16

1K 35 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 16

Unedited...
"Bitiwan mo nga ako!" singhal ni Jairah na
nagpupumiglas kay Angelo pero ang lakas
nito kaya napapasunod siya palabas sa hotel.
"Bakit ba hinayaan mo ang sarili mong
insultuhin ng mga taong iyon?" galit na sabi
ni Angelo na malapit na sila sa parking lot.
"Ikaw ang nagdala sa akin doon!" galit din
na sagot ni Jairah at kinagat ang kamay ni
Angelo na humihila sa kamay niya.
"Fuck!" pagmumura ni Angelo at nabitiwan
ang kamay ni Jairah. Halos bumaon na yata
ang mga ngipin nito sa balat niya.
"Tapatin mo nga ako, Angelo! Nakakakita ka
na ba?" tanong ng dalaga at tumingala sa
binatang nasa harapan niya. Kabisado nito
ang daan palabas e.
"P-Pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ng
binata na napamura sa sarili. Nakalimutan
niyang bulag pala sana siya.
"Nakakakita ka na ba?" ulit ni Jairah. "Bakit
kabisado mo ang daan palabas?"
"Haist! Nakailang beses na akong pumunta
sa hotel na ito, nakikita ko ang daan sa diwa
ko!" depensa ni Angelo kaya natahimik na si
Jairah.
"Oh? Saan na tayo dadaan?" tanong ng
dalaga.
"Hindi ko na alam! Inistorbo mo kasi ako.
Kitang nagco-concentrate ako sa daan e!"
sagot ni Angelo na kunwari ay wala talagang
nakikita. "Ikaw ang magturo sa akin dahil
ikaw ang nakakakita."
"Halika na!" sabi ni Jairah at hinila si Angelo
palapit sa kotse nito.
"Hindi ba't dapat na magpasalamat ka sa
akin dahil tinulungan kita kanina bago ka pa
napahiya?"
"Nangyari sa akin ang lahat ng iyon dahil
pinilit mo akong sumama!" naiinis na sabi ni
Jairah at binuksan ang pinto para
makapasok ang bulag na kasama.
Umikot siya sa kabilang side at pumasok sa
driver's seat. Naikuyom niya ang kamao.
Para siyang lady bodyguard ni Angelo pero
sige lang. Habang nagmamaneho,
napasulyap siya sa katabing binata.
Mananahimik siya tungkol sa nangyari kanina
habang naglalakad sila pero obserbahan niya
ang mga kilos ng mokong. Malakas ang
kutob niyang nakakakita na ito at ginagawa
lang siyang tanga.
Pagdating sa bahay, kaagad na pumasok si
Angelo sa shower room. Naghubad siya at
binuksan ang shower saka binasa ang buong
katawan.
Muntik na siyang mapatalon nang sumulpot
si Jairah sa harapan niya na dahan-dahang
kinuha ang sabon. Napangiti siya sa isip
dahil hubo't hubad ang dalaga. Sumabay ito
sa paliligo sa kaniya. Aminado siyang
maganda ang hubog ng katawan nito. Ang
bango rin. Problema lang ay ang ugali
nitong maldita.
"Kyah!" tili ni Jairah nang hawakan ni Angelo
ang kanang dibdib niya.
"Sorry," paumanhin ni Angelo. "Ba't ka
nandito?"
"Hindi na kita mahintay dahil naiinitan na
ako!" sagot ni Jairah at pinitik ang kamay ni
Angelo. "Pakitanggal ng kamay mo sa boob
ko!"
"Malambot e," pilyong sabi ni Angelo at
hinatak ang dalaga palapit sa hubad na
katawan niya. "I can't help myself--"
Napatigil siya sa pagsasalita nang ipinulupot
ni Jairah ang mga kamay sa leeg niya at
matamis na nginitian siya.
"Hmm? Ilang beses na ba natin ito ginawa
sa ilalim ng shower, Gelo?" nang-aakit na
tanong ni Jairah at lumayo sa katawan ng
binata saka hinimas ang sariling dibdib.
Napalunok ng laway ang binata lalo na nang
ipasok ni Jairah ang sariling daliri sa
pagkababae.
"Damn you!" ani Angelo at hinatak ang
kamay ng dalaga para matanggal ang daliri
sa pagkababae nito. "Ba't ka magsasarili
kung nandito naman ako, babe? Kaya kong
punan ang pangangailangan ng katawan mo,
so stop insulting me!"

"Oooh!" ungol nang dalaga nang
puwersahang ipinasok ni Angelo ang
pagkalalaki sa kaniya matapos siyang isandal
nito sa ilalim ng shower. Malamig ang tubig
pero hindi niya kayang itulak si Angelo dahil
sa pagnanasang nabubuhay sa dugo niya.
"Moan, Jai! Gusto kong marinig ang sigaw
mo habang pinapaligaya kita," bulong ng
binata na nagpatayo ng balahibo ni Jairah sa
batok.
Kung gaano kainit at kapusok ang pag-
angkin ni Angelo sa kaniya, ganoon din ang
galaw na isinukli ni Jairah. Wala naman
siyang choice kundi i-enjoy na lang ang
sayaw ng kanilang mga katawan.
---------------------
Padapang nakahiga si Angelo sa kama.
Pagod na pagod dahil naghihilik pa ito.
Napabuntonghininga si Jairah. Sigurado
siyang nakakita na ito. Kun kailan at paano?
Hindi rin niya alam.
"Matulog ka na," inaantok na sabi ni Angelo
na nakatingin kay Jairah na nakaupo sa
kama.
"Mamaya na," sagot ng dalaga at napatingin
sa blade na nasa ng ibabaw ng mesa. Paano
kaya kung hiwain niya ang mga mata ni
Angelo habang natutulog? O 'di kaya'y
kumuha siya ng matalim na kutsilyo ay
putulin ang source ng kaligayahan nito?
Napailing siya sa naisip. Kinuha niya ang
cellphone at binasa ang lahat ng mensahe
nina Aron at Taira. Pinapauwi na siya ng
mga ito para pag-usapan ang lahat. Ang
sabi pa ni Taira, puwede siyang doon na
muna sa bahay nito pero ayaw niya. Hindi
naman siya hindi niya bet ang asawa nitong
si Sky Villafuerte dahil masaya naman siyang
nagkatuluyan ang dalawa pero naiirita siyang
makita si Sky. Bawat kilos kasi nito, parang
joke. Minsan, hindi na niya alam kung
seryoso na ba ang sitwasyon? O part pa rin
ng kalokohan nito? Si Taira lang yata ang
makapagtiyaga sa lalaking iyon.
"Aray!" reklamo niya nang idantay ni Angelo
ang paa sa tiyan niya. "Ang bigat mo!"
reklamo niya habang tinutulak ang hita ng
binata pero niyakap siya ng kanang kamay
nito.
"Matulog na tayo, Jai. Hindi ako
komportable na gising ka habang natutulog
ako. Lumalabas na nabitin kita at gusto mo
pa ng isang round," nakapikit na sabi ni
Angelo at isiniksik ang mukha sa balikat ng
dalaga.
Hinayaan na ni Jairah si Angelo at
sinubukang matulog kahit na parang kapit-
tuko ito.
Kinabukasan, sabay silang bumaba sa sala.
"Kuya Gelo!" masiglang bati ni Irene na
nakaupo sa sala at tumayo nang makita sila.
"Huwag kang excited!" saway ni Kean sa
asawa at nagulat nang makita si Jairah. "Ano
ang ginagawa mo rito, 'insan? Huwag mong
sabihin, dito ka natulog?"
Napakagat sa ibabang labi si Jairah. Maliban
sa pamilya niya, wala nang nakakaalam na
nandito siya kay Angelo.
"Putang ina! Ano ang ginagawa mo rito?"
pagmumura ni Kean at hinarap si Angelo.
"May ginawa ka bang masama sa pinsan
ko?"
Ngumisi si Angelo para mas lalong maasar si
Kean. Kahit dito na lang, makabawi naman
siya.
"M-May pinag-usapan lang kaming
business," sagot ng dalaga.
"Business?" nagdududang ulit ni Kean.
"Nakapambahay ka lang?"
"Well? Ginabi na siya kahapon at delikado
na ang magbiyahe pauwi dahil wala naman
siyang dalang sasakyan kaya inalok ko na
siyang matulog sa guest room," sabat ni
Angelo.
"O-Oo, kasi sumama na rin ang pakiramdam
ko kahapon. Isa pa, gusto ko nang
magkaroon ng business kaya si Angelo na
ang inalok ko dahil alam mo na, magaling
siyang businessman," segunda ni Jairah para
maniwala ang pinsan. Magaling naman talaga
si Angelo. Kitams? Napaniwala siya nitong
hindi pa ito nakakakita.
"Ayaw kong siya ang ka-business partner
mo!" pagtutol ni Kean. No way!
"Too late, naka-sign na kami ng contract,"
wika ni Angelo at hinarap si Irene. Hanggang
ngayon, ang ganda pa rin nito. "Kumusta ka
na, Irene?"
"Mabuti siya!" sabat ni Kean at hinapit sa
bewang ang asawa. "Sobrang masaya ang
buhay namin lalo na noong hindi ka na
umeksena!"
Humihingi ng pasensiya ang mga mata ni
Irene habang nakatingin kay Angelo dahil sa
inasal ng asawa.
"Hangad ko ang kaligayahan mo, Renren.
Kahit na hindi naman talaga karapat-dapat
ang taong napili mo," nakangiting sabi ni
Angelo.
Napasulyap si Jairah sa binata. Alam niyang
pilit lang ang mga ngiti nito at hindi nito
maikubli sa kaniya ang lungkot sa mga mata.
Mahal talaga nito si Irene.
"Anghel kay Irene pero demonyo sa ibang
babae!" bulong ni Jairah.
"Bakit pala kayo naparito? Maupo muna
kayo," muling alok ni Angelo kaya naupo
silang apat sa sofa. Kaharap nila ang mag-
asawang kahit nakaupo ay naka-
holdinghands.
"Gusto lang po kitang kumustahin dahil
nalaman kong matindi raw ang
pagkakaaksidente mo? Pasensiya na po kung
hindi kita nakamusta dahil busy lang,"
paumanhin ni Irene.
"Busy sa honeymoon namin at pag-aalaga sa
akin at sa unica hija namin," dagdag ni Kean
kaya napa-poker face si Angelo.
"Wala iyon, mabuti na ako kaya wala kang
dapat na ipag-alala," sabi ni Angelo at
nginitian si Irene para hindi na mag-alala
ang kababata. Kilala niya si Irene, hindi ito
matatahimik hanggat hindi nasiguradong
okay lang siya.
"Actually, nabulag siya," malungkot na sabat
ni Jairah kaya napanganga si Angelo.
"N-Nabulag?" ulit ni Irene at napatingin kay
Angelo.
"H-Ha? Ahm..."- Angelo
"Noong kasal mo, bulag pa siya noon pero
sinikap niyang makadalo at ipakita sa 'yo na
okay lang siya dahil nangako siya na dadalo
sa kasal mo kahit na si Kean pa ang groom
mo," pagkukuwento ni Jairah.
"Tama na!" galit na saway ni Angelo.
"T-Totoo ba, kuya?" naiiyak na tanong ni
Irene. Hindi niya alam dahil nang lapitan niya
si Angelo sa reception, okay naman ito.
Hindi makasagot ang binata. Ano na? Paano
niya ipaliwanag ang lahat kay Irene? Ngayon
pa lang, nadudurog na ang puso niya dahil
sa lungkot sa mga mata nito.
Malakas na tumawa si Jairah. "Biro lang,
kayo naman! Siyempre hindi nabulag si
Angelo. Joke lang iyon. Ano ba 'yan,
nasanay na yata ako kay Sky na puro
kalokohan ang alam."
"Sa susunod na mag-joke ka, pakilagay sa
tamang lugar!" sabi ni Angelo at matalim
ang mga matang sinulyapan si Jairah.
"Pinsan?" tawag ni Kean kaya napaharap si
Jairah dito. "Sa susunod na mag-joke ka,
sana iyong seryoso na," sabi ni Kean na
kinurot ni Irene sa tagiliran kaya na-zipper
na ang mga bibig nito.
Nag-usap pa sila pero sina Angelo at Irene
lang ang nag-ienjoy. Ang magpinsan ay
nakikinig lang sa kanila.
"Uuwi na kami, sabay ka na sa amin,
pinsan," alok ni Kean na kanina pa gustong
itakbo ang asawa.
"H-Ha? H-Hinihintay ko pa ang damit ko.
Pinalabhan ko kasi sa katulong kaninang
umaga."
"Ipahatid mo na lang sa katulong nila. O
hayaan mo na dahil marami ka namang
damit," sabi ni Kean. Hindi siya matatahimik
hanggat nandito sa pamamahay ni Angelo si
Jairah.
"M-Mahal kasi ang bili ko no'n. Galing pa
'yon sa France," ani Jairah at napasulyap kay
Angelo para tulungan siya.
"Tinawagan ko na si Aron, susunduin daw
niya si Jairah kaya huwag kang mag-alala,"
sabat ni Angelo. "Aalis din ako ngayon dahil
may business meeting pa ako."
"Sige, siguraduhin mong uuwi ka, ha," sabi
ni Kean at inakay na ang asawa palabas ng
gate dahil hindi niya pinapasok ang
sasakyan.
Nang makalabas na ang mag-asawa, galit na
hinarap ni Angelo si Jairah.
"Bakit mo sinabing nabulag ako?"
"Bakit? Hindi ba?" inosenteng tanong ni
Jairah.
"Alam mong ayaw kong nakikitang nag-
aalala si Irene!"
Ngumisi si Jairah. "Pero buhay ko ang
sinisira mo, Angelo!"
"Buhay mo? Baka nakalimutan mo--" Hindi
niya naipatuloy ang sasabihin at napaatras
nang damputin ni Jairah ang bread knife na
nasa mesa. "Sige! Isaksak mo, para
makulong ka!"
"Paano mo nalamang may hawak akong
bread knife kung hindi ka nakakakita?"
nakataas ang kilay na tanong ni Jairah saka
tinalikuran ang binata.
"Can't I use my other senses?" pahabol ni
Angelo pero nakatalikod na nag-fuck you
sign lang si Jairah.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon