30

1.1K 30 0
                                    


Babysitting A Blind Playboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...
Maingay na alon ng dagat na naghahampas sa dalampasigan, sariwang hangin at tawanan nina Angelo at Gela ang naririnig at nalalanghap niya. Nakaupo si Jairah sa malaking bato na hindi malayo sa mag-ama niya.
Wala siyang makikita pero nai-imagine niya ang paligid. Nasa resthouse sila ngayon sa Batangas na pag-aari ng pamilya ng mga Rodriguez.
Naalala pa ni Jairah na rito sila madalas na magtakbuhan ng mga kapatid noong bata pa sila.
"Nanay? Halika, laro tayo nina Tatay," masayang yaya ni Gela at malakas na tumawa nang kilitiin siya ni Angelo sa gilid. "Nanay si Tatay!" Sumbong niya saka tumakbo palapit sa ina pero naabutan ni Angelo.
"Huli ka, bata!"
Ang lakas ng tili ni Angela kaya hindi na napigilan ni Jairah na ngumiti. Gustuhin man niyang iguhit ang mukha ni Angelo sa diwa na nakangiti pero hindi niya magawa. Hindi pa niya ito nakitang masaya at humalakhak. Pero ngayon, naririnig niya ang totoong tawa nito. Sigurado siyang sobrang saya ng anak. Pangarap kasi nitong makapamasyal sa dagat pero nawawalan siya ng time dahil sa sinimulang negosyo noon sa Negros.
"Gusto mong maligo, Jai?" tanong ni Angelo nang tumakbo si Gela palapit kina Tyron at Aira.
Umiling ang dalaga. "Kayo na lang, baka malunod pa ako."
"Gabayan kita," sabi ni Angelo.
"Ayaw--kyah! Gelo naman, ibaba mo 'ko!"
"Maliligo tayo," natatawang sabi ni Angelo na lumusong na sa tubig.
"Ayaw ko! Angelo, isa!"
"Dalawa, Jai!"
Napayakap si Jairah sa balikat ng binata nang ibaba siya nito sa hanggang bewang na tubig.
"Kapag malunod ako, mumultuhin kita!" pagbabanta ng dalaga. Hinapit siya sa bewang ni Angelo.
"Hindi kita pabayaan, Jai," sabi ni Angelo. "Mahapdi ba sa mukha?"
"Hindi," sagot ni Jairah.
"Pahilom na kasi ang sugat mo. Malapit na 'yan kaya huwag ka nang mag-alala, okay?"
"Makakakita pa ba ako?" tanong ni Jairah. Naramdaman niyang hanggang dibdib na ang tubig.
"Oo naman, makakakita ka pa," sagot ng binata at inipit sa tainga ng dalaga ang buhok na tumatakip sa mukha nito.
"Ano ang panahon?"
"Hmm? Maganda ang kulay asul na langit. Palubog na ang araw at malapit nang humalik sa tubig-dagat. May iba't ibang hugis ng ulap dahil maganda ang panahon sa 'di kalayuan, naglalaro ang anak natin kasama ang mga pinsan sa buhangin habang binabantayan sila nina Sky at Taira," paglalarawan ni Angelo.
"Sina Daddy?"
"Hmm? Ang parents mo ay nag-uusap tapos sina Mandy at Aron ay nag-iihaw ng isda at barbeque."
Alas kuwatro na ng hapon ngayon kaya masarap maligo.
"Gusto mo pang maligo?"
"Ayaw ko. Gusto kong kumain," sagot ng dalaga.
"Masama ba ako kung ayaw kitang dalhin sa tabi ng dagat?"
"Gusto mo na akong lunurin?"
Ngumiti si Angelo at niyakap si Jairah saka hinalikan sa noo. "Hindi. Gusto ko lang na mayakap ka nang matagal."
"Pinupuwersa mo na naman ako?" nakasimangot na sabi ni Jairah kaya tumawa ang binata.
"Para-paraan ang tawag dito, Jai."
"Hmm? Maparaan ka."
Natukod ni Jairah ang malapad na dibdib ni Angelo habang yakap pa rin siya nito sa bewang. Kahit na nasa tubig sila, mabango pa rin ito.
"Gelo? Hindi ba't marami kang babae? Can I ask you something?"
"What is it, Jai?"
Napabuntonghininga muna si Jairah bago magsalita, "Have you ever had sex sa beach?"
Napanganga si Angelo sa tanong ni Jairah. Magagalit ba ito kapag sagutin niya ng totoo? Or mag-aaway na naman sila?
