29

990 26 0
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 29

Unedited...
"Jai!" sigaw ni Angelo nang pagpasok niya ay
nasa sahig si Jairah. Nasa tabi nito ang
maliit na mesang natumba rin. Mabilis na
inalalayan niya ang dalaga patayo at pinaupo
sa kama.
"M-May masakit ba sa 'yo? I'm sorry kung
iniwan kita," paumanhin niya. Natutulog pa
kasi ito kaya pinakain na muna niya ang anak
nila.
"Bakit hindi mo na lang kaya ako iwan,
Angelo?"
"I can't," mabilis na sagot ng binata at
naupo sa tabi ni Jairah. "Hindi kita kayang
iwan lalo na ngayong kailangan mo ako."
Yumuko si Jairah at nilaro ang mga daliri
niya. Naramdaman niya ang kamay ni Angelo
na kumuha ng mga kamay niya at pinisil ito.
"Makakakita ka rin, Jai. Temporary lang
naman daw ito kagaya ko. Sundin mo lang
ang sabi ng doctor, okay?" May homecare
doctor sila na palaging bumibisita kay
Jairah.
"What if hindi na ako makakita, Angelo?"
tanong ng dalaga.
"Think positive."
"What if hindi na nga? Paano kung
habambuhay na akong mabulag?"
"Habambuhay rin kitang alagaan, Jai. Dito
lang ako parati sa tabi mo."
Hinila ni Jairah ang mga kamay at inangat
hanggang sa makapa ang mukha ni Angelo.
She traced his eyebrows, nose down to his
pouty lips. Nakikita niya sa diwa ang mukha
ng binatang may expressive eyes pero bago
pa siya nawalan ng paningin, puro lungkot
na lang ang nakaukit sa mga mata ni Angelo.
"Gaano mo ako kamahal, Angelo?" tanong
niya at binawi ang mga kamay.
"Hindi ko rin alam," sagot ng binata. "Basta
mahal lang kita at masaya ako kapag
inaalagaan kita, Jai."
"Maraming magagandang babae riyan, bakit
ka magtitiis sa akin kung palagi na lang
kitang sinisigawan? Hindi kita mahal pero
bakit hanggang ngayon, nasa tabi pa rin
kita? Ne hindi ko nga nakikita ang effort mo
mula nang sinabi mong nagbago ka na,"
mahinang tanong ni Jairah na sinubukang
idilat ang mga mata at hanapin ang liwanag
pero wala talaga.
Ang mundo niya ay kasing kulay ng puso
niya. Madilim. Ngayon lang niya na-realize
na hindi naman talaga niya naramdaman na
naging masaya siya sa buhay. Ne hindi niya
nakikita ang pagmamahal ng pamilya at
kaibigan niya sa kaniya. Kahit si Mandy na
itinuring niyang matalik na kaibigan, hindi
niya nakita ang pagmamahal nito sa kaniya.
Wala naman palang pagmamahal sa puso ng
babaeng iyon. Basta bestfriend niya lang si
Mandy. Tapos.
"Hindi mo nakikita dahil iba naman ang una
kong pinakita sa 'yo," sagot ni Angelo
habang nakatitig sa bilugang mukha ng
dalaga. Paunti-unti nang humihilom ang
sugat sa pisngi nito. Hindi lang nila
mapaayos dahil ayaw nitong pumunta sa
hospital.
"Kung hindi ko naipakita, sana bigyan mo
ako ng chance para maiparamdam sa 'yo ang
pagmamahal ko, Jai," pakiusap ni Angelo.
"S-Si Gela?" pag-iiba ng dalaga.
"Nasa baba, naglalaro."
"Sana hindi niya ako ikahiya. Sana hindi siya
mandiri sa akin dahil bulag ako," malungkot
na sabi ni Jairah.
"Hindi naman. Sabi niya, tutulungan ka
niyang gumaling para makagala na kayo,"
nakangiting sabi ni Angelo. Naalala niyang
sinusubukang subuan ni Gela si Jairah
kahapon.
"Ayaw kong maging pabigat, Gelo," sabi ni
Jairah.
"Hindi ka naman pabigat, Jai. Masaya akong
inaalagaan ka," sagot ng binata. Medyo
napakalma na niya si Jairah at nakumbinseng
kumain.
"Gusto kong mag-CR, naiihi ako," wika ng
dalaga kaya tumayo ang binata at hinawakan
ang kamay niya.
Sumunod siya kay Angelo pero naroon pa
rin ang takot na baka mabunggo siya. Sa
tuwing tatayo siya, natutumba siya dahil
para siyang naglalakad sa napakamaliit na
tulay at nawawalan siya ng balanse kaya
mahuhulog siya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at
iginiya siya ni Angelo sa pagpasok sa banyo.
"Nakatayo ka na sa tapat ng toilet kaya
lalabas na ako," paalam ni Angelo kaya
tumango si Jairah. Kapag maligo siya,
iniiwan din siya ni Angelo. Kaya naman
niyang maligo kahit na wala siyang nakikita.
"Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na.
May tisyu naman at nasa right side ang
basurahan."
