Chapter 4
"Do you want to die, Miss Nathalia?" nakangising tanong ng kung sino sa likuran ko.
Unti-unti akong humarap sa kaniya at ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang hindi si Zoren ang nasa harapan ko. He's wearing a black leader jacket and a black jeans. Magulo ang kaniyang hanggang leeg na buhok at kumikinang ang maliit na hikaw sa kaliwang tainga niya. He's like Zoren but they have different personalities.
"Now I know why Zoren brought a beautiful lady in this mansion." makahulugang sabi niya sabay ngisi na naman.
Parehong pareho ang hugis ng mukha nila ni Zoren ngunit mukhang mas bata ito kesa sa kaniya. Makapal din ang kilay at proud na proud ang matangos at manipis niyang ilong. Mapula ang labi at nakakaakit tignan.
"Who are you?" tanong ko sa lalaki. Nagpamulsa siya at hinawakan ang pisngi ko kaya agad akong lumayo.
"I'm Zerome."
"Magkapatid kayo ni Zoren?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat siya bago sumagot.
"Maybe? But we're not the same blood." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Agad na sumeryoso ang mukha niya at tumingin ng deretso sa akin. "Why are you here in this hall way? No one is allowed to come here except me and Zoren."
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"I... I thought it was Zoren's room." sagot ko. Pinaningkitan niya ako ng mata na para bang sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ko.
"At bakit mo pupuntahan si Zoren sa kwarto niya?"
Bakit nga ba? Okay mag isip ka ng rason, Thalia.
"Because... I want to talk to him."
"About what?" hindi yata ako titigilan ng lalaking ito hanggat hindi niya nalalaman ang gusto niyang malaman.
"About medicines... Yeah, I'm not feeling well kasi kaya itatanong ko sana kung may gamot ba siya."
His brows furrowed. Nakakatakot naman ang lalaking ito. Mukhang alam niya yata na hindi ako nagsasabi ng totoo.
"There's a medicine kit in every room, Miss Nathalia."
Mas inintindi ko pa yata ang pag sambit niya sa pangalan ko kesa sa sinabi niya. I crossed my arms over my chest at tinignan siya ng deretso. Nagtataka talaga ako kung paano niya ako nakilala eh ngayon palang naman kami unang nag kita.
"How did you know my name?" he chuckled but it was sounds so sexy. Parehong pareho nga talaga sila ni Zeron.
"Secret walang clue." nakangisi niyang sagot at tinalikuran na ako. Ngunit bago siya mawala sa paningin ko ay nag iwan muna siya ng salita na nagpanindig ng balahibo ko.
"By the way, don't try to open that door again, mamamatay ka."
Halos hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Zerome. Ano ba talaga ang nasa loob ng silid na iyon? Bakit mamamatay ako kapag binuksan ko iyon? Is there a monster inside that room? Gulong gulo ang utak ko. Nakakakilabot ang mga salitang binitawan ni Zerome at halos ayaw nang mawala iyon sa isip ko.
Tanghali na akong nagising kinaumagahan. Masakit din ang ulo ko dahil ilang oras lang yata ang tulog ko. Parang kakaidlip lang ng mata ko tapos umaga na. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos. As usual, tumulong lang ako kila Manang na mag handa ng breakfast. Nakasanayan narin nila kaya hindi na sila tumatanggi kapag tumutulong ako.
Matapos ang agahan ay naglakad lakad ako sa loob ng mansyon. I went to the other side of the mansion only to see that there's a gym here. It was huge. Halos lahat yata ng mga gamit na pang work out ay nandito. This gym is like the whole part of my apartment. Grabe, mukhang ngang mas malaki pa ito sa apartment ko.