12

1.1K 36 0
                                    

BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 12

Unedited...
"Nasa baba si Angelo," sabi ni Aira sa anak.
"Ano ang ginagawa niya rito?" walang
ganang tanong ni Jairah. Isang linggo na
silang hindi nagkikita mula nang may
nangyari sa kanila.
"Nagkatampuhan daw kayo kaya gusto
niyang humingi ng paumanhin," sagot ni
Aira. Humingi na si Angelo ng pasensiya sa
kanila ni Tyron sa ginawa nito kaya
naintindihan naman nila.
"Paumanhin niya mukha niya! Pauwiin niyo
na po ang bulag na 'yon!" galit na sabi ni
Jairah.
"Jairah naman! Hindi ganiyan ang tamang
pagturing sa kasintahan mo lalo na kung
may kapansanan ang tao! Matuto kang
makinig sa rason niya!" pagbibigay payo niya
kay Jairah. Sa tatlong anak niya, si Jairah
lang talaga ang matigas ang ulo at madalas
na hindi nakikinig sa kanila ni Tyron.
"Rason? Wala na kaming dapat na pag-
usapan pa, mommy!" sagot ni Jairah. Ano na
naman kaya ang pinagsasabing
kasinungalingan nito sa mga magulang niya
at naging mabait ang mga ito kay Angelo?
"Wala namang masama na uminom si
Angelo. Paminsan-minsan, normal lang iyon
sa isang lalaki kaya huwag mo siyang
pagbawalan. Isa pa, nagsisisi naman siya sa
ginawa niya sa 'yo," sabi ni Aira. Ang sabi ni
Angelo, nagalit si Jairah dahil uminom ito
noong nakaraang araw kasama ang barkada
nito.
"Nasaan siya?" tanong ni Jairah na ang dugo
ay naglulumapaw na sa ulo. Mapapatay niya
si Angelo kapag makaharap niya ito.
"Nasa baba," sagot ni Aira kaya padabog na
lumabas si Jairah sa kuwarto at bumaba sa
hagdan.
"Hoy! Ano ang ginagawa mo rito?" tanong
niya kay Angelo nang makitang nakaupo ito
sa sala.
Tumayo ang binata saka ngumiti sa kaniya.
"Sweetheart," sabi ni Angelo nang marinig
ang galit na boses ni Jairah. Dinampot niya
ang box na nasa gilid lang niya.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Sorry sa ginawa ko last week. Alam kong
galit ka dahil uminom ako, sweetheart,"
nakangiting paumanhin ni Angelo saka
inabot kay Jairah ang box. "Para pala sa 'yo,
swetheart."
"Umalis ka na sa pamamahay namin, bulag
ka! Ano ang tingin mo sa akin, tanga? Hindi
pa ako bulag para magkaroon ng
kasintahang bulag!" singhal ni Jairah. Gusto
na niyang matapos ang lahat ng ito para
mawala na ang kalbaryo niya sa buhay.
"Jairah!" galit na saway ni Tyron. Palabas na
siya nang marinig ang pinagsasabi ng
kaniyang anak. Kahit siya, nabigla sa
pinagsasabi nito. "Hindi naman yata tama na
bastusin mo ang may kapansanan sa harapan
namin?"
"Pero dad? Hindi--"
"Tama na!" galit na sabi ni Tyron. "Humingi
ka ng patawad kay Angelo!"
"Ayaw ko!" tanggi ni Jairah. Hindi niya
kayang humingi ng kapatawaran sa taong
alam niyang nagkukunwari lang.

"Okay lang po, Tito Tyron. Kasalanan ko
naman po talaga kung bakit nagalit ang anak
ninyo," malungkot na sabat ni Angelo.
"Hayaan ho ninyo, palipasin ko na lang muna
ang galit niya. Pasensiya na po sa abala."
Naikuyom ni Jairah ang mga kamao habang
nakatitig kay Angelo. Shit! Best actor ang
bulag. Paano kaya nito nabasa ang script sa
mga pelikula? Sarap tusukin ng blade ang
mga mata para hindi na talaga makakita.
"Dad? Puwede ho bang mag-usap muna
kami ni Angelo?" pakiusap ni Jairah. "Iyong
kami lang po? Respeto lang po sa privacy
namin?"
Natigilan si Tyron sa mataray na pakiusap ng
anak sa kaniya. Wala na talaga itong galang
sa kaniya. Paano pa kaya kapag si Angelo
na? Mula noon, walang makakapigil kay
Jairah. Sobrang tigas ng ulo nito at
nawawalan ng respeto sa nakakatanda.
"Ayusin mo ang buhay mo!" sabi ni Tyron at
iniwan ang dalaga para puntahan si Aira.
"Ano ang kailangan mo at sinadya mo pa
ako rito, Angelo?" tanong ni Jairah nang sila
na lang ang maiwan sa sala.
"Regalo ko," sabi ni Angelo at muling inabot
ang regalo kay Jairah na hindi kinuha ng
dalaga kanina.
"Salamat!" galit na sabi ni Jairah at inabot
ang regalo ni Angelo. "Ano 'to? Pampalubag
loob?"
"Oo," prangkang sagot ni Angelo. "Baka lang
naman magustuhan mo ang Gucci shoes na
'yan." Sinabi ni Oscar na mahilig si Jairah sa
sapatos dahil puro sapatos ang nasa Insta
nito. Dagdagan pa na bff sila ni Mandy.
Napatitig si Jairah sa hawak na regalo ni
Angelo. Mukhang sapatos nga.
"Latest edition?" tanong niya na nakataas
ang kilay.
Ngumiti si Angelo. "Latest edition."
"Salamat. Pero para saan ito?" tanong ni
Jairah.
"Kabayaran sa isang masarap na gabing
kaniig ka," mahina pero prangkang sagot ni
Angelo. Malakas ang pakiramdam niya kaya
sigurado siyang walang nakakarinig sa kanila.
"Puta ka!" singhal ni Jairah saka tumayo at
hinampas sa dibdib ni Nagelo ang hawak na
box.
"Hey! Ano ba!" saway ni Angelo na
sinusubukang protektahan ang mukha.
"Sweetheart, tama na! Masakit!"
"Sweetheart mo mukha mo!" singhal ni
Jairah. "Umalis ka na sa pamamahay namin
at kalimutan mo nang magkakilala tayo!
Patas na tayo!"
"At sa tingin mo, matatakasan mo ako?"
tanong ni Angelo. Mabuti na lang dahil
tumigil na si Jairah sa pagwawala. Masakit
din ang box.
"Bayad na ako, Angelo! Sobra-sobra na
nga!" Hindi niya inakalang aabot sila sa
puntong virginity niya ang isa sa kabayaran
sa nagawang pagkakamali niya noon.
"Ang ginawa mo lang ay bantayan ako kaya
walang sobra doon, sweetheart. Kung
tutuusin, kulang ka pa nga," sagot ng
binata.
"At ano ang tingin mo sa nangyari sa atin?"
galit na tanong ni Jairah. Ilang gabi rin
niyang iniyakan ang nangyaring pagkakamali.
"Ang tungkol sa nangyari sa atin, part iyon
ng pagiging magkasintahan natin.
Pananagutan ko iyon kung iyan ang
ikinababahala mo," sagot ni Angelo.
"Anong pananagutan?" bulalas ni Jairah.
"Ay? Ayaw mo? Ano ang gusto mo?
Magpasalamat na lang ako dahil ibinigay mo
sa akin ang virginity mo?" hindi
makapaniwalang tanong ni Angelo saka
napangisi na ikinangitngit ng galit ni Jairah.
"Stop it!" saway ni Jairah. Ginigigil talaga
niya ng bulag na 'to. "Kalimutan mo na ang
nangyari! Patas na tayo at ayaw na kitang
makita pa kahit kailan!" galit na sabi niya.
Wala na rin naman. Nangyari na ang
nangyari kaya magmo-move on na lang siya.
Or maybe, magpapatahi siya ulit para kapag
mag-asawa siya, duduguin pa rin siya. Tama.
Iyon na lang ang gagawin niya.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon