5

1.2K 33 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 5

Unedited....
"Mom? Ang cute ng shoes ko, 'di ba?"
tuwang-tuwa na tanong ni Jairah kay Aira.
"Saan galing? Binili mo?" tanong ni Aira.
Ewan ba niya kung ba't ang hilig nito sa
sapatos. Hindi naman siya ganiyan.
"Bigay ni Liam," nakangiting sagot ni Jairah
at napatingin sa kapatid na tahimik na
naupo sa harapan nila.
"Kuya Aron? Nasaan si Mandy?" tanong niya
na ang tinutukoy ay ang kasintahan ng
kapatid.
"Ano ba ang kailangan mo sa kaniya at
kahapon mo pa siya hinahanap?" tanong ni
Aron.
"Sabi kasi niya, samahan niya akong
mamasyal kasama si Liam," nakasimangot na
sagot ni Jairah. Kaibigan niya si Liam at
mula nang mabigo ito kay Mandy, sa kaniya
na nanliligaw ang binata.
"Hindi ako pumayag," seryosong sagot ni
Aron.
"Kuya naman! Kayo na--"
"Ayaw kong pumayag kaya tumigil ka!"
sagot ni Aron at tumayo saka umakyat sa
kuwarto para magpahinga.
"Pupunta na lang ako kay Taira!" naiinis na
sabi ni Jairah. Na-miss na niya ang kakambal
na ngayon ay tuluyan nang itinanan ni Sky.
"Saan ka na naman pupunta, Jairah?" tanong
ni Tyron na papalapit sa kanila.
"Daddy? Puntahan ko lang po ang kakambal
ko," paalam ni Jairah.
"Kakambal? O sa lakwatsa ka na naman
didiretso?" galit na tanong ni Tyron. Sa tatlo
niyang anak, itong si Jairah ang
pinakapasaway at hindi niya alam kung
bakit? Si Aron, tahimik lang at wala siyang
maireklamo. Si Taira naman, mabait din kahit
na palaging ninanakaw ni Sky pero itong si
Jairah, napakapasaway. Sumali pa ito sa
sorority na labis niyang ikinagalit.
"Sa kuwarto na lang po!" naiinis na sagot ni
Jairah.
"Huwag kang bastos, Jairah! Ganiyan ka na
lang ba parati?" saway ni Tyron kaya bumait
ang mukha ng dalaga.
"Daddy naman, hindi naman ako ganiyan
kapasaway a." Lumapit siya sa ama at naupo
sa tabi nito at niyakap. "Sa aming tatlo, ako
na lang po ang walang boyfriend. And
daddy? Virgin pa po ako."
"Alam ko. Pero sana naman, bawas-bawasan
mo naman ang pagiging pasaway mo para
hindi na kami mag-alala ng mommy mo,"
ani Tyron. Kumalas sa pagkakayakap si
Jairah sa kaniya.
"Sige po, mabait naman po ako, Daddy.
Basta dagdagan mo lang po ang baon ko,"
pabirong sabi ni Jairah pero sana lang ay
tuparin ng ama. Well? Mula nang makilala
niya si Mandy, natuto na rin siyang mahalin
ang mga sapatos kaya palagi siyang walang
baon.
"Umalis ka sa harapan ko kung gusto mo
pang humaba ang buhay ko!" galit na
pagtataboy ni Tyron. Maaga yata siyang
matigok kapag itong si Jairah ang kaharap
niya.
"Biro lang po, Daddy. Alam mo naman pong
love ko kayo ni Mommy," paglalambing ni
Jairah at niyakap na naman ang ama.
"Bolahin mo pa kami," sabat ni Aira.
"Totoo po 'yon. Love ko po kayong dalawa.
Siyempre kung wala po kayo, hindi sana ako
maganda," pilyang sagot ni Jairah sala
tumayo. "Inaantok po ako."
Alas dos pa lang naman ng hapon at maaga
ang uwian nila dahil wala silang pasok sa
dalawang subjects.
"Aalis kami mamaya, huwag kang pasaway,"
bilin ni Tyron.
"Matutulog lang po talaga ako," sagot ni
Jairah at iniwan ang mga magulang sa sala
at dumiretso sa kuwarto niya para magpalit
ng damit.
Kakalabas lang niya sa shower room nang
tumunog ang cellphone.
"Not now! Pagod ako!" hinaing niya nang
makitang si Oscar ang tumatawag pero sa
pangatlong ring ay napilitan siyang sagutin
nang maalala ang pagbabanta ni Angelo.

"Hello?"
"Ma'am? Punta ka raw po rito sabi ni Sir,"
bungad ni Oscar.
"Kuya? Pagod po ako. Baka puwedeng--"
"I need you now, Jairah!" sabat ni Angelo sa
kabilang linya.
