1

4.9K 71 0
                                    




Hi. Bago simulan. Naiba ang format nito ha. Kaya ang hirap basahin. Busy ako para ayusin pa kaya bahala kayong magtiyaga. Kapag nahirapan kayo, wag nang magbasa. Thanks.






BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808  Ash Simon

Chapter 1

Unedited....
Kakauwi lang niya ngayon sa Pilipinas para
magbakasyon at puntahan na rin ang
kababata niyang matagal na niyang gusto.
Sa kasamaang palad, may boyfriend na pala
ito at may anak na sila. Huli na siya. Kung
sana noon pa, nagkaroon siya ng lakas ng
loob para magtapat, baka sakaling may pag-
asa pa siya.
"Mom? Magpapaalam lang ako kay Irene,"
sabi ni Angelo sa inang kanina pa
nangungulit dahil baka mahuli raw siya. E,
gabi pa naman ang flight niya.
Tinapos na niya ang tawag saka ipinarada
ang sasakyan sa pinakamalapit na garahe ng
fastfood.
Pagpasok niya sa gate, nakita niya kaagad
ang hinahanap pero hindi lang niya
nagustuhan nang makitang kasama nito si
Kean, ang lalaking bumihag sa puso ng
babaeng iniibig niya.
"Irene."
Sabay silang napalingon sa kaniya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Madilim ang
mukhang tanong ni Kean kay Angelo na
papalapit sa kanila.
"Gusto ko lang makausap si Irene kung okay
lang?" pakiusap ni Angelo habang kay Irene
ang mga mata.
"Ano ang kailangan mo sa asawa ko?"
tanong ni Kean na ikinaiinis ni Angelo. Para
kasing pinapamukha sa kaniya na
pagmamay-ari na nito ang babaeng
hinahangad niyang makuha.
"Irene? Magpapaalam na sana ako sa 'yo,"
sabi ni Angelo na kay Irene pa rin ang mga
mata. Masakit man pero kailangan niyang
umalis nang walang sama ng loob.
"M-Magpapaalam?" nakakunot ang noong
tanong ni Irene. Ngumiti si Angelo at mas
lumapit sa kaniya pero agad na pumagitna si
Kean.
"Hanggang diyan ka na lang! Bawal nang
lapitan at hawakan si Irene!" seryosong wika
ni Kean.
Kung puwede lang sanang makipagsuntukan,
susuntukin ito ni Angelo. Masyadong pabida
e, si Irene naman ang kailangan niya.
"Tumabi ka. Gusto kong makita si Irene,"
wala sa modong sabi ni Angelo at
nakipagtitigan kay Kean.
"At kung ayaw ko?" matapang na sagot ni
Kean.
"Kean naman, tumabi ka nga!" naiinis na sabi
ni Irene saka hinila si Kean sa tabi niya para
makita si Angelo.
"Bakit po kayo magpapaalam?" tanong ni
Irene. Kuya ang tawag nito sa kaniya. 5
years ang gap nila kaya medyo alanganin
itong tawagin siya na "Angelo".
"Huwag mo siyang kausapin!" sabat ni Kean
at hinawakan si Irene sa kamay.
"Kakausapin ko siya habang nandito ka para
walang isyu. Para marinig mo ang pinag-
uusapan namin kaya manahimik ka!" galit na
sabi ni Irene at nakipaghamunan sa mga
mata ni Kean.
"Sige," pagpayag ni Kean. Seryoso na si
Irene e. Isa pa, baka nga mag-usap ang
dalawa kapag wala siya kaya mas mainam
nang nakikinig siya.
"Babalik na ako sa ibang bansa. Ingatan mo
ang sarili mo," malungkot na paalam ni
Angelo.
"K-Kailan po?" tanong ni Irene. Ang akala
niya, mag-for good na ito.
"Mamayang gabi ang flight ko. Babalik pa
naman ako rito pero mas okay sa akin na sa
ibang bansa na manirahan," sagot ni Angelo
at napatingin sa magandang mukha ng
dalaga. Ang mukhang bata pa lang sila,
sobrang hinahangaan na niya.
"Agad-agad po?" tanong ni Irene. Lalo
siyang nalungkot. Ang tagal na nilang hindi
nagkita ni Angelo pero nakakalungkot lang
dahil babalik na pala ito. Ne hindi man lang
nila nabalik ang dati nilang pagkakaibigan
dahil sa nangyari.

"Oo," sagot ni Angelo at napakamot sa
batok, "Kailangan ako ng parents ko. Ingat
ka palagi. Chat-chat na lang. Alagaan mo si
Ariana." Na ang tinutukoy niya ay ang anak
nito.
Naiinip na si Kean sa usapan ng dalawa.
Kanina pa siya nakipaghilaan sa kamay ni
Irene pero nang marinig niyang aalis na si
Angelo, hinayaan na niyang mag-usap ang
dalawa. At least masolo na niya ang ina ng
anak niya.
"Alagaan mo si Irene, huwag mo siyang
paiyakin!" seryosong bilin ni Angelo nang
tumingin kay Kean. Masaya naman siya para
kay Irene dahil kahit na ganito si Kean, hindi
nito tinakasan ang responsibilidad sa mag-
ina niya.
"Kahit hindi mo na sabihin, inaalagaan ko
ang mga taong mahal ko lalo na ang mag-
ina ko!" naiinis na sagot ni Kean. Medyo
nainsulto siya. Hindi naman nila kailangang
sabihin ang mga ganitp dahil alam niya sa
sariling uunahin niya ang mag-ina niya kaysa
sarili.
"Salamat naman," ani Angelo.
"Nakapagpaalam ka na. Baka puwede ka
nang umalis?" pagtataboy ni Kean.
"Kuya Gelo? Ingat ka po. Sana magkita pa
tayo," malungkot na bilin ni Irene. Gusto
sana niyang mayakap ang kababata pero ang
higpit ng pagkakahawak ni Kean sa kamay
niya.
"Oo naman. Sana muli pa kitang makita,"
nakangiting sabi ng binata saka tumalikod sa
dalawa na mabigat ang dibdib. Nahuli na
siya sa pag-uwi. Nakuha na pala si Irene ng
iba pero masaya naman siya para sa dalaga
dahil nakikita naman niyang masaya na ito sa
piling ng pamilya.
Malapit na siya sa gate nang masagi siya ng
babaeng tumatakbo.
"Ouch!" daing nito at tumigil saka hinarap
siya. "Hindi ka ba marunong tumabi?"
"Ikaw itong nakabangga, tapos ikaw pa ang
galit? Ayos ka rin, ano?" sagot ni Angelo na
napipika. "Akala mo, ang ganda-ganda mo!"
Napanganga ang babae at napahawak sa
dibdib.
"Hoy! Lalaking unggoy! Akala mo naman,
ang guwapo mo! Yuck!" maarteng sabi nito
at pinasadahan siya mg tingin mula ulo
hanggang paa.
Okay, kahit na seryoso siya kay Irene, lalaki
pa rin siya at may iba pang nililigawan. Pero
kapag itong babae ang ligawan niya? Huwag
na. Hindi naman ito kagandahan at unang
tingin pa lang ay magaspang na ang ugali.
"Maka-yuck ka, akala mo ang sexy mo e,
ano?"
"Bastos ka, ah!" singhal ng babae.
"Mas bastos ka!" naiinis na sabi ni Angelo.
Firstime niyang pumatol sa babae. Well,
badtrip siya at brokenhearted pa. Malas lang
nito at ito ang pinagbuntungan niya ng
galit.
"Kapal mong supot ka!" sigaw ng babae.
Lalagpasan na sana niya pero masyadong
matalas ang dila nito.
"Supot? Baka kapag makita mo 'to, tutulo
ang laway mo!" nakangising sagot niya at
pinasadahan ng tingin ang babaeng
palengkera.
"Ew!" nandidiring sabi ng dalaga at
napatingin sa mukha ng lalaking kaharap.
Akala mo, ang guwapo nito kung
makapagsalita.
Hindi siya fan ng may pouty lips kaya hindi
siya nito mayayabangan ng kapogian.
Kabastusan siguro at kamanyakan, puwede
pa.
"Jairah? Nandito ka pa? Akala ko
nagmamadali ka?" tanong ni Keana nang
makita siya.
"Aalis na nga!" sabi ni Jairah at inirapan
muna ang binata bago tinalikuran. Kapal ng
mukha nito para magyabang sa harapan niya.
Ipinagpatuloy na ni Angelo ang paglalakad
palabas sa gate ng Westbridge. Ganito na
nga ang mga kabataan ngayon, walang
delikadesa.
Nang makarating sa kotse niya, mabilis na
pinaharurot niya ito para ibuhos ang sama
ng loob.
Napahampas siya sa manibela nang maalala
ang mga ngiti ni Irene. Umaasa pa naman
siya na may babalikan siya. Kasalanan naman
niya e, umasa siya kahit na wala namang
sila. Ne M.U nga, wala sila no'n kaya
masama talaga na umasa siya.
"Kung maibalik ko lang ang oras, kahit na
bata pa tayo noon, magtatapat talaga ako sa
'yo, Irene," desperadong sabi niya. Ngayon
lang siya nasaktan nang ganito. Iyong wala
siyang magawa kundi ang magparaya dahil
may mahal na itong iba at may anak pa sila.
Wala talaga siyang laban kay Kean.
Napakasuwerte nito kay Irene. Tanga na
talaga ito kapag pinakawalan pa niya ang
kababata niya.
Napatingin siya sa rearview mirror nang may
sasakyang bumubusina sa likuran niya.
"Ang ingay!" reklamo niya. One way lang
kaya malabong maka-overtake ito sa kaniya.
Puwera na lang kung mag-give way siya at
tatabi talaga sa daan. But no way. Wala siya
sa mood para paunahin ito. Isa pa,
nagmamadali rin siya kaya binilisan na lang
niya ang pagmaneho.
"Shit! Ano ba ang gusto niya?" napipikong
tanong ni Angelo sa sarili at muling
napasulyap sa kotseng gustong mag-
overtake. Malapit na nitong maabot ang
likuran ng kotse niya kaya binilisan pa niya
pero nakabuntot pa rin ito na para bang
gusto talagang sumingit.
"Oo na! Letse! Kaskasero talaga!" bulong
niya at tumabi nang medyo malawak na ang
space.
"Oh shit!" sambit niya nang mahagip nito
ang gilid ng sasakyan niya kaya natabig niya
ang manibela pakanan kaya nawala siya sa
main road. "Fuck!pagmumura niya nang
hindi gumagana ang brake hanggang sa
tuluyan na siyang mabangga sa malaking
punong-kahoy.
Boogsh!
Isang malakas na tunog ang narinig at may
matigas na bagay na tumama sa kaniyang
ulo bago pa siya nawalan ng malay.


Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon