Chapter 13
I'm so scared. I couldn't breathe. The man in front of me that showering his own blood made me fear so much. The fear is so unfamiliar. Idagdag pa na ang taong pinapahalagahan at natutunan ko nang mahalin ay tinututukan ako ng baril at sa takot ko ay hindi ko siya magawang lingunin.
Ang luha ko ay walang tigil sa pagdaloy. Hindi ako makagalaw. Hindi ko siya kayang tignan. Kung ang makikita ko lang naman sa mga mata niya ay galit at kayang kaya akong patayin ay tama nang nasa gilid ko siya. Idiniin niya ang bibig ng baril sa akin. Sigurado akong kami lang dalawa at walang ibang tao dito.
"I told you before, that you're not allowed to come here. But you didn't listen to me." malamig niyang sabi na nagpatindig ng balahibo ko.
"Z-Zoren, please... Ibaba m-mo iyan." pagmamakaawa ko.
Humalakhak siya at nagdadagan lang ang takot ko.
"Why? Are you scared? Hindi ka nga takot noong sinubukan mong pumasok dito."
"Why are you d-doing this?" pumiyok pa ako at mariin akong napapikit.
"This is my life, Nathalia. This is me."
"H-Hindi ikaw iyan, Zoren. I know, you're dangerous and ruthless. Pero alam kong hindi ka ganito. Sa halos dalawang buwan nating nasa iisang bahay unti-unti kitang nakilala. Please, stop doing this." mangiyak-iyak kong sabi.
"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung kailan ako hihinto. This is the true me! This is we're my life started and you... you can't fucking stop me!"
Tanging paghikbi ko nalang ang naririnig nang tumahimik siya. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking nakagapos at walang buhay. Kaya ko itong tignan ngunit ang mga mata niyang walang buhay na para bang hindi niya talaga ako mahal, na para bang lahat ng nangyari sa amin ay wala lang sa kaniya ay hinding-hindi ko kayang tignan.
"L-Lahat ba ng... pinakita at sinabi mo sa'kin... hindi totoo?" I asked him even though I know the answer.
Hindi siya nakasagot. Ramdam ko ang matalim niyang titig sa akin. Bahagya ring lumuwag ang pagkakadiin ng baril niya sa aking sintido. Tinigil ko ang pag iyak. Kahit nangingig ang mga kamay ay sinikap kong punasan ang mga luha ko sa aking pisngi. Kinalma ko ang aking sarili at pinikit ang aking mga mata.
Kahit ayaw ko man... ginawa ko. Ginawa ko siyang harapin kahit alam kong mawawasak ako kapag nagtama na ang paningin naming dalawa. Kung gaano kahina ang mga binti ko ay ganoon din kahina ang puso ngayon kaharap ko na siya. Bahagya siyang natigilan ngunit agad ring nakabawi. Walang emosyon ang mukha niya nang tignan niya ako ng deretso sa mga mata. Ang bibig ng kaniyang baril ay nasa noo ko na.
"Is that all a lie?" I asked him again.
"What do you think?" sarkastikong sabi niya. I saw how his lips rose up when he saw breaking. When he saw my eyes in pain.
Huminga ako ng malalim. I gathered all my strength to hold the gun in my head. Idiniin ko iyon at bahagya siyang nagulat sa ginawa ko kaya inilayo niya iyon ngunit mas idiin ko pa.
"What fuck are you doing?!" his voice thundered.
He look at me with so much anger. His jaw clenched and his lips are on a grim line. Takot na takot ako sa paraan ng tingin niya sa akin ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong patayin na niya ako. Tutal, doon naman ang punta ko. Ito ang buhay niya at kahit aki ay hindi ko siya mapipigilan.
"Stop it—"
"Kill me now, Zoren!" sigaw ko. "Hindi ba at doon naman ang patutunguhan ko?! Papatayin mo rin naman ako hindi ba?! Ngayon na!"