"Ugh! Pagod ako!" pagmamaldita niya.
"Isang oras. Kapag wala ka pa, alam mo na
kung ano ang nararapat kong gawin sa 'yo!"
"Pagod nga ak--" Bago pa niya matapos ang
sasabihin, tinapos na ni Angelo ang tawag.
"Bulag, manyak at bastos pa niya!" naiinis na
sabi ni Jairah saka mabibigat ang mga
hakbang na lumapit sa closet at namili ng
damit na isusuot.
Pagbaba niya, laking pasalamat niya dahil
wala ang mga magulang sa sala.
Ang kotse niya ang ginamit niya.
Niregaluhan siya ng ama ng kotse last year
dahil napika na ito sa palagi niyang
pagnakaw ng sasakyan nila.
Matapos ang isang oras na pagbiyahe, nasa
mansion na siya ng mga Rivera.
"Late ka na ng sampung minuto," sabi ni
Angelo na nakaupo sa sala.
"Traffic!" naiinis na sagot niya. Mamatay na
ang mga nakaimbento ng cellphone at relo
na para sa mga bulag.
"Samahan mo akong dumalo sa birthday
party," ani Angelo kaya napataas ang kilay ni
Jairah.
"Ikaw lang ang bulag na mahilig pumunta sa
party!" sabi ni Jairah.
Tumayo si Angelo. "Masyado ka nang abala
sa buhay ko, Miss Rodriguez!"
"Sundan mo na," senyas ni Oscar nang nasa
labas na si Angelo. Sumunod din ito sa boss
palabas.
"Nakapantalon lang ako!" reklamo ni Jairah
na hinabol ang dalawa.
"Sakay na," sabi ni Angelo at sumakay sa
frontseat. Ganoon din si Oscar kaya walang
nagawa ang dalaga kundi ang sumakay sa
backseat. Firstime yata niyang dumalo sa
party na nakapantalon.
"Here, isuot mo," sabi ni Oscar at inabot sa
kaniya ang earpiece.
"Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Kailan
ka ba makakakita?" tanong ni Jairah.
"Huwag ka nang magreklamo, puwede ba?"
wika ni Angelo kaya nanahimik na ang
dalaga. Tumigil sila sa isang boutique kaya
napakunot ang noo ni Jairah.
"Bilhan mo siya ng damit at sapatos,
pakibilisan," sabi ni Angelo sabay abot ng
credit card. Napatingin si Jairah sa
boutique. Hindi na masama, kilala ang
pangalan nito kaya hindi na siya tumutol pa
at sumama na kay Oscar."
Simpleng yellow dress and gold sandal ang
binili ni Jairah. Bumili rin siya ng makeup kit
at inayos ang sarili habang patungo sila sa
party. Ang sabi ni Angelo, 6:00PM ang start
at hanggang 8:00PM lang sila.

"Angelo!" tili ng babaeng palapit sa kanila.
"Sino siya?" tanong ni Jairah at napatingin
sa magandang babaeng naka-red dress.
Maganda ito, mestisa at sopistikadang
tingnan.
"Ex," tipid na sagot ng binata.
"Long time no see. Thanks God at naalala
mo ang kaarawan ko," naluluhang sabi ng
dalaga.
"Oo naman. Alam kong matagal akong
nawala, babe. Pasensiya ka na, busy lang sa
negosyo," paumanhin ni Angelo.
"Akala ko, nakalimutan mo na ako," naiiyak
na sabi nito at niyakap si Angelo.
"Ehem!" Tikhim ni Jairah. Mukhang
nakalimutan na yata ng kasamang bulag na
magkasama sila.
"Babe? Si Jairah pala, kaibigan ko,"
pagpakilala ni Angelo. "Jai? Si Jessica,
girlfriend ko."
Muntik nang malaglag ang panga ni Jairah sa
narinig. Akala ba niya, ex nito? Bakit
ngayon, girlfriend na?
"Oh hi, pleased to meet you," nakangiting
sabi ni Jessica at inabot ang kamay kay
Jairah kaya napilitan ang dalagang
makipagkamay rito.
"Halikayo, doon kayo sa table ko," yaya ni
Jessica kaya naglakad ang dalawa palapit sa
table.
"Ayusin mo lang, Jairah!" bulong ni Angelo.
Isang maling direksyon lang at makikita nito
ang hinahanap niya.
Nang makaupo na sila, nagpadala si Jessica
ng pagkain nila. Magkatabi ang dalawa at
nasa harapan nila si Jairah.
"Ne hindi ka man lang tumawag sa akin?"
sumbat ni Jessica.
"Sorry babe, busy lang talaga. Alam mo na,
para sa future."