"Okay lang kapag hindi mo sagutin," ani Jairah nang ma-realize ang tanong niya. Wala lang. Naisip lang niya.
"Yes," pag-amin ni Angelo. Nang magkaroon ng outing ang barkada, one of my friends ay lumapit sa akin and may nangyari na sa amin. Lasing kasi kami nang gabing iyon."
"Ah," ani Jairah. "Ano ang feeling?"
"Okay lang. To be honest, hindi ko na maalala. Lasing kasi ako noon at alam mo na, hindi mahalaga sa akin ang sex dahil kaya ko naman iyong makuha kapag ginusto ko kahit na hindi ko pa girlfriend ang babae."
"Fuckboy ka!" ani Jairah. Hindi niya lubos maisip na magpapakasal siya sa lalaking poste na lang yata ang hindi pinapatulan.
"Matagal na iyon at nagbago na ako mula nang mahalin kita." Yumuko siya at pinagmasdan ang dalagang nasa dibdib niya ang mga matang walang nakikita. Kung mas maaga lang sana niyang nakilala si Jairah, e di maaga rin siyang sumeryoso sa buhay.
"Hmm? Huwag na nga tayong maglokohan! Ilan ang nakatalik mo rito sa beach?"
"Isa lang," sagot ng binata.
"Wanna try?" pilyong sabi ni Angelo at mas lalong inilapit sa katawan niya ang katawan ni Jairah. Hindi naman siguro halata na may ginagawa sila kapag pumayag si Jairah?
"Ayaw ko," tanggi ni Jairah.
"Sige na," pangungumbinse ni Angelo nang makaramdam ng init sa katawan. Shit! Si Jairah kasi, nagtanong pa. Kahit na bulag ito, hindi naman nagbago ang katawan. Mas lalong sumeksi pa nga ngayon dahil medyo pumayat kaya ang liit na ng bewang.
"Angelo? Tigilan mo ako. Balik na tayo!" saway ni Jairah. Magkadikit lang ang katawan nila kaya ramdam niya ang pagnanasa nito.
"Naka-boxer shorts ako, Jai. Huwag ngayon, mahahalata nila," pakiusap ni Angelo. Kailangan niyang patahanin ang alaga.
"Ano ang gagawin ko?" tanong ni Jairah.
"Alam mo na 'yon," nakangiting sagot ni Angelo at pinisil ang bewang ni Jairah. Umakyat ang isang palad niya sa loob ng blusa ng dalaga.
"Stop it, Gelo," saway ni Jairah. "Kapag hindi ka tumigil, iiwan kita!"
Tumigil si Angelo at ibinalik pababa ang kamay sa bewang ng dalaga.
"Five minutes. Give me five minutes para humupa si Junjun," pakiusap ng binata at hinalikan ang dalaga sa leeg.
Padiin nang padiin ang halik ni Angelo sa balat niya pero bahagyang inilayo nito ang katawan sa katawan niya.
"Angelo? Huwag kang magmarka sa leeg ko," sabi ni Jairah nang naramdaman ang dila nito na sumisipdip sa leeg niya.
"Uhmmm..." ungol ni Angelo na hindi pa rin tumitigil sa ginagawa. Saka lang niya napansin na hanggang leeg na pala ang tubig sa tinatayuan nila.
Bumaba ang halik ni Angelo sa dibdib niya. Gusto niyang pigilan pero hinayaan na lang niya ito sa gagawin.
"Angelo? Wala akong makita at kapag may nakakakita sa ginagawa mo, malilintikan ka sa akin!" Kinakabahang sabi ni Jairah. Paano kung marami pala ang tao sa paligid at hindi lang nagsasalita? Paano kung nasa harapan lang ang parents niya?
Ngumiti si Angelo. Nakatalikod naman si Jairah sa resthouse at medyo malayo na sila kaya walang makakahalata ng ginagawa niyang paglaro ng mga labi sa malusog na kanang dibdib ni Jairah.
"G-Gelo? Ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ni Jairah. Basta ang sa kanan niya ay bibig ni Angelo at sa kaliwa naman ay palad nito.
Napahawak siya sa ulo ng binata nang halos ibaon nito ang mukha sa boobs niya.
"Hoy, Angelo!"
"B-Balik na tayo, Jai?" sabi ng binata matapos ayusin ang damit ni Jairah.
"Pinatulog si Junjun," natatawang sagot ng binata at hinila na paahon si Jairah.
Walang imik ma sumunod ang dalaga.
"Dahan-dahan lang, madadapa ako," ani Jairah. Para kasi siyang matutumba kapag maglakad. Makahila naman si Angelo parang hindi nakaranas na mabulag.