Medyo kabisado na niya ang banyo kaya
wala na siyang problema.
Nang maramdaman niyang nasa labas na si
Angelo, umihi na siya.
Nang mag-flush ang toilet at tumawag si
Jairah, saka naman pumasok si Angelo at
ginabayan ang dalaga palapit sa kama.
"Puwede mo ba akong dalhin sa veranda?
Gusto kong makalanghap ng sariwang
hangin," tanong ng dalaga kaya napangiti si
Angelo.
"Oo naman."
Nang nakalabas na, hinila niya ang upuan at
pinaupo ang dalaga.
Napapikit si Jairah. Pikit o dilat, pareho lang
naman na wala siyang makita. Pero naamoy
niya ang preskong hangin lalo na ang
halimuyak ng bulaklak sa hardin.
Naramdaman niya ang malamig na bagay sa
kanang tainga niya.
"Masarap maupo habang nakikinig ng music,
Jai," sabi ni Angelo na nakakonekta sa
kaliwang tainga niya ang kapares ng
earphone sa tainga ni Jairah.
Hindi nagsalita ang dalaga at pinakinggan
ang malamyos na musika.
"Wala ka bang trabaho?"
"Wala," pagsisinungaling ni Angelo.
"Paano mawalan ng trabaho ang isang
CEO?" tanong ni Jairah. Obvious naman na
nagsisinungaling lang ang binata. "Huwag
mong pabayaan ang trabaho mo nang dahil
lang sa akin."
"I have my priorities and ikaw ang top
priority ko," sagot ng binata. "Kayo ni Gela."
"Hindi na matutuloy ang kasal natin, bulag
na ako," pag-iiba ng dalaga.
"Papakasalan pa rin kita kahit na mapilay ka
pa," sagot ni Angelo kaya automatic na
napaangat ang kanang kilay ni Jairah.
"Bulag tapos pilay? Grabe ka naman sa akin,
Angelo!"
Ngumiti ang binata. "Biro lang."
"Gusto mo talagang mawalan ako ng silbi,
ano?"
"Para magkaroon naman ako ng silbi sa
buhay mo."
Biglang natahimik ang paligid. Pinagmasdan
lang ni Angelo ang mukha ng dalaga. At
least ngayong bulag ito, malaya niyang
nagagawa ang gusto niya.
Naramdaman ni Jairah ang pagtayo ni
Angelo at paglayo ng mga yabag nito.
Nasa veranda siya at hindi na niya alam kung
saan ang daan pabalik sa loob ng bahay.
Paano kung mahulog siya? Sinubukan niya
pakalmahin ang sarili. Hintayin na lang
siguro niyang may katulong na lumapit para
tulungan siya. Napagod na ba si Angelo sa
pag-aalaga at pag-intindi sa kaniya kaya siya
nito iniwan? Tinanggal niya ang earphone
para marinig ang nasa paligid. Gusto niyang
tumayo pero natatakot siya.
Matapos ang dalawang minuto, narinig niya
ang mga yabag ng binata.
"Kumuha ako ng merienda, kumain muna
tayo," sabi ni Angelo at inilapag sa maliit na
mesa ang dalagang buko pie at 7-UP.
Napasulyap siya sa namumutlang pisngi ni
Jairah.
"M-May problema ka ba, Jai?"
Umiling si Jairah na nakatingin sa malayo.
"Gusto mo ng buko pie? Subuan kita."
"Akin na at ako ang kakain," sagot ng dalaga
kaya kinuha niya at inilagay sa kamay ng
dalaga.

"Be careful, medyo mainit pa 'yan," sabi niya
at kumuha rin ng isa.
"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na kukuha
ka ng merienda?" tanong ni Jairah kaya
napatingin si Angelo sa dalaga.
"Akala ko, nakikinig ka ng music," sabi ni
Angelo. Hindi na sumagot pa si Jairah at
sinimulang kumain ng buko pie.
"Huwag mo akong titigan, Gelo," sabi ni
Jairah kaya napangiti ang binata at kinagat
ang hawak na buko pie.
"Hmm? Paano mo nalamang nakatitig ako sa
'yo?"
"Nararamdaman ko kaya huwag ka nang
mag-deny!" sagot ni Jairah at kinapa ang
softdrinks sa harap. Inilapit naman ito ni
Angelo sa kamay niya.
"At least nararamdaman mo na ako," sabo ni
Angelo at inagaw kay Jairah ang 7-UP in can
saka binuksan.
Nang makainom si Jairah,
napabuntonghininga siya.
"Jai? Nagmahal ka na ba?" tanong ni Angelo.
Matagal bago sumagot ang dalaga pero
naghintay pa rin siya.
"Nagmahal ako pero hindi ako minahal,"
malungkot na sagot ng dalaga.
"S-Sino? May first love ka pala," tanong ng
binata. Nakaramdam siya ng selos sa taong
iyon.
Mapait na ngumiti ang dalaga. "Family ko,"
tipid na sagot niya kaya natahimik si Angelo
at napatitig na naman sa mukha ng dalaga.
"Mahal ka naman nila."
"Hindi ko naramdaman," sagot ni Jairah.
"Ang luho ko ang palagi nilang
pinagbibigyan pero dahil lang naman iyon sa
pagiging pasaway ko. Binibigyan nila ako ng
mga gusto ko para manahimik na ako pero
hindi kusa at hindi bukal sa kalooban nila."
"Mahal ka ng mga magulang mo," ani
Angelo.
Tumango si Jairah. "Mahal nila ako pero
hindi ko lang siguro naramdaman."
Hindi humihingi sina Aron at Taira kaya kusa
itong binibigyan ng mga magulang. Kapag
humingi siya, palagi siyang sinasagot ng
mga ito na marami na raw silang naibigay sa
kaniya. Lahat ng natatanggap niya ay puro
hingi.
"Na-misinterpret mo lang sila," sabi ni
Angelo.
"Maybe," sagot ng dalaga.
"I love my daddy so much. I love them both.
Ilang taon kaming iniwan nila noong bata pa
kami. My dad gave us everything. Naiinggit
ako kay Kuya Aron dahil matapang siya kahit
na half-brother ko lang siya. Si Taira, kahit
na ganoon siya, mahal siya ni Sky mula noon
pa. Pero ako, palagi na lang masama ang
tingin ng ibang tao sa akin. Aminin mo,
ayaw mo rin sa akin noong una,"
pagkukuwento ng dalaga kaya naalala ni
Angelo ang una nilang pagkikita sa
Westbridge.
"Pero kung nang dahil sa pagmamaldita mo,
minahal kita, Jai."
"Pero marami kang babae. Pinilit mo pa
akong alagaan ka tapos dinadala mo pa ako
sa mga panliligaw mo," naiinis na sabi ni
Jairah kaya napakamot sa ulo si Angelo.
"Pinilit mo pa akong makipagtalik sa 'yo."
"Nagsisi na ako sa ginawa ko noon. Hindi pa
kasi ako sigurado sa feelings ko sa 'yo kaya
dinaan kita sa santong paspasan kasi hindi
mo naman ako patulan kapag hindi kita
pilitin."
"Hindi naman talaga!" wika ni Jairah.
Natahimik na si Angelo. Ano pa nga ba ang
masasabi niya? Alam naman niyang sapilitan
lang ang kasal nila ni Jairah.
Niyaya na ni Jairah ang binata na pumasok
na.
"Magpapalit lang ako," sabi ni Jairah.
"Sige. Maupo ka muna, kukunin ko lang ang
damit mo. Ano ang gusto mo?"
"Cotton shorts lang at tshirt."
"Panty at bra?"
"Mamaya na ako magpapalit bago matulog."
Tumango si Angelo at lumapit sa closet ng
dalaga saka kinuha ang mga damit.
"Okay na 'yan, maayos na," sabi niya at
inilagay sa kamay ni Jairah ang hawak na
damit.
Sinimulang hubarin ng dalaga ang suot na
damit kaya iniwas ni Angelo ang mga mata
pero natutukso siyang tingnan ang katawan
ni Jairah.
"Hindi ba't mali ang mambuso sa isang
bulag?" tanong ni Jairah habang nagsusuot
ng shorts.
"Can't stop my eyes."
"Psh! Bakit ganiyan kayong mga lalaki?"
"Depende lalo na kapag may masilip naman
talaga kami," sagot ni Angelo at tinulungan
si Jairah na magbihis ng tshirt.
"Kaya ko na," sabi ni Jairah. "Huwag mo na
akong tulungan. Noong ikaw ang bulag,
hinuhubaran mo ako tapos ngayong nakakita
ka na, binibihisan mo na ako."
Natawa si Angelo at niyakap ang bewang ni
Jairah. "Kasi ayaw kitang samantalahin
ngayon. Hayaan mo, kapag makakita ka na,
araw-araw na kitang hubaran," biro niya.
"Nakaka-stress ka, Gelo!" nakasimangot na
sabi ni Jairah at hinayaang yakapin siya ni
Angelo.
"Jai?"
"Ano?"
"I love you," bulong ni Angelo at hinalikan
ang makinis na leeg ng dalaga. Walang
sagot mula kay Jairah. Napatingin siya kay
Gela na patakbong lumapit sa kanila kaya
humiwalay siya kay Jairah at binuhat ito.
"Tatay? Dito po ako matulog mamaya," sabi
ng bata.
"Sige," sagot ni Angelo.
"Dito ka rin po matulog, tatay, ha? Bantayan
natin si Nanay, baka mahulog siya sa kama,"
nakangusong sabi ni Angela kaya napasulyap
si Angelo kay Jairah na naupo sa kama.
"Sige, tabi tayong tatlo mamaya," pagpayag
ni Angelo. Alam niyang hindi tututol si
Jairah kapag anak na nila ang request.
"Tatay?"
"Hmmm?"
"Gusto ko po ng kapatid," request ni Angela
kaya napasimangot si Jairah.
"Turuan mo pa ang anak natin, Angelo!"
naiinis na sabi ni Jairah.
"Hala, wala akong itinuro sa kaniya,"
inosenteng sagot ni Angelo.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon