21

1K 28 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 21

Unedited....
"Wish ko ay bibigyan mo ako ng sampung
milyon," seryosong sabi ni Jairah kaya
tumigil si Angelo at napatingala sa dalagang
nasa harapan ng table niya.
"Ano ang gagawin mo sa pera?"
"Kakainin," naka-poker face na sagot ni
Jairah. "Ilalaga ko, lagyan ng asin at magic
sarap at ihalo sa kanin, masaya ka na?"
"Hindi ako nakipagbiruan, Jairah!"
"Hindi rin ako nakipagbiruan, Angelo. Sabi
mo, may tatlo akong wish kaya ito na ang
pangalawa. Kailangan ko ng sampung milyon
na tunay na pera," sabi ni Jairah kaya
napanganga ang binata. "Alam kong kaya
mong ibigay sa akin ang hinihingi ko at may
kontrata tayo."
"Jai? Hindi ba't sobra-sobra ang hinihiling
mo?" tanong ni Angelo.
"Sana naisip mo na 'yan bago mo ako alukin
ng tatlong wish, Angelo!" Taas noong sagot
ng dalaga.
"Fine, ibibigay ko," pagpayag ng binata
sumasakit ang ulo.
"Kumusta pala ang result natin?" tanong ni
Jairah. "Positive ka ba sa HIV?"
Napahilamos si Angelo sa mukha at kinuha
ang result sa drawer.
"Negative. Happy ka na?" tanong ni Angelo
nang kunin at tingnan ni Jairah ang papel.
"Thank you God," sambit ni Jairah na para
bang nakahinga nang maluwag.
"Talagang naisip mo na may sakit ako, Jai?"
"Hindi mo mawala sa akin ang bagay na
iyan, Gelo. Alam mong mahal ko ang buhay
ko!" nakasimangot na sabi ni Jairah.
"J-Jai? Alam kong may mali ako pero
puwede bang bigyan natin ng chance ang
isa't isa? I mean, bilang magkaibigan?"
pagsuko ni Angelo. Napapagod na siya sa
ganitong set-up. Nahihirapan na rin kasi siya
lalo na't hindi mabuti ang turing ni Jairah sa
kaniya.
"Puwede. Pero mas okay sa akin na huwag
na lang," sagot ng dalaga.
"Please Jai, tama na ang away, okay?"
pakiusap ni Angelo.
"Pagod na rin ako kaya puwede bang
tapusin na natin ito? Ano ang kailangan mo
sa akin, Angelo?" tanong ni Jairah. "Hindi
ba't kailangan mo ang pangalan ng ama ko
para sa business mo? Sige, magpapagamit
ako pero pagkatapos nito, hindi na tayo
magkakilala."
"Puwede bang huwag ka nang umalis sa
buhay ko?" mahinang pakiusap ni Angelo at
napatitig kay Jairah. "Ngayon ko lang na-
realize na mahalaga ka na sa akin. Sa araw-
araw na kasama kita, naging kasinghalaga ka
na ng hangin sa buhay ko, hindi ko kayang
mawala ka, Jai."
Natigilan ang dalaga at napatitig kay Angelo
para suriin kung nagsasabi ito ng totoo.
"M-Mahal na kita, Jai. Kahit na marami
akong babae, ngayon lang ako nagmahal ng
ganito," pag-amin ni Angelo.
"Si Karyl--"
"Tumigil na ako sa panliligaw. Wala nang
babae sa buhay ko kundi ikaw na lang, Jai,"
ani Angelo na umaasang pareho sila ng
nararamdaman ni Jairah. Alam niyang suntok
sa buwan ang nais niyang mangyari pero
wala siyang magagawa. Ilang beses na
niyang pinag-isipan ito hanggang sa naging
sigurado siya sa nararamdaman para sa
dalaga. Mahal niya ito.
"H-Hindi ako ang babaeng para sa 'yo,"
sagot ni Jairah.
"Alam kong naguguluhan ka pa pero hayaan
mong ipakita ko sa 'yo na seryoso ako. Jai?
Kahit na walang kasiguraduhan ang
panliligaw ko, handa kong talikuran ang
lahat ng babae sa paligid. Handa akong
mabulag sa kanila para ikaw lang ang
makikita ng puso ko," madamdaming
pagtatapat ni Angelo. "Mahal kita, mahal na
mahal. Sabihin mo kung ano ang gusto mo
para mapatunayan ko na totoo ang mga
pinagsasabi ko."