"Dito ka lang, kukuha ako ng pagkain," sabi ni Angelo matapos siyang paupuin at binalot ng tuyong tuwalya ang katawan.
"Si Angela?"
"Naglalaro pa rin sa tabing-dagat," sagot ni Angelo at iniwan na muna si Jairah.
Naramdaman ni Jairah na may mga yabag na lumapit sa kaniya pero hinayaan niyanh ito ang unang magsalita.
"Kumusta ang paliligo mo?" tanong ni Mandy.
"Okay lang."
"Nag-enjoy ka ba?" makahulugang tanong ni Mandy.
"May meaning ba ang tanong mo, Mandy?"
"Well? Kumusta ang sex?"
"Hindi kami nag-sex!" Hindi naman talaga.
"Ay? Choosy na bulag!" panunuya ni Mandy.
"Ang sakit mong manlait! Ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko?" naiinis na wika ni Jairah. Sanay na siya dapat dito pero minsan, sobrang talas talaga ng dila nito.
"Ayaw ko nga! Ang ganda kaya ng sunset. Sayang lang kapag hindi ko makita. Isa pa, maganda ang anak ko kaya sayang lang kapag hindi ko makita ang mga ngiti niya."
Napayuko si Jairah at nilalaro ang mga daliri.
"Isa pa, hindi ako sanay na mabulag. Pakiramdam ko kasi, nawawalan ako ng silbi sa lipunan," natatawang dagdag ni Mandy.
Nakaramdam si Jairah ng awa para sa sarili at sa kapwa niya bulag. Paano na lang ang mga ipinanganak na hindi na nakakita pa? Paano kaya nila ilalarawan ang mukha ng tao at paligid? Hindi kagaya sa kaniya, bago pa siya nabulag, nakita na niya ang lahat.
"Hindi naman totoo. Marami ang bulag na responsable kaysa sa mga nakakakita," pagtatama ni Jairah. Saludo siya sa mga bulag na kahit may deperensiya, naging matatag pa rin sa buhay at ne minsan, hindi inisip na may kulang sa kanila.
"Exactly," pagsang-ayon ni Mandy.
"Maraming normal na mata na hindi naman nila naa-appreciate ang nakikita nila. Kaya minsan, mas mabuting mabulag na lang sila para ma-appreciate nila ang silbi ng mga mata."
"Masama na ba talaga ako para mangyari ito sa akin?" malungkot na tanong ni Jairah.
"Kulang pa nga 'yan," sagot ni Mandy. "Dapat nalumpo ka pa tapos naputulan ng mga kamay."
"Brutal mo! Ikaw na lang sana!"
Tumawa si Mandy.
"Ikaw na lang. Sayang ang beauty ko, noh! Pasalamat ka pa nga, kinakausap kita!"
"Bakit ba ang sama mo sa akin, Mandy?" naiinis na tanong ni Jairah. Ang brutal ng dila nito e.
"Kasi gusto kitang maging masaya sa paraang hindi madrama," seryosong sagot ni Mandy. "Kung hindi mo kayang makita, pakiramdaman mo na lang, Jai."
"Kaibigan ba talaga kita, Mandy?"
"Bestfriends daw tayo? Nakakasuka noh?" sagot ni Mandy na diring-diri sa sinabi.
Narinig niya ang paglayo ni Mandy sa kaniya.
"Kain ka na, Jai," sabi ni Angelo. "Masarap ang seafoods."
Hindi sumagot si Jairah kaya hinila niya ang silya at naupo sa harapan ni Jairah. "Subuan na lang kita."
"Gelo?"
"Bakit, Jai?"
"Hindi ka ba nagsasawa sa pag-alaga sa akin?"
"Ba't naman ako magsasawa? Kung ang pag-alaga sa 'yo ay isa sa mga bagay na nagpapasaya sa akin?" sagot ni Angelo.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ni Jairah. "Kumg gusto mong umurong sa kasal--"
"Papakasalan kita kahit na habambuhay ka pang hindi makakita," agad na sabi ni Angelo.
"B-Bakit sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin ako iniiwan? Marami pa namang babae riyan," naguguluhang tanong ni Jairah.
"Hindi lahat ng babae ay kaya kong mahalin kagaya ng walang katumbas na pagmamahal ko sa 'yo, Jai."
Hindi na umimik pa ang dalaga at ibinuka ang bibig para masubuan siya ni Angelo. Naging kampante siya at kahit paano, nawala ang takot niya dahil alam niyang nandiyan lang si Angelo para gumabay sa kaniya.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon