Chapter 26
"Good morning, Mommy!"
Ang matinis at maliit na boses ng anak ko ang nagpagising sa akin kinabukasan. Napangiti ako nang bumungad ang nakangiti niyang mukha pagdilat ko. He hugged me and buried his face on my chest.
"Ang aga mo naman, anak."
"Daddy and I went to his company po. May kinuha lang po siya." sagot niya.
Bumangon ako at tinignan ang oras sa wall clock. 9:23 na pala. Medyo masakit ang ulo ko dahil siguro ito sa kaiiyak ko kagabi. Tumayo ako at dumeretso sa bathroom para maghilamos. I look my reflection on the mirror. Nangingitim ang eyebags ko at medyo maputla rin ako. It's normal to me anyway.
"Where's your Daddy?" tanong ko sa anak ko pagkalabas ko ng bathroom. Nakaupo na siya sa gilid ng kama ko at sinusundan ang bawat galaw ko.
Reminded me of his... father.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Sa office, Mommy. His brother is here!" masayang sabi niya na ikinatigil ko.
My heart pounded so fast. Nanuyot rin ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung lalabas ba ako o mananatili nalang muna dito sa kwarto gayong gutom na ako! What the hell is he doing here? Well, he has the right to be here pero bakit ngayon pa? Sinasadya niya ba 'to?!
"Binilhan niya ako ng mga toys, Mommy! He's so kind."
"Toys?" nanginginig ang boses na tanong ko.
Toys...
Fuck! Parang dinudurog ang puso ko ng maalala ko ang sinabi niya noon. Mukha talaga siyang nananadya! Binilhan niya pa talaga ng laruan ang anak ko!
I took a deep breath.
Relax, Thalia. Just pretend that his presence is nothing. That you're not affected. That you already moved on.
Pero tangina... bakit siya nandito?! I don't want to assume that he's here because he want to see me. Of course he's here because he want to see his brother at baka tungkol lang naman sa business ang ipinunta niya dito.
Remember that he has his own family. May anak na siya at may asawa na siya. And I have my own, too. I have Zai and Zerome. They're both my family.
"Do you want to see my toys?" tanong ng anak ko.
"Stay here muna, Anak. Nasa sala ba sila?"
"Nasa office po, Mommy."
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang at nasa third floor sila. I can eat my breakfast in the dinning peacefully. Ayoko siyang makita kaya sana patapusin muna nila akong kumain bago sila bumaba.
Inayos ko ang sarili ko. I made sure na walang kahit ano sa mukha ko. I also put a natural make up on my face and liptint on my lips. Nang makarating sa dinning erea ay nakahanda na ang breakfast para sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na baka bigla silang bumaba at makita niya ako.
But what's the point of hiding? Nagkita na rin naman kami kahapon. Aware naman siguro siya na magkasama kami ni Zerome and he already heard that my son called Zerome a 'Daddy'. Deserve niyang hindi makilala ang anak ko. At wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang tungkol sa anak naming dalawa. Besides, he has a daughter, too. He has a wife that I wish to be that wife before. He's already married to the woman he proposed in front of me during his party.
Both of them... hurt me a lot.
I ate my breakfast peacefully kahit pa pilit na pumapasok sa utak ko na nandito siya. I just convinced myself that it's just nothing. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan ko dahil wala pa naman ang mga kasambahay namin dito. Bukas ay darating na ang mga iyon.
