Chapter 24
"Ma'am, kailan po ipapasa ang project namin?" tanong estudyante ko bago matapos ang oras ng klase.
Inayos ko ang aking laptop at nilingon ang estudyante ko.
"Next week pa. Make it creative, okay?" nakangiting sabi ko sa kanila. Nagsitango naman ang mga estudyante ko.
I dismissed my class after that.
It's been years since I came back to teach as a teacher. Nag apply akong muli. Zerome wants me to become his assistant to his company but I refused. Wala naman kasi akong alam tungkol sa kompanya niya kaya nagpursige akong bumalik sa pagtuturo.
Pagpasok ko sa faculty room ay naroon na ang anak ko. He's playing something on my phone. Nakasuot pa siya ng kaniyang uniform. Nag text rin sa akin kanina si Zerome na nasa faculty si Zai at siya ang naghatid dito. Lumapit ako sa kaniya at lumiwanag ang mukha ng anak ko nang mag angat siya ng tingin sa akin. Patalon siyang bumaba sa monoblock at niyakap ako sa aking bewang.
"How's my baby?" tanong ko.
"I'm good, Mommy."
Nilapag ko ang gamit ko sa mesa at umupo sa swivel chair ko. May mga teachers na tinatawag ang anak ko at kinakamusta nila ito. Well, kilala ang anak ko dito sa faculty. Gustong-gusto nga nila na dalhin ko dito si Zai para naman daw ay may libangan sila. Zai is very friendly with someone. Hindi siya mapili sa kaibigan. Nakuha niya yata sa akin iyon.
"Mommy, may program po bukas sa school. It's a family day po." sabi ng anak ko na nagpatigil sa akin.
Family...
I had been heard that family day from him. Ako at si Zerome ang uma-attend sa gathering na iyon dahil si Zerome naman ang kilalang ama ng anak ko. But now that he told me that, parang may tumusok sa puso ko. Naalala ko na naman iyong nangyari noong nakaraang gabi. Iyong pamilyar na boses na narinig ko.
Is that him?
O baka nananaginip lang ulit ako?
I always dreamed about Zoren back then. Kaya halos hindi ko siya magawang kalimutan dahil kahit sa panaginip ko ay ginugulo niya ako. And that night, I don't know if that was real but his touch and his kissed on my forehead look so real. Iyong mainit niyang kamay sa aking pisngi ay ramdam ko. And when I heard that he found us made me shivered.
"Sinabi ko na po kay Daddy and he agreed!"
Napatingin ako sa anak ko. Nakiki-usap ang kaniyang mga mata. I caressed his face and I nod.
"We'll attend, anak."
Matapos ang trabaho ay nagpasundo na ako sa driver ko. Hindi ako hinayaan ni Zerome na mag drive mag-isa kaya kinuhanan niya ako ng sariling driver. Ayus lang naman iyon dahil minsan nakakatulog ako sa biyahe. At least I can rest while we're on our way home.
Nang makarating sa bahay ay napakunot ang noo ko nang maamoy ang pamilyar na amoy ng nilulutong pagkain. It was very familiar. Kinabahan agad ako. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko habang naglalakad kami patungong kusina. The smell... it's like my favourite that he cooked for me before. Hindi lang ako sigurado kung sino ang taong nagluluto. I wonder if Zerome is already home. Pero maaga pa ito kumpara sa oras ng uwi niya galing sa trabaho.
Napalunok ako nang makita ang lalaking nakatalikod habang may kung anong kinakalikot sa sink. He's topless, with only wearing a black sweatpants. His broad shoulder and massive arms are very firm when he moves. His large hand was holding a knife slicing a potato. He's also wearing an apron. That view reminds of him.
Stop thinking about him, Thalia! It's been years!
"Daddy!"
Patakbong lumapit ang anak ko sa lalaking nakatalikod sa amin. Kinabahan ako lalo nang lumingon siya sa dereksyon ko. He smiled at me and his eyes went down to my son who's running towards him. Nakahinga ako nang maluwag. Sinalubong ni Zerome ang anak ko at ginulo-gulo ang buhok nito. Pinatakan niya ng halik sa noo ang anak ko.
