Chapter 25
The memories we had before flashback through my mind. Now I realize na kahit gaano mo ginawa ang lahat para makalimutan ang taong minsan nang nanakit sa iyo ay babalik parin pala ang ala-alang iniwan niyo sa nakaraan. I don't want to admit it, but I felt throbbing pain inside my chest when I saw him holding the little hand of a girl or maybe his... daughter.
Hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang nakita ko sa mga mata niya nang nagtama ang mga mata naming dalawa. I want to run away. Gusto kong ilayo ang anak ko ngunit para saan pa gayong nasa harapan ko na siya at ang babaeng dahilan ng pagkadurog ko pitong taon nang nakakalipas. I saw how his jaw clenched as his eyes went behind me.
"Thalia... "
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Zerome. Lumapit siya sa anak ko at hinawakan ito para hilahin papalapit sa kaniya. His expression is very serious right after he faced his brother who's now looking at him with his usual looks...dangerous. It was so dark that I couldn't saw anything but anger. Para bang sa isip niya ay pinapatay na niya ang kaharap niya.
"You're here." he stated. Hindi maalis ang tingin niya sa akin. Hindi ko nga rin alam kung ako nga ba ang kausap niya.
Parang mas gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa. Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib na halos bumara na sa lalamunan ko at gusto nang kumawala ng puso ko. Hawak ko sa isang kamay ang anak ko. Pakiramdam ko ay alam niyang nanginginig ako dahil panay ang angat ng tingin niya sa akin like he was asking if I'm okay.
"This is where I lived before, don't you remember?" sagot ng lalaking nasa tabi ko. He was smirking like there's something that made him amused.
Zoren chuckled.
"I'm not surprised. " sarkastikong sagot niya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Ayoko siyang tignan dahil baka masampal ko lamang siya gayong may gana pa siyang ngumiti sa harap ko na para bang walang nangyari...
Na para bang hindi niya ako itinapon...
"Daddy, who is he? "
Napasinghap ako nang magtanong ang anak ko kay Zerome. Tinignan ko si Zoren at naka-igting na ang kaniyang panga habang mariing nakatitig sa anak ko. I hope that he won't recognize my son. Hindi ko yata kakayanin kapag namukhaan niya ang anak ko.
"He's my brother."
"Oh, Hi po. Nice meeting you!" tuwang-tuwa ang anak ko nang batiin niya ang sarili niyang ama.
Fuck! Parang dinudurog ang puso ko. Gusto ko nang umalis. Bakit sa dinadami ng lugar at araw ngyon pa talaga?! At bakit nagkita pa kami ulit?!
Lumamlam ang mga mata ni Zoren ngunit panandalian lamang iyon dahil napatingin siya sa babaeng nasa tabi niya nang ipulupot nito ang kaniyang kamay sa braso ni Zoren. My lips curved. Kung makapulupot kala mo naman aagawin. Hell, no. Walang aagaw sa lalaking katulad niyang walang puso.
"Let's go? Nagpalista ako sa palaro. Magsisimula na iyon."
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang walang paalam na ginaya kami ni Zerome pabalik sa auditorium. Ngayon ko lamang naramdaman ang panghihina ng aking nga tuhod nang maka-upo na ako. Para akong nagtrabaho buong araw at nawalan na ng lakas.
I looked at Zerome when I felt his hand on my hands. He knows that I am not comfortable. He just smiled at me but I couldn't give back. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nawalan ng gana.
Is that her daughter?
Fuck, Thalia! Naka-move on kana, diba? Why are you still thinking about that?! Eh ano naman kung may anak na sila ng babaeng 'yon?
