nathalia, aasawahin ko na si Sir Zerome! Saan ka pa? Gwapo na at mayaman! Sigurado akong mahal ka rin non! Kung makatitig ba naman eh parang ikaw lang ang babaeng nakikita niya!"

Umiling ako at pinagtawanan na lamang sila. Ganoon lagi sa faculty room. Aasarin nila ako kay Zerome lalo na kapag nalaman nilang sinusundo na naman ako. Wala rin naman iyon sa akin dahil bukod sa walang kami, I don't love Zerome romantically. Paulit-ulit ko rin namang sinasabi iyon sa kanila.

"Wala akong balak mag-asawa."

Iyon lagi ang sinasabi ko sa kanila. And that's the truth. I don't have time for that. I just want to focus on my son. Kaya kong palakihin ang anak ko na ako lang at walang kaagapay sa buhay. I was contented with what I have right now and that was Zaijeihn. I will work hard for the sake of my son to give him a better future. That's what all I need. Kahit hindi ko man siya mabigyan ng pamilyang matatawag na conventional, at least I can give the love that my son deserves. Besides, si Zerome ang kinikilalang ama ng anak ko. Tsaka ko nalang iisipin ang bagay na iyon kapag nasa tamang oras na... kapag handa na ako.

Natapos ang trabaho ko at sinundo na ako ni Zerome kasama ang anak ko. Zai is talking to me while we're on our way home. He's telling me about his school day. He said he got a three stars. Pinakita niya iyon sa akin na nakatatak sa kaniyang kamay at natuwa naman ako. That's an achievement from his school activities and I'm so glad he learned a lot.

"Good job, son." Zerome said while looking at my son on the rare view mirror.

"Thank you, Daddy!"

Zerome winked at my son and he just giggled.

"What do you want for dinner?" tanong niya nang makarating kami sa bahay.

Alyson went near us para kunin si Zaijeihn at asikasuhin ito. Tuwang-tuwa siya nang ipakita ng anak ko ang tatlong stars nito sa kaniyang kamay. Ngumiti ako at hinarap si Zerome na ngayon ay tinititigan ang reaksyon ko. He's looking at me with those dark and intense eyes.

"Kahit ano. Akyat muna ako magbibihis lang." sagot ko at hindi na hinintay pa ang sasabihinniya.

Umakyat ako ng hagdan habang hinihilot ko ang aking sintido. Masakit ang ulo ko kanina pa habang abala ako sa pag-aasikaso ng mga naipasang activities ng mga estudyante ko. Gumawa rin ako ng bagong lesson plan at Summative test para sa darating na exam ngayong buwan. Ni hindi na ako kumain ng tanghalian kanina dahil sa sobrang abala. Buti nalang at dinalhan ako ng coordinator namin na si Sir Olimar.

His Dangerous Love (His Series 1)Where stories live. Discover now