25

1K 33 2
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 25

Unedited...
"G-Ginagawa mo rito?" tanong ni Jairah.
Nag-iisa na lang siya sa bahay dahil
pagkagising niya, wala na sina Manang dahil
hinatid nito si Angela sa school.
Alas otso pa lang kaya gusto sana niyang
magwalis sa likod-bahay nang makita niya si
Angelo na naka-white sando at pawisan.
"Morning, Jai," nakangiting NATO ni Angelo
sa dalagang may bitbit na walis tingting.
Ang sexy nito sa maiksing puting shorts at
navy blue na tshirt. Pagod siya sa ginagawa
pero napawi nang makita niya si Jairah. Ang
sabi ni Manang, tulog pa ito kanina kaya
nagsimula siya sa gawain.
"Bakit nandito ka? Ano ang ginagawa mo
rito?" tanong ni Jairah at napasulyap sa
kahoy sa tabi ng binata.
"Nagsisibak ng kahoy para may panggatong
kayo ni Gela," sagot ng binata. Alas sais pa
lang ay nandito na siya para gawin ang
trabaho. "Napuno ko na rin ang drum sa
labas ng bahay para hindi ka na mag-igib
kapag maglaba ka."
Blangko ang mukhang napatingin si Jairah sa
pawisang mukha ni Angelo. Ang taas na ng
tumpok ng kahoy na nasibak nito mula sa
mga kahoy na nasa likod lang ng bahay nila.
"Bakit ka magsisibak ng kahoy para sa amin?
Naka-gasul kami."
Natigilan si Angelo at nabitiwan ang hawak
na palakol.
"Haist! Bakit hindi mo sinabi?"
"Malay ko ba na nagsisibak ka ng kahoy
rito!"
Hinubad ni Angelo ang damit at pinahid sa
pawisang katawan. Lahat ng pagod niya ay
naging double pa sa nalaman. Bakit ba niya
hindi naisip na ang bagay na iyon?
"Ba't ka naghuhubad? Magsuot ka nga ng
damit!" saway ni Jairah.
"Wala na akong damit."
"Bahala ka!" Padabog na bumalik si Jairah sa
loob ng bahay kaya sumunod si Angelo.
"Lumabas ka nga!"
"Jai? Hindi ka ba talaga nadadala sa abs
ko?"
Napatigil si Jairah nang nasa sala na sila at
napatitig kay Angelo mula ulo hanggang
paa.
"Ikaw lang ba ang may abs? Mas maganda
ang abs ng Kuya Aron ko!"
Kahit medyo payaton lang si Aron pero
gusto niya ang abs ng kapatid.
"Mas masarap ang sa akin!"
"Wala ka na bang ibang sasabihin? Maaari
ka nang umalis."
"Jai? Nandito ako para kay Gela. Bigyan mo
naman ako ng pagkakataong makilala ng
anak natin."
Naupo si Jairah sa sofa at nag-cross legs
kaya mas lalong sumakit ang ulo ni Angelo.
Hindi na nga niya makuha-kuha si Jairah
tapos inaakit pa siya nito nang hindi
sinasadya.
"Actually, gusto ko ring pag-usapan natin
iyan. Tutal, nandito ka na rin lang, isuot mo
muna 'yang tshirt mo para makapag-usap
tayo nang maayos."
Muling isinuot ni Angelo ang sando at naupo
sa harapan ni Jairah saka hinintay ang
sasabihin ng dalaga.
"Payag na ako na makilala ka ng anak ko.
Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng karapatan
bilang ama niya pero hindi ang pagsasama
natin sa iisang bubong," panimula ni Jairah
na ikinatuwa ng binata.
"Puwede ko bang ipadala ang apelyido ko
kay Gela?" Iyon na talaga ang hinahangad
niya mula pa noon.
Tumango si Jairah. "Bahala kang mag-ayos
ng lahat. Ipadala mo na lang ang pipirmahan
ko."

"Sige."
Pakiramdam ni Angelo, siya na yata ang
pinakamasuwerteng ama sa buong mundo.
Sa wakas, magkakaroon na siya ng
karapatan sa anak niya. Alam niyang
nakaraan na iyon pero hindi niya maiwasang
malungkot. Sana naranasan din niyang
pakinggan ang heartbeat ni Angela habang
nasa sinapupunan pa ito ni Jairah. Pero
sapat na ang nangyayari ngayon para
maging masaya siya.
"J-Jai?"
"What?"
"Hindi ba talaga sumagi sa isip mo na baka
puwedeng magpakasal at magsama tayo
kahit para kay Angela lang?" Lipad sa hangin
na sabi ni Angelo. Sana lang ay magbago pa
ang isip ng dalaga. Hindi ba baleng
pakisamahan siya nito para lang sa anak nila.
"Malaya ka kapag ganito tayo, Gelo. May
karapatan ka na kay Angela, malaya ka pang
mambabae. Hindi ba't mas ikaw ang
makinabang sa setup na ito?"
"No, Jai," seryosong sagot ni Angelo. "Mula
nang aminin kong mahal kita, hindi na
sumagi sa isip ko ang pambabae. Sapat na
sa akin na may dalawang babae sa buhay ko:
ikaw at si Angela."
"Huwag mo nang isipin ako, si Angela na
lang."
"Paanong hindi? Kung mahal kita? Kung sa
bawat galaw ko, ikaw ang iniisip ko? Alam
mo bang nahihirapan din ako, Jai? Kung sa
tingin mo ay okay lang, sinasabi ko na sa
'yo, hindi talaga okay. Kahit kailan, hindi
okay na hindi mo ako mahal!" desperadong
sabi ng binata kaya napabuntonghininga si
Jairah.
"I wish I could love you," malungkot na
sagot ng dalaga.
"May anak naman tayo at minsan na tayong
nagsama, 'di ba? Kung natiis mo ako noon,
bakit hindi ngayong may anak na tayo?"
pangungumbinse ni Angelo. "Umuwi ka lang,
gagawin ko ang lahat para maibigan mo."
"Pag-isipan ko," sagot ni Jairah, "pero
ngayon, umuwi ka na muna dahil ayaw kong
makita ang pagmumukha mo."
Tumayo ang binata at ngumiti kay Jairah.
"Aasahan ko na sasama ka sa akin sa
Maynila. Pero aayusin ko muna ang birth
certificate ng anak natin."
Nakalabas na si Angelo kaya lumapit si
Jairah sa kusina at naghanda ng peanut
butter sandwich at nagtimpla ng gatas.
"Kaya ko ba?" tanong niya sa sarili at
kinagat ang sandwich. "Kaya ko bang
pakisamahan ang taong simula't sapol, hindi
ko minahal? Kaya ko bang makisama sa
kaniya nang dahil lang sa may anak kami?"
Alam ng puso niya ang sagot. No, hindi niya
kaya. Walang puwang si Angelo sa puso niya
pero nang dahil kay Angela, nagkaroon ito
ng karapatan sa buhay niya.
Matapos niyang kumain, isinalang niya ang
labahan nila sa washing machine at kinuha
ang drawing book saka gumuhit ng mga
damit pambata. Ipagpatuloy niya ang
paggawa ng mga damit kahit wala na siyang
shop. Dito na lang sila sa bahay niya
gagawa ng mga damit. Tutal, may suki na
rin naman siya.
"Nanay?" tawag ni Angela na patakbong
lumapit sa kaniya na sinusundan ni Manang.
"Look oh, may three stars ako." Ipinakita
nito ang notebook na may "very good" ng
guro.
"Wow, very good," puri ni Jairah at hinalikan
sa pisngi ang anak. "Ang bantot na ng baby
ko, magpabihis ka na kay Yaya."
"Nanay? Gusto ko po ng tatay," nakalabing
sabi ni Angela habang nakatingala kay
Jairah.
"Magkakaroon ka na ng tatay," sagot ni
Jairah.
"Umuwi na po si Tatay? Sabi niya kanina,
hihintayin niya po ako e."
Napatingin si Jairah kay Manang.
"Nakita kasi niya si Sir kaninang paalis na
kami," ani Manang.
"Ah, pakipalitan lang po si Angela, puno na
po siya ng pawis, eh."
Ipinagpatuloy ni Jairah ang pagguhit habang
nag-iisip.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon