22

1K 31 0
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
By: sha_sha0808

Chapter 22

Unedited...
"Nasa bahay mo siya. Kampante ako na nasa
bahay mo si Jairah pero bakit mo siya
pinabayaan?" sumbat ni Aron. Limang taon
na ang nakalipas pero hanggang ngayon,
hindi pa rin nila mahanap si Jairah.
"Dad? Uwi na tayo," yaya ni Aron. Halos
araw-araw ay libutin na ni Aron ang buong
mundo. Lahat ng kakilala nila sa ibang bansa
ay pinakiusapan na niya.
"Masakit din po sa akin ang lahat lalo na't
napamahal na sa akin ang anak mo. Pero
hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa,
mahahanap ko rin si Jairah," malungkot na
sabi ni Angelo. Hanggang ngayon, sinisisi pa
rin niya ang sarili sa paglayas ng dalaga.
Sana nagtiis na lang siya na sa iba tumira.
At least nakikita pa niya ito at nasisigurong
ligtas ang dalaga.
"Habang buhay na lang ba akong
maghihintay at maghahanap sa mga
babaeng mahal ko?" malungkot na sabi ni
Tyron. Noon, si Aira tapos ngayon ay si
Jairah na naman. Siguro nagmana lang si
Jairah sa inang layas. Iyong kapag
magtampo at masagad ang galit, walang
pasabing nang-iiwan.
"Kapag may balita na po ako, tatawagan ko
kayo," ani Angelo. Noong una, naiinis siya
kay Tyron dahil may pagkamayabang kasi ito
pero nang madalas na niya itong nakikita at
nakausap, saka niya napagtantong mabuti
pala itong ama. Nasaksihan niya kung paano
ito mababaliw sa kakahanap sa anak.
Nang makaalis na ang mag-ama,
napabuntonghininga si Angelo. Ne hindi man
lang ba inisip ni Jairah ang mga magulang
lalo na ang ina bago lumayas? May sampung
milyon si Jairah mula sa kaniya at na-
withdraw na nito bago pa maglayas kaya
hindi na niya ma-trace ang tracking number
nito. Mukhang pinaghandaan nito ang lahat
bago lumayas.
"Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong
bumalik ka," bulong ni Angelo at lumabas sa
bahay saka nagmaneho papunta sa opisina.
Wala na si Oscar, nagpaalam na ito sa kaniya
two years ako na mag-settle down na dahil
may kaunti nang naipon para sa mini
grocery ng asawa. Pumayag naman siya at
dinagdagan ang pampuhunan ng tapat na
personal bodyguard niya.
Pagdating sa opisina, tumahimik ang lahat at
pinapakiramdaman ang bawat kilos niya.
"Bad mood ka na naman?" nakangising
tanong ni France nang makasalubong niya.
"Umalis ka sa harapan ko dahil hindi kita
pinapatawag!"
"Well? Kailangan mo ng secretary kaya ikaw
ang mag-interview sa applicants."
Wala na si Lanie. Nag-resign na rin ito dahil
nag-asawa na at umuwi sa probinsya. Mula
noon, wala nang nanatiling secretary sa
kaniya.
"Ikaw na," walang ganang sagot ni Angelo.
"Okay, mamaya, papasok na ang mapili ko,"
nakangising sabi ni France na hindi
nagustuhan ni Angelo. Ganito na lang palagi
ang pinsan niya. Kung sinu-sino ang
pinapapasok sa kaniya.
"Bahala ka," walang ganang sagot ng binata
at pumasok na sa opisina. Madali lang
naman sa kaniya ang magpalit ng secretary
kapag hindi niya gusto ang mga
inirekomenda ni France.
Ginugol niya ang oras sa paperworks.
Napasulyap siya sa table na dating inuupuan
ni Jairah. Kahit na pagod siya noon,
nawawala kapag masilayan niya ang mukha
nito kahit na madalas siya nitong irapan.
Limang taon. Sa loob ng limang taon,
masasabi niyang successful na siya dahil
marami na ang branches ng kompanya nila.
Sikat na rin ang clothing company nila na
pinagtuunan niya ng pansin.
May kumatok ng dalawang beses kaya
hinayaan na niya ito hanggang sa bumukas
ang pinto at pumasok ang sexy at
magandang babae.
"Magandang umaga ho, sir," magalang na
bati ng babae.

"Morning. Maupo ka," alok ni Angelo.
"Salamat po. Ako po ang bago ninyong--"
"Bumalik ka kay France at pakisabing ayaw
ko ng secretary," seryosong sabi ni Angelo
kaya napanganga ang dalaga.
"P-Pero sir--"
"Sa kaniya ka magtrabaho kaya pasensiya ka
na," tanggi niya kaya napilitang tumayo ang
babae at lumabas. Isa sa pinakakinaiinisan
niyankay France ay ang pagpapadala nito ng
mga babae para maging secretary niya.
Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at
pumasok si France.
"Kung gusto mo ng secretary, ikaw ang
mag-interview!"
"Fine," tipid na sagot ni Angelo.
"Lintik! Sana sinabi mo sa akin noon pa para
hindi na ako naaabala!" naiinis na sabi ni
France.
"Secretary ang kailangan ko at hindi
pangkama," prangkang sabi ni Angelo.
Mga modelo ang binibigay ni France sa
kaniya. Hindi naman siya tanga para hindi
mahalata.
"Hindi ka na babalikan ni Jairah!"
Napatingala si Angelo sa pinsan na nakatayo
sa tapat niya. "May asawa na 'yon kaya
huwag ka nang umasa na babalik pa siya.
Accept it, hindi ka niya minahal."
"Umalis ka na, France," walang ganang
pagtataboy ni Angelo bago pa niya
makalimutang magpinsan sila.
------------------
"Good morning, manang. Kumain na po
kayo?" tanong ni Jairah na kakagising lang.
Alas otso 'y media na pala pero napasarap
siya sa pagtulog.
"Kanina pa. Kumain ka na, nakahanda na ang
breakfast mo," sabi ni Manang na katulong
niya.
"Salamat po pero maggagatas lang po ako
ngayong umaga, diet po," nakangiting sabi
ni Jairah at siya na mismo ang nagtimpla ng
gatas niya saka lumabas sa bahay.
"May nilagang saging ako, gusto mo?"
tanong ni Manang na bitbit ang hinog na
sabang saging.
"Salamat po," sagot ni Jairah at tinusok ng
tinidor ang isang saging saka kinain.
Umalis na si Manang at nagwalis ng
bakuran.
Napapikit si Jairah at dinama ang ihip ng
sariwang hangin. Napapalibutan ng mga
punong-kahoy ang maliit na bahay niya. Sa
hindi kalayuan ay may maliit na fishpond.
Napangiti siya nang idilat ang mga mata.
This is life. This is her life now. Hindi na siya
si Jairah na kilala bilang mayaman sa
lipunan. Sa bayang ito, isa na lamang siyang
ordinaryong tao na may simpleng pangarap.
Tinalikuran niya ang karangyaan para
pumunta sa lugar na hindi niya alam kung
saan at dito siya napadpad sa Negros
Oriental.
Sa lugar na kung saan, simple lang ang mga
tao sa paligid. Nasa pinakamalayong
municipality sila na malayo sa bayan.
"Maayong aga, guwapa," bati ng matandang
may bitbit na saging nang dumaan.
"Magandang umaga rin po," magalang na
bati niya. Sa loob ng limang taon, marunong
na siyang mag-ilonggo. Ang babait naman
ng mga tao kaya walang problema sa kaniya.
"Mabakal po ako ng saging."
"Sige, bigyan kita nang marami dahil suki na
kita," sabi ng matandang lalaki na
nagtatagalog pero ilonggo pa rin ang tono.
Naalala tuloy niya si Meriam Defensor
Santiago kapag magtagalog.
"Salamat po," magalang na sabi niya at
kumuha ng pera. Kahit kaunti lang ang kita
ng mga tao, at least hindi sila nagnanakaw.
Napakamaalalahanin pa sila sa kanilang mga
kababayan.
"Papasok ka?" tanong ni Manang Tess nang
tumayo si Jairah.
"Opo," sagot ng dalaga at pumasok na para
magbihis. "Aalis po muna ako kaya ikaw na
muna ang bahala rito."

Sakay sa lumang kotse, pumunta si Jairah sa
bayan.
"A-Ano ang nangyayari dito?" nagtatakang
tanong niya nang magsitakbuhan ang ibang
tao. Ang iba naman ay nagsisigawan.
"May demolition," sagot ng isang tinderang
nakasalubong niya.
"N-Ngayon na? Bakit?" nagtatakang tanong
niya at patakbong pumasok sa maliit na
eskinita patungo sa shop niya. May papel na
silang natanggap pero hindi pa rin siya
umaalis dahil akala niya, sa susunod na
buwan pa ito gagawin.
"Sandali!" sigaw niya nang makitang sinisira
ng mga tao ang shop niya. Nasa loob pa
ang makina at mga gamit niya.
"Ma'am? Nakiusap kami pero ayaw nilang
magpapigil," nag-aalalang sabi ng isang
mananahi niya.
Naikuyom ni Jairah ang kamao saka
sumugod.
"Bitiwan mo ako!" sigaw ni Jairah at tinulak
ang isang tauhan. Tatlo lang naman ang
mananahi niya pero minsan, tumutulong siya
sa mga ito. Siya ang bahala sa design at sila
ang bahalang gumawa ng damit. Mula noon,
ito na ang pangarap niya para sa sarili.
Pangarap na hindi matupad-tupad dahil nasa
paligid ang pamilya. Ang akala kasi nila,
mataas ang pangarap niya. Na paganda lang
ang gusto dahil palaging nasa mall at
nagwawaldas ng pera.
Ang hindi alam ng parents niya, pangarap
din niyang kapagpatayo ng boutique pero
hindi siya binigyan ng pagkakataon. Ine-
expect nila na mataas na kaagad ang liliparin
niya dahil maarte siya. Pero ang totoo,
gusto lang niyang magdisenyo ng isinusuot
ng mga tao. Hindi niya iyon kayang matupad
dahil iba ang inaasahan ng lahat mula sa
kaniya. Walang naniniwalang simple lang ang
gusto niya sa buhay.
"Sandali!" sigaw niya at tinulak ang isa sa
demolition team. "May mga gamit pa kami
sa loob kaya hayaan ninyong kunin ko iyon!"
"Pero ma'am, napagsabihan na kayo
nextweek pa," sabi ng leader nila.
"Kukunin ko. Bigyan ninyo kami ng isang--"
Hindi na niya napatuloy ang sasabihin nang
sirain ng bulldozer ang shop niya at ang
katabi pa nitong shop.
"M-Ma'am? Halika na," umiiyak na sabi ng
tauhan niya saka hinila siya palayo. Wala sa
sariling naglalakad si Jairah habang tumutulo
ang mga luha.
"W-Wala na. Sira na ang pinaghirapan ko,"
humagulgol na sabi niya at napaupo habang
nakatingin sa shop na paunti-unti nilang
sinisira. Nagre-rent lang naman siya pero
ang mga damit at gamit nila ang iniiyakan
niya.
"B-Bakit hindi sila nagbibigay ng
consideration?" humihikbing sabi niya.
"K-Kailangang umpisahan na raw po ang
bagong ipapatayong building nextweek,"
malungkot na sagot ng babae. Awang-awa
ang mga taong nakatingin kay Jairah. Kilala
siya sa bayang ito dahil maliban sa maganda,
maganda rin ang mga ibinebentang damit
kahit na medyo may kamahalan.
Biglang umingay ang paligid nang may
tumigil na mamahaling sasakyan sa gilid ng
kalsada at bumaba ang nakabili ng lupa.
"Magandang umaga, sir. Malapit na pong
malinis ang lugar na ito. By nextweek,
puwede na tayong makapagpatayo ng
building," sabi ng lalaki. Naikuyom ni Jairah
ang kamao at hinarap ang lalaking nagpa-
demolish ng shop niya.
Pareho silang natigilan nang mamukhaan ang
isang isa.
"J-Jai?"
Agad na tumakbo si Angelo palapit sa
dalaga. Totoo ba ang nakikita niya? O baka
namamalikmata na naman siya? Pero hindi e.
Si Jairah talaga ang nakikita niya kaya
napangiti siya. Mas lalo itong gumanda.
"J-Jai? Alam mo bang matagal na kitang--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa
kaliwang pisngi ni Angelo kaya napahawak
siya rito.
"Si Jairah ka nga talaga," bulong ni Angelo.
Ang lakas ng pa-welcome sa kaniya nito e.
Jairah na Jairah.
"Sinira mo ang pinaghirapan ko!" puno ng
galit na sabi ni Jairah. "Sinira mo na ang
buhay ko! Ngayon naman, sinisira mo ang
pangkabuhayan ko? Kahangag simo!"
"J-Jai, hindi kita--"
Pak!
Napahawak na naman siya sa kanang pisngi
nang makatanggap ng napakamalutong na
sampal sa dalagang matagal na niyang
hinahanap.
"Putiks, ano ba ang problema mo?" singhal
niya at napatingin sa palibot na sa kanila
nakatingin.
"Demonyo ka gid! Yawa ka!" Umuusok ang
ilong na pagmumura ng dalaga. "Wala ka na
bang ibang gawin kundi ang sirain ang
buhay ko?"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo,"
clueless na sabi ni Angelo. Na-miss niya ito.
Gusto niyang yakapin at hagkan pero ito pa
ang sinalubong ni Jairah sa kaniya.
"Sana ito na ang huli nating pagkikita!
Kinamumuhian kita!"
Tumakbo si Jairah palayo kaya napatingin si
Angelo sa tauhan na nagtatanong ang mga
mata.
"S-Siya po kasi ang may-ari ng isang shop
na pina-demolished ninyo," sagot ng lalaki
kaya napanganga si Angelo.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon