4

1.1K 40 1
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

Unedited...
"Kumain ka na sabi!" naiinis na sabi ni Jairah.
Paano, sabi nito, kakain tapos nang dalhan
niya ng pagkain, aayaw-ayaw naman.
"Wala na akong gana. Ilagay mo na lang
diyan sa ibabaw ng mesa," sagot ni Angelo.
"Kung ayaw mong kumain, bahala ka!"
Naiinis na kinuha ni Jairah ang plato at
dinala sa kusina.
Nakikinig lang ng balita si Angelo. Nafru-
frustrate na rin siya dahil gusto na niyang
makakita pero hindi niya magawa.
Naramdaman niya ang pag-upo ni Jairah sa
dulo ng couch na inuupuan niya. Ang kilos
at kagaspangan ng galaw nito ay nagiging
familiar na sa kaniya.
"Shit! Huwag mong ilipat!" reklamo ni
Angelo nang si Doraemon na ang nagsalita.
"Gusto kong manood!" ani Jairah.
"Nakikinig ako ng balita!"
"Radyo ang gamitin mo!" wika ni Jairah at
ipinatong ang mga paa sa center table.
"Ano ba ang problema mo, Jairah?" galit na
tanong ni Angelo. Mula nang dumating ito
kanina, puro padabog ang kilos nito.
"Wala akong problema!" pasinghal na sagot
ng dalaga at napapadyak pa ang mga paa sa
mesa.
"Kapag mabasag ang salamin ng mesa,
babayaran mo 'yan!" pagbabanta ni Angelo,
"Ano ba talaga ang problema mo?"
"Wala nga sabi! Huwag mo akong kausapin!"
"Ayaw mong aminin?" tanong ni Angelo at
umusod palapit sa dalaga.
"Huwag kang lumapit sa akin! Ano ba!"
"Ano nga ang problema mo at ganiyan ka na
naman?" tanong ni Angelo. Kahit hindi niya
nakikita ang dalaga, alam niyang parang
tinubuan na ng sungay ang mukha nito.
"Wala nga sabi. Mind your own business!"
"Ayaw mong aminin? Hahalikan kita!"
pagbabanta ng binata kaya nanlaki ang mga
mata ng dalaga at napatingin sa binatang
wala man lang kangiti-ngiti sa katawan.
"'Yan! 'Yan ang hirap sa 'yo, Angelo! Bulag
ka nga pero manyakis naman!" singhal niya
saka hinampas ito ng cushion sa balikat.
"Sadista ka talaga! Kaya nga muntik mo na
akong mapatay!" sabi ni Angelo na
sinasangga ang paghampas ng dalaga.
Nakikita naman niya dahil sa pressure na
nasa paligid. Isa pa, madali lang hulaan kung
saan siya patatamaan ni Jairah. "Aray! Tama
na, masakit!"
"Manyak ka! Walang hiya!" galit na sabi ni
Jairah at tumigil na dahil napagod.
"Bakit? Galit ka pa rin ba sa akin dahil
hinalikan kita?" nakangising tanong ni
Angelo na humarap kay Jairah.
Nararamdaman niya ang matalim na mga
titig nito sa kaniya kaya mas lalo siyang
tumawa. "Or dahil nanakaw ko ang first kiss
mo?" biro niya. Ilang segundo ang nakalipas
pero wala siyang narinig mula kay Jairah.
"Oh men, first kiss mo? Totoo, Jairah?"
natatawang tanong niya.
"Kapal ng mukha mo!" tanging nasabi ni
Jairah. "Manyak na bulag!"
"Ako ang first kiss mo? Buhay nga naman.
Partida bulag pa ako niyan," pang-aasar ni
Angelo kaya mas lalong kumulo ang dugo ni
Jairah.
"Kapal ng mukha! Sino ang maniniwala sa
'yo? Eh, bulag ka?" ani Jairah na sukdulan
na ang inis.
"You can deceive them pero hindi sa ating
dalawa," dagdag pa ni Angelo. "Paano na
lang kaya kapag nakakita ako? E di ako ang
naka-first blood sa 'yo?"
"Mangarap ka!" sabi ni Jairah at inilipat ang
channel. Tawa naman nang tawa si Bulag.
"Tumahimik ka na nga, bulag!"
"Ikaw lang ang babaeng walang awa sa mga
bulag," sabi ni Angelo. Ne hindi pa nito
naisip na nang dahil sa kapabayaan nito ang
dahilan kung ba't siya nabulag?
"Wala naman talaga akong awa lalo na kung
bulag na nga, manyak pa!"
"Tama na nga, Jairah. Ang ingay mo sa
tainga," napipikang saway ni Angelo at
kinuha ang baston saka tumayo. Kailangan
niyang pumunta sa banyo para maligo.
"Pakiayos ng isusuot ko sa ibabaw ng kama."
"Puwede bang kumuha na lang ako ng
katulong para gumawa ng mga ipinapagawa
mo sa akin? Pareho lang naman iyon e,"
tanong ni Jairah.
"Puwede rin," sagot ni Angelo.
"Talaga? Yehey! Sige, hanap na lang ako
para makasimula na siya bukas!" masayang
sabi ni Jairah. Sa wakas, may solusyon na
siya sa problema. Ba't ba hindi niya naisipan
ito noon?
"Oo naman. Basta ikaw, makukulong ka,"
sabi ni Angelo kaya paunti-unting nabubura
ang mga ngiti sa mga labi ng dalaga. "Dito
ka lang, maliligo muna ako."
Nang maisara ni Angelo ang pinto,
pinagsusuntok ni Jairah ang sofa sa sobrang
inis para kahit paano, mabawas-bawasan
ang galit niya.
"Kapal ng mukha! Sana natuluyan ka na lang
noon nang maaksidente ka!" pagmamaktol
niya at naupo sa sofa.
Inabala na lang niya ang sarili sa panonood
ng pelikula sa Youtube.
"Nasaan ang isusuot ko, Jairah?"
"Nasa closet."
"Hindi ba't ang sabi ko, ihanda mo?"
Tumayo si Jairah at mabibigat na mga
hakbang ang ginawa palapit sa closet.
Bubulong-bulong pa ito habang naghahanap
ng damit ni Angelo.
"Shorts lang at plain tshirt, okay na.
Pambahay lang naman."
Matapos ang limang minuto, lumapit si
Jairah sa binata. "Ayan, isuot mo na 'yang
damit mo!"
"Pasuotan mo ako," sabi ni Angelo at
tumayo saka hinubad ang roba.
"Kyah! Manyak ka!" tili ni Jairah an kaagad
tumalikod. Wala siyang nakita. Wala talaga.
"Naka-boxer shorts ako kaya huwag kang
mag-inarte riyan!" sabi ni Angelo. Agad na
humarap si Jairah sa binata.
"Bihisan mo ako at puwede ka nang umuwi,"
sabi ni Angelo.
"Sure ka?"
"May isa akong salita, Jairah."
Lumapit si Jairah sa binata at pinaupo ito sa
kama.
"Itaas mo ang mga kamay mo," sabi ng
dalaga kaya sumunod naman si Angelo para
maiusot ang gray tshirt.
Naiilang na ipinasuot niya ang shorts nito.
Pino ang balahibo nito sa binti at ang puti
pa. Ne wala ring peklat kahit isa. Alagang-
alaga nito ang balat.
"Paano kaya niya na-maintain ang katawan
gayong bulag naman siya?" tanong ni Jairah
sa sarili.
Walang pasabing tumayo si Angelo at itinaas
ang shorts.
"Puwede ka nang umalis, salamat sa
pagpunta," sabi ni Angelo.
"Kailan ako babalik?" tanong ni Jairah.
"Tatawagan kita o ni Oscar," sagot ni
Angelo. "Kapag makita mo si Oscar sa baba,
pakisabing puntahan niya ako rito."
"Okay," masayang lumabas na si Jairah sa
silid nito at naiwan si Angelo.
Lumabas ang binata at naupo sa sala.
Napamura siya nang hindi makapa ang
remote control. Kung saan na naman
inilagay ni Jairah.
Matapos ang sampung minuto