Chapter 21
Mahigpit ang hawak ko sa paper bag habang naglalakad papalayo sa harap nila. Ang mga tao ay nakatingin na sa akin. Akmang lalapitan ako ni Anji at Manang nang umiling ako at mabilis na naglakad papasok sa mansyon.
Wala siyang pakealam. Wala man lang sa kaniya na nakita ko ang ginawa niyang pag propose sa ibang babae. How could he do that to me?!
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko na sunod-sunod nang tumutulo nang makapasok ako sa kwarto. Tinapon ko ang paper bag sa sahig at nag tungo sa walk-in closet. Wala akong pakealam kung saktan niya ako ng pisikal para lang makaalis dito. I just want to leave alone! I want to stay away from him! I was so fucking hurt! Ang sakit ng ginawa niya!
Sa harap ko pa na inaasahan kong sa akin niya iyon ibibigay!
Tangina niya!
Kinuha ko ang malaking maleta sa ilalim ng cabinet at isa-isang nilagay doon ang mga damit ko. The pain is enough for me to leave. Kaya ko namang mag isa. Nakaya ko nga noon na wala siya, ngayon pa kaya?
Humihikbi ako habang inaayos ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay mailayo ang sarili ko sa kaniya lalo na ang anak naming dalawa... No! Anak ko lang. Ilalayo ko sa kaniya ang anak ko at hinding-hindi na magpapakita pa!
This is enough for me to prove that he will never be a good father for my child. He already said that he don't want a child from me kaya itatago ko sa kaniya hanggat maari.
Sobrang sakit. Akala ko ay masakit na iyong malamang ayaw niyang magka-anak sa akin pero mas masakit pala ang makita siyang lumuhod at mag alok ng kasal sa iba. He said he love me! He will do everything for me! Pagpapanggap lang ba lahat ng iyon para saktan ako ng ganito?
What did I do to him to deserve this kind of pain?!
Natigilan ako nang paglabas ko ng closet ay naroon si Zoren. Walang emosyon ang mga mata at naka-igting ang panga. Parang dinudurog ang puso ko. Naalala ko ang sinabi niya kagabi lalo na ang nangyari kanina. He's not the Zoren that I loved. The Zoren that's in front of me is ruthless, heartless and dangerous.
Bumababa ang tingin niya sa hawak kong maleta. His eyes darkened and I saw how he gritted his teeth. Umiwas ako ng tingin at dumeretso sa kama.
"You're leaving?" he asked. I laugh sarcastically.
"What are you expecting, huh? That I still stay here after what you've done?" mariin kong tanong. Sinikap kong huwag mautal at gumaralgal ang boses ko.
Hindi siya nakasagot. Nilagpasan ko siya at nagtungo sa drawer para kunin ang cellphone ko ngunit agad niya akong hinawakan sa braso. Pasiring kong binawi iyon at matalim siyang tinignan.
"Fuck you!" I shouted. Nagsisimula na namang magbadya ang mga luha ko. My heart feels so heavy that I couldn't breath. I want to fucking hurt him! "You fucking asshole! Why did you do this to me?! Ginamit mo lang ba ako?! Did you plan for this? Did you intentionally did this to hurt me?!"
Sinabayan niya ang matalim kong tingin sa kaniya. He clenched his jaw once.
"You're just one of my toy, Nathalia."
Parang punyal ang mga salita niya na lalong nagpahina sa akin. Humikbi ako at paulit-ulit na pinunasan ang mga luha ko. Nanghihina akong tumingin sa kaniya.
"But you said... you love... m-me!"
He smirked.
"At naniwala ka naman? Look, Nathalia. You're nothing to me but a toy. I just kidnapped you because I want someone to play with habang wala pa ang babaeng papakasalan ko." walang emosyong sabi niya.