Chapter 22

93 11 0
                                    

Chapter 22

"Hindi kapa ba uuwi?"

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Nagulat na lamang ako nang paglabas ko ng kwarto ay si Zerome ang bumungad sa akin na naghahanda ng almusal. I felt guilty because he should just go home. Mukhang hindi nga rin siya bumalik sa trabaho niya kagabi.

"No. I'll stay here." tanggi niya. He sipped on his coffee.

Napanguso ako. Mukha talagang wala siyang balak umuwi.

"May darating mamaya. She's an OB."

Napatingin ako sa kaniya at agad na kinabahan. So, he knew? Sabagay, he's a doctor. But, what if sabihin niya ito kay Zoren? Hindi pwede. I need to stay away from him. I need to take my child away from him.

"Finish your food. Mag-uusap tayo."

Tumayo siya at iniwan ako sa dining. Wala akong ganang kumain. Masakit rin ang ulo ko. Everything feels so heavy for me. Parang lahat pasan ko. Ang hirap tanggapin na minahal ko siya habang may hinihintay pala siyang iba. And it made me questioned myself. Na hanggang doon nalang ba ako? Gagamitin lang tapos pag nakuha na 'yong gusto itatapon nalang?

Gusto kong magalit sa sarili ko kasi hinayaan ko ang sarili kong mahalin siya. Hinayaan ko ang puso kong saktan niya kahit na alam ko namang sa huli ako rin ang talo.

Tinapos ko ang pag kain ko at naghugas ng plato. Pinagsabihan pa ako ni Zerome dahil siya na daw ang gagawa ng nga iyon. Matapos ang paghuhugas ay naligo na ako at nagbihis ng pambahay.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala kung saan nag aantay si Zerome. He was talking someone on his phone at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ng kausap niya base sa expression ng mukha niya.

I stared at him. Hindi niya pansin ang presensya ko dahil may kalayuan ako sa kaniya. He's wearing a plain gray sando and a dark jeans. The muscle on his biceps are very firm. His jaw is perfectly prominent like Zoren. He's also like a rough, ruthless and dangerous man when he's on his serious expression but it was opposite on his attitude.

Kung pwede ko lang turuan ang puso ko siguro ay siya ang mamahalin ko. Ngunit hindi. Kahit ano yatang pilit ko ay hanggang kaibigan lang ang turing ko kay Zerome. Hindi ko lang alam kung ganoon din ba ang tingin niya sa akin. But I was hoping that we're the same. Because I don't want to hurt him.

Lumapit ako kay Zerome at napaangat ang tingin niya sa akin. His eyes went to my body. I was now wearing a cream flowy dress. Bumuntong hininga siya at nilapag ang cellphone niya sa center table. He looked at me with his intense eyes as I walked towards his direction. Umupo ako sa katapat niyang sofa.

"Mrs. Galvez is on his way here. She's an OB from my hospital." panimula niya.

I shifted on my sit. My heart pounded so fast. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog. Alam kong may alam na siya tungkol sa pagbubuntis ko ngunit natatakot ako na baka kapag tuluyan niyang nalaman na buntis ako at si Zoren ang ama ay hindi niya ako hayaang lumayo. 

"Zerome, bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko. He rose his brows. Mukhang siya pa ang nagulat sa tanong ko.

"Because I want to help you, Nathalia. I know you're pregnant. Kaya gusto kong tulungan kita." kalmado niyang sagot.

"Pero... Paano kapag nalaman ni Zoren na buntis ako?"

"I won't tell him, unless you come with me."

Napakunoot ang noo ko sa sinabi niya. He was serious with his words. Deretsong nakatingin ang mga mata niya sa akin. Tinatantsa ako.

"Lalayo akong mag-isa, Zerome. Your life is here. Hindi mo pwedeng iwan ang trabaho mo." naguguluhang sabi ko.

"I can leave my work, Nathalia." mariing sabi niya. His eyes went darker and he clenched his jaw. "If Zoren couldn't do that to you, then I will! I am willing to risk everything just to keep you safe!"

His Dangerous Love (His Series 1)Where stories live. Discover now