Sa totoo lang, nagulat si Jairah pero hindi
niya ipinakita kay Angelo. Naguguluhan siya
lalo na't sanay siyang puro pambobola ang
sinasabi nito sa mga nililigawan.
"Well? Hindi ako naniniwala sa 'yo dahil alam
mo na--ganoon ka naman talaga. Pero kung
pinapaikot mo lang ako, huwag mo nang
ituloy pa, Angelo."
"Bakit kita papaikutin kung bago kita
ligawan, nakuha ko na ang gusto ko?"
tanong ni Angelo saka tumayo at lumapit
kay Jairah saka hinawakan ito sa
magkabilang balikat. "Mahal kita, Jai. Alam
kong mahirap paniwalaan pero hayaan mo
akong patunayan sa 'yo na this time, hindi
ako nakipagbulahan."
Hindi makaimik ang dalaga. Napatingin siya
sa pouty lips ni Angelo. Aminado siyang
physically atttacted siya sa binata. Hindi
naman maitagong maganda ang katawan at
guwapo ito pero magpapabilang ba siya sa
mga babaeng naloko nito?
"H-Hayaan kitang mag-isip pero bigyan mo
lang ako ng pagkakataong makapasok sa
puso mo, Jai," pakiusap ni Angelo at
masuyong hinaplos ang magkabilang pisngi
ng dalaga. "Hindi na kaya pang magising na
wala ka sa tabi ko sa tuwing umagang
dumilat ako."
Hindi tumutol si Jairah nang yumukod ito
para halikan siya. Napapikit si Jairah at
dinamdam ang init ng mga labi ni Angelo.
Hinapit siya nito sa bewang kaya mas lalong
napalapit ang mga katawan nila.
"I love you, Jai," pabulong na sabi ni Angelo
na nakipagtitigan sa kaniya. "M-Mahal kita.
Alam kong mahirap patunayan pero
susubukan ko."
"P-Paano ako maniniwala kung ang mga
ipinapakita mo, puro pambobola?" tanong ni
Jairah.
Ngumiti si Angelo at binuhat ang dalaga
saka dinala sa silid niya at isinabay ang
katawan sa paghiga kay Jairah sa pang-
isahang kama.
"Seryoso ako kaya maniwala ka," sabi ni
Angelo at inangkin ang mga labi ng dalaga
saka nagmamadaling hinubad ang damit
nito. "Sana habambuhay na kitang kasama,
Jai. Gusto kong mabuhay na kasama ka."
Ngumiti lang si Jairah at sinalubong ang
mga labi ni Angelo hanggang sa tuluyan
nang naglakbay ang mga kamay nito sa lahat
ng bahagi ng kaniyang katawan.
----------------------
"Ma'am? Flowers," nakangiting sabi ni Lanie
nang iabot sa kaniya ang white roses.
"Saan galing?" tanong ni Jairah.
"Lumabas ka na, Lanie," sabi ni Angelo kaya
lumabas na ang secretary.
Binasa ni Jairah ang note.
"I love you, babe."
Napailing si Jairah nang malamang kay
Angelo ito galing.
"Bakit kailangang si Lanie pa ang aabot sa
akin nito?" nakasimangot na tanong ni
Jairah.
"Pina-deliver ko kasi," sagot ni Angelo. "Ako
ang dapat na kumuha pero kay Lanie na pala
nito inabot."
"Hmp! Nahihiya kang magbigay sa akin?"
nakataas ang kilay na tanong ni Jairah.
"Hindi ah," tanggi ni Angelo. Padabog na
lumapit si Jairah sa table nito at inilapag
ang bulaklak. "Solohin mo ang bulaklak mo!"
"G-Galit ka?" tanong ni Angelo.
"Obvious ba?" pagtataray ni Jairah.
"Seryoso ka na ba niyan sa akin, Angelo?"
Walang imik na tumayo ang binata saka
lumabas kaya mas lalong napasimangot si
Jairah.
"Bastos niyang manliligaw!" bulong niya at
ipinagpatuloy ang ginagawa.
Magtatanghali na pero wala pa rin si Angelo
kaya lumabas na siya. Yayain na lang niya si
Oscar na kumain sa cafeteria.
Malapit na siya sa canteen nang
makasalubong si Angelo na may bitbit na
bouquet ng red roses.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon