Epilogue

1.9K 58 6
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808 Ash Simon

EPILOGUE

May nag-aabang pa ba ng epilogue nito? Or
baka nabura na sa library? Hehehe.
Unedited...
"Shit! Ang tagal naman umusad!" reklamo ni
Angelo saka bumusina sa kotseng nasa
harapan niya. Traffic ngayon at usapan nila
ng asawa na sabay silang mag-dinner kaya
kailangan alas siyete ay nasa bahay na siya.
Napatingin siya sa relo sa kaliwang kamay.
Napahampas siya sa manibela. Qarter to
eight na kaya panigurado, magtatalak na
naman ang asawa niya pagdating sa bahay.
Dalawang buwan na silang kasal at sabi ng
doctor kahapon, two months nang buntis si
Jairah. Umaasa siyang lalaki na naman ang
magiging anak nila.
Tumatawag siya kay Jairah pero hindi nito
sinasagot ang tawag niya. Patay na. Galit na
naman ito sa kaniya. Busy kasi sa meeting at
ang dami pang gawain lalo na't pauwi na
naman ang parents niya. Dagdagan pa ng
matinding traffic dahil umuulan.
Ang saya ng mga magulang niya nang
malamang magkakaapo na naman sila.
Ganoon din ang parents ni Jairah.
Pasado alas otso na nang makarating siya sa
bahay nila kaya nagmamadaling pumasok
siya sa loob.
"J-Jai? Pasensiya ka na kung ginabi ako,"
paumanhin ni Angelo sa asawang nakaupo sa
sala. "S-Si Gela? Natutulog na ba?"
Tumayo si Jairah at lumapit sa kaniya.
"Good evening, Gelo," bati ni Jairah saka
humalik sa mga labi ng asawa. "Halika, kain
na tayo. Alam kong pagod ka sa opisina."
Napakunot ang noo ni Angelo. "Hindi ka
galit?"
"Bakit ako magagalit? Nang tumawag ako,
nasa meeting ka pa raw sabi ng secretary
mo. Tapos kaninang alas sais 'y media,
nakaalis na ka na raw. Hindi ko na sinagot
ang tawag mo dahil napanood ko sa TV na
matindi ang traffic tapos madulas pa ang
kalsada. Nextime, huwag ka nang tumawag
kapag nagmamaneho ka. Alam mo namang
pareho na tayong naaksidente at nabulag
dahil sa pagmamaneho, okay?" malumanay
na sabi ni Jairah.
"S-Salamat sa pag-unawa, Jai," pasalamat ni
Angelo at wala sa sariling sumunod sa
dalaga papasok sa dining room.
"Naghanda ako ng mga paborito mong
pagkain. Naiinip kasi ako kanina. Natutulog
na pala si Gela dahil napagot daw siya sa
kakalaro kina Mommy kanina," wika ng
dalaga kaya napakamot na lang sa ulo si
Angelo at binabantayan ang bawat kilos ng
asawa.
Maagap na hinila niya ang silya saka pinaupo
si Jairah.
"Thank you sa playboy pero ngayon,
gentleman kong asawa," proud na sabi ni
Jairah at matamis na nginitian si Angelo.
"I love you, Jai," wika ni Angelo.
"I love you too, Gelo," sagot ni Jairah at
inabot ang plato sa asawa. "Kain ka nang
marami. Alam kong pagod ka s trabaho."
"S-Sige. Basta kumain ka rin, Jai," alok ni
Angelo at siya na ang kumuha ng kanin saka
naglagay ng pagkain sa plato ng asawa.
"Angelo? Excited na ako sa magiging baby
natin. Sino kaya ang magiging kamukha
niya? Pero gusto magmana sa 'yo ang pouty
lips. Iyon kasi ang pinakamagandang part ng
mukha mo," masiglang sabi ni Jairah.
"Okay na rin naman kapag magmana sa 'yo,
Jai. Maganda ka naman kaya kahit sino na
lang. Ang mahalaga, healthy at normal sila."
"Hmmm? True," pagsang-ayon ni Jairah.
"Ano ba ang ginawa mo kanina habang wala
ako?" curious na tanong ni Angelo.
"Gumuhit na naman?"
"Oo," sagot ni Jairah. "Salamat sa boutique
na iniregalo mo sa akin. Alam mo, paunti-
unti na akong nakakakuha ng customer dahil
pumayag sina Mandy at Taira na mag-
model," pagkukuwento ni Jairah habang
kumakain sila.

Hindi mapigilan ni Angelo ang sariling
mapatingin sa asawa. Hangang hanga siya
rito dahil maliban sa maganda, mabait pa.
Okay. Mabait na. Hindi niya alam kung
paano pero ang bait-bait nito ngayon.
Pero kailangan pa rin niyang maging alerto.
Siyempre, kabisado na niya ang
pagmamaldita at pagtataray ng asawa. Baka
mamaya, babarilin siya nito habang
natutulog.
Pagkatapos nilang kumain, nagboluntaryo si
Jairah na maghugas ng plato pero hindi
pumayag si Angelo at ang katulong na ang
pinagawa niya.
Pagkapasok nila sa kuwarto, agad na
tinulungan siya ni Jairah na maghubad ng
damit.
"Maligo ka na, ako na ang bahala sa mga
damit mo," sabi ni Jairah. Ang amo ng
mukha nito. Iginala ni Angelo ang mga mata
sa buong kuwarto nila. Wala namang
panaksak o baril kaya tatango-tango na
pumasok siya sa shower room.
Matapos mag-half bath, lumabas na siya.
"Naihanda ko na ang damit mo, magsuot ka
na para makatulog na tayo," sabi ni Jairah at
siya naman ang pumasok sa bathroom bitbit
ang pantulog nito.
Napakamot na lang si Angelo sa ulo at
nagsuot ng damit.
"Anong nangyari sa asawa ko?" wala sa
sariling tanong ni Angelo.
Nang makalabas si Jairah, agad na nahiga
ito sa tabi niya at iniunan ang ulo sa
kaniyang braso.
"J-Jai? Hindi ka ba talaga galit sa akin dahil
ginabi ako sa pag-uwi?"
Tumingala si Jairah at sumimangot. "Bakit
ako magagalit? Alam ko namang nasa
opisina ka lang at naghahanapbuhay para sa
amin. Isa pa, masyado ka nang busy para
magalit pa ako," sagot ni Jairah at isiniksik
ang mukha sa malapad na dibdib ni Angelo.
"Salamat sa pag-unawa, Jai," pasalamat ni
Angelo. Magpapasalamat na lang siya dahil
biglang umiba ang ugali ng asawa. Hinipo
niya ang tiyan ni Jairah at pinakiramdaman
ang baby nila.
"Wala pa 'yan. Maliit pa siya," sabi ni Jairah.
"Baka kulang pa ng ilong. Gawan natin ng
tainga," pilyong sabi ni Angelo at pagulong
na pumatong sa asawa.
"H-Hindi ka ba pagod?" nahihiyang tanong
ni Jairah kaya ngumiti si Angelo at inangkin
ang mga labi niya.
"Basta ikaw, hindi ako napapagod, Jai,"
sagot ni Angelo at sinimulan nang hinubad
ang mga damit nila.
Si Jairah na yata ang pinakamabait at
maunawain na buntis na nakilala niya sa
balat ng lupa.
-----------------
Makalipas ang ilang buwan, nagsilang si
Jairah ng isang napakamalusog na sanggol
na lalaki. Pinangalanan nila itong Jairo
Rivera.
"Saan ka galing?" parang dragon na tanong
ni Jairah nang pumasok sa kuwarto nila si
Angelo.
"Sa opisina, Jai," sagot ni Angelo saka
lumapit at hinalikan sa kanang pisngi ang
asawa na bitbit ang one week na sanggol
nila.
"Alam mong kakapanganak ko lang,
pumasok ka na kaagad? Mahalaga pa ba sa
'yo ang trabaho mo kaysa sa aming mag-ina
mo?" tanong ni Jairah.
"M-May pinag-usapan lang kami," paliwanag
ni Angelo.
"Nang babae mo?" tanong ni Jairah kaya
napahimalos sa mukha si Angelo at napatitig
sa asawa.
"Babae? Wala akong babae. Alam momg
ikaw na lang ang mahal ko," depensa ni
Angelo at kinuha ang anak nila. "Akin na si
Baby Jairo, magpahinga ka na."
"Guilty ka?" nagdududang tanong ni Jairah.
"Hindi a. Loyal na ako," tanggi ni Angelo.
Wala na siyang hahanapin pa. Kuntento na
siya sa asawa.

Napabuntonghininga si Jairah habang
nakatingin sa mag-ama niya. Ang cute ni
Angelo habang karga ang anak nila. Alam
naman niyang loyal na ito sa kaniya pero
hindi lang niya maiwasang magduda.
"Alam mo, Jai? Noong buntis ka, ang bait-
bait mo," paalala ni Angelo saka inilapag sa
crib ang baby nila. "Pero bakit ngayon,
bumalik ka na naman?"
Inirapan siya ni Jairah. "Hmmp? Inaabuso
mo kasi ang kabaitan ko!"
"Hindi a," tanggi ni Angelo saka lumapit sa
asawang kahit magulo ang buhok, maluwag
ang damit at walang ayos, maganda pa rin
sa kaniyang paningin.
"Gusto mong maging mabait ako parati?"
tanong ni Jairah.
Niyakap siya ni Angelo at hinalikan ang
mabangong buhok sa gilid ng tainga.
"Stay what you are, Jai. I can handle," sabi
ni Angelo.
Napangiti si Jairah at gumanti sa mainit na
yakap ni Angelo.
"Alam kong suplada ako, Gelo. May times na
topakin ako pero sana matitiis mo iyon.
Mahal naman kita, eh. Mahal na kita. Gusto
kong palagi kang nakikita at nakakasama
kaya pasensiya ka na," paumanhin ni Jairah.
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni
Angelo.
"Kaya kong tiisin kahit sa pinakamalalim na
pagkamaldita mo, Jai. Basta huwag ka lang
mawala sa paningin ko," ani Angelo. Kasama
na sa pagsasama nila ang pag-unawa sa
pag-uugali ng bawat isa.
"I love you," bulong ni Jairah.
"I love you too. Jai? One week ka nang
nanganak, baka puwede na?" pabulong na
tanong ni Angelo.
"Puwede na?" ulit na tanong ni Jairah.
Kumawala sa pagkakayakap si Angelo saka
napakamot sa ulo.
"B-Baka puwede nang--alam mo na, boom
boom paw?" atubiling tanong ni Angelo
kaya napangiti si Jairah.
Biglang umiyak ang sanggol na nasa crib
kaya agad na lumapit si Angelo at binuhat
ang anak. Tumigil naman ang sanggol kaya
malakas na tumawa si Jairah.
"Hindi pa raw puwede sabi ni Baby," pilyang
sagot ni Jairah at lumapit sa mag-ama niya
saka hinalikan ang anak sa kanang pisngi.
"Ako rin, i-kiss mo rin ako, Jai," hirit ni
Angelo.
"Hmm? Palagi na lang?" naka-pout na wika
ng dalaga.
"Palagi rin akong uhaw sa mga labi mo,"
sagot ni Angelo saka kinindatan ang asawa.
"Gelo? Nag-donate pala ako ng pera natin
para sa mga may kapansanan," sabi ni
Jairah.
"Sige lang. Gawin mo lang kung ano ang sa
tingin mo ay tama," sabi ni Angelo. Medyo
maldita pa rin si Jairah pero paunti-unting
lumalabas ang pagkaroon ng busilak na puso
nito.
Napailing na lang si Jairah at masuyong
hinalikan ang mga labi ng asawa. Siguro,
lahat ng nangyari sa nakaraan ay may
dahilan. Isa na sa mga dahilang iyon ay ang
pagkaroon niya ng mabuting asawa at
buong pamilya.
Pareho nilang naranasan ang magkaroon ng
kapansanan kaya alam na nila kung gaano
kahirap ang husgahan at laitin ng ibang tao.
Alam na nila ang hirap na pinagdadaanan ng
mga ito dahil sa kakulangan sa pisikal na
anyo. Pero gayunpaman, hanga siya sa mga
may kapansanang patuloy na nilalabanan ang
hamon ng buhay. Hinaharap ng mga ito ang
panghuhusga ng kapwa at mas piniling
maging responsableng magulang at
mamamayan ng bansa kaysa sa magmukmok
sa isang tabi at tuluyang tanggapin na wala
nga silang silbi.
Marami riyan na kumpleto nga pero
iresponsable naman at tamad. Ganito na nga
siguro ang mundo. Hindi magiging balanse
kapag lahat ay perpekto. Masuwerte lang
sila dahil kahit paano, binigyan pa sila ng
Diyos ng pagkakataong makakakita muli
para makatulong sa ibang may kapansanan.
------------------THE END---------------

Paki-follow ako sa lahat ng mabait na
readers. Pero kung ayaw ninyo, e di huwag.
Hahaha.

A/n;
So ayun. Hindi ko alam kung anong klaseng
story ito kasi waley naman talaga. Hahaha.
Walang plot e. Wala ring eksena sa
imahinasyon ko. Minsan, lumalabas din
talaga ang kawalan ng emosyon ng
nagsusulat e. Pero kahit na gaano man ka-
waley ang isinusulat ko, kailangan ko pa rin
itong bigyan ng "ending". Isinulat ko kaya
tatapusin ko. Kapag magsulat ako at biglang
nawala sa eksena, magpapahinga ako. Pero
kapag wala pa rin talaga, tatapusin ko na at
gumawa ulit ng panibago. Nafru-frustrate
ako kapag hindi ko maabot ang salitang
"ending" lalo na kapag mawalan na ako ng
gana. Pero salamat pa rin sa mga
nagtiyagang magbasa. God bless...
So dito na nagtatapos ang generation ng
mga anak nina Skyler-Kim, Kyler-Yna,
Tyron- Aira, Ann-Dylan. Parang kailan lang.
Hehehe. May isa na lang na natira--Kevin-
Ella na hindi ko alam kung maisulat ko pa.
Hahaha.
Basahin ninyo ang next generation na mas
naunang matapos kaysa rito.

"My FAT Suitor"

"My Unideal Girl"



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon