Chapter 29
"May problema ba? Kanina kapa tahimik, Thalia."
Nabalik ako sa katinuan dahil sa tanong ni Alyson. Nilapag niya sa mesa ang isang baso ng juice at umupo sa harap ko. Nasa labas kami ng mansion at tinitignan ang mga kasambahay na naglilinis sa bakuran. Si Alyson naman ang nag asikaso sa loob ng kusina kasama niya si Ede. Kakarating lang ng mga kasambahay ni Zerome na pinabakasyon niya ng halos dalawang linggo.
"Wala naman." maikling sagot ko at kinuha ang baso at sumimsim ng juice doon.
"Mukhang malalim ang iniisip mo. Hindi kita pipilitin na sabihin kung ano iyon pero kung sakali man na kailangan mo ng kausap nandito lang ako." nakangiting sabi niya.
Tinitigan ko siya. I realized that Alyson is really a good friend of mine. Ilang linggo palang siyang nagtatrabaho dito ay napalaput na siya sa akin. Palaging siya ang kasama ko kapag nasa paaralan ang anak ko at nasa trabaho si Zerome kaya naman naging mas malapit at itinuring ko na siyang kaibigan. I wonder if she has a family or boyfriend? Kung mayroon man ay napakaswerte ng mga ito. Maasahan at sobrang bait. Nakakalimutan ko nga ang problema ko kapag siya ang kausap ko lalo na at puro kalokohan ang mga pinagsasabi niya.
I'm so glad that Zerome hired her as our maid. She become one of my trusted friend. But even though I trust her, I couldn't tell her what's bothering me knowing that she knows Zoren and they sometimes talk na para bang noon pa man ay nag-uusap na sila. I sometimes caught them talking like they were close or friends. Kaya hindi ko basta-basta masabi sa kaniya kung ano ang iniisip ko.
Iniisip ko rin kung bakit hindi na bumibisita pa dito si Zoren. I should not think about him but I just can't help it. It's been two weeks since I last saw him at 'yon ay noong nasa kwarto ko siya at gusto niya akong makausap. Hindi na rin siya naibanggit sa akin ng anak o kaya hinanap man lang kay Zerome. I should be happy, right? Dahil hindi na niya ako ginugulo. Hindi na niya pinagpipilitan na anak niya si Zaijeihn. Hindi na siya nagpapakita sa akin.
Biyernes ng hapon nang sunduin ng ni Mang Pablito ang anak ko. Nagulat ako nang pagpasok niya sa mansion kasama ang isang kasambahay na dala ang bag niya at pinapatahan siya nito. Napatayo ako at nag-aalalang lumapit sa anak ko. He was sobbing, calling my name while wiping his own tears. Parang may sumakal sa puso ko nang marinig ang paghikbi ng anak ko.
"What's wrong, anak?" I asked worriedly. Tinanggal ko ang kamay ng anak ko na nakatabon sa kaniyang mukha at tinitigan siya. I wiped his tears.
"M-Mommy." he cried.
"Paki akyat nalang sa kwarto niya." utos ko sa kasambahay na nakatayo sa likod ng anak ko. Tumango siya at nagtungo na sa hagdan para iakyat ang mga gamit ng anak ko.
"Anak, why are you crying? May umaway ba sa'yo?"
Tumango siya. I sighed and hugged my son. I am a mother and I feel what my son feels. Masakit para sa akin na makitang umiiyak ang anak ko dahil lang sa may umaway sa kaniya. No one can hurt my son. Even me. I can't hurt him. That's why I'm so scared to tell him the truth. Masasaktan ko siya kapag nalaman niyang hindi kami okay ng totoo niyang ama.
"Anong ginawa nila sayo?" mahinahon kong tanong habang pinupunasan ng bimpo ang pawis ng anak ko sa kaniyang mukha, leeg at likod. Nagpakuha na rin ako ng damit na ipapalit sa kaniyang uniporme na medyo marumi na.
"They said that Daddy is not my true f-father. They said I don't have a D-Daddy. That he left m-me!" he cried those words while hugging me so tight.
Those words is like knife trying to penetrate inside my chest. Sobrang sakit ng mga salitang lumabas sa bibig ng anak ko. Who has the guts to say those words to my son?! Wala silang karapatan na saktan ang anak ko! Wala silang karapatan na sabihin iyon sa harap ng anak ko para lang saktan! Gusto ko silang sugurin. Lahat ng mga nagsabi ng salitang iyon sa anak ko.