"Talaga? Dapat talaga mag-sacrifice para sa
future," kinikilig na sabi ni Jessica.
"Ang sabihin mo, bulag ka lang talaga!"
bulong ni Jairah. Hindi naman siya nito
mapapansin ni Jessica dahil busy ito sa
kakatitig sa mukha ni Angelo.
"Oo nga, sa isang taon nating hindi
pagkikita, mas lalo ka pang gumanda," puri
ni Angelo at kinuha ang kamay ni Jessica
saka hinalikan.
"Expert ang bulag!" bulong ni Jairah. So,
dinala siya rito para lang pakinggan ang ka-
corny-han nito?
"Ikaw rin, ang guwapo mo, babe. Akala ko
talaga, nakalimutan mo na ako," sabi ni
Jessica at niyakap sa braso si Angelo.
Agad na inabot ni Jairah ang tubig nang
ilapag ng babae ang pagkain nila. Nasusuka
siya sa mga naririnig.
"Dito ka matulog, babe?" malambing na
tanong ng dalaga.
Napasulyap si Jairah sa binata na halatang
hindi mapakali.
"What now, Mr.Rivera?" bulong ni Jairah.
"Sorry babe, bantay sarado ako ni Jairah.
Sabi ni Mommy, uuwi ako nang maaga dahil
gagawa pa ako mg business proposal.
Nextime na lang, hindi ko puwedeng
pabayaan ang business ko," sagot ni Angelo
kaya napailing si Jairah at napatingin kay
Jessica.
"Ganoon ba? Sayang naman. Sige lang,
marami pa namang nextime," maarteng sabi
nito at ang isang kamay ay nasa dibdib na ni
Angelo.
"Jairah?" tawag ng familiar na boses mula sa
likuran ng dalaga kaya lumingon siya.
"Liam!" bulalas ni Jairah at tumayo saka
humalik sa pisngi ng binata.
"Who's with you?" tanong ni Liam.
"H-Ha?" natarantang wika ni Jairah.
"She's with me," sabat ni Angelo.
"Magkakilala pala kayo," sabi ni Liam at
napatingin kay Angelo na busy sa pagkain.
Kilala niya ito. Isang bata at sikat na
businessman kagaya niya pero mas malawak
lang ang business nito dahil sa ibang bansa
nagsimula.
"O-Oo, we're friends," sabat ni Jairah.
"Dito ka na maupo, Liam," yaya ni Jessica
kaya naningkit ang mga mata ni Angelo.
Kahit si Jairah ay hindi rin nagustuhan ang
idea ni Jessica. Isang pagkakamali lang ni
Angelo at malalagot na siya. Kulungan ang
bagsak niya.
"Sorry guys, gustuhin ko man pero hindi
puwede. I'm with my mom," paumanhin ni
Liam kaya nakahinga nang maluwag si Jairah.
"Sayang. Sige na nga lang," ani Jessica.
"Sige, hinahanap na niya ako. Jai? Tawagan
na lang kita mamaya," paalam ni Liam at
tinapik ang balikat ng dalaga bago umalis.
"Okay," nakangiting sagot ni Jairah at
kumain na.
"Oh? Ayaw mo na?" tanong ni Jessica dahil
marami pa ang pagkain sa plato ni Angelo.
"Busog na ako," sagot ng binata.
Matapos kumain ni Jairah, niyaya na siya ni
Angelo na umuwi.
"Pasensiya ka na, tinakas ko lang si Jairah sa
bahay nila," palusot ni Angelo.
"Ginawa mo pa akong dahilan!" bulong ni
Jairah.
"Ganoon ba? Tawagan mo ako, babe, ha."
Malungkot na bilin ni Jessica.
"Sige, tatawag ako kapag makarating na ako
sa bahay," sabi ni Angelo at lumabas na.
Nilapitan siya ni Oscar para gabayan sa
paglalakad.
Nauna nang pumasok si Jairah sa backseat
pero laking gulat niya nang tumabi sa kaniya
si Angelo.
Nang paandar na ang sasakyan, napasulyap
siya sa binata.
"Bakit dito ka backseat naupo?"
"Mag-uusap tayo," walang ganang sagot ng
binata.
"Tungkol saan?"
"Tayo," sagot ni Angelo.
"Anong tayo?"
"Ayaw kong lumapit ka pa kay Liam dahil
mula ngayon, girlfriend na kita!" ma
awtoridad na sabi ni Angelo kaya nanlaki ang
mga mata ni Jairah.
"What? Sino ka para sabihin sa akin iyan,
ha?" galit na tanong ni Jairah. Makapagsalita
ito, parang pag-aari nito ang buhay niya a.
"Boyfriend mo," tipid na sagot ni Angelo
kaya mas lalong kumulo ang dugo ni Jairah.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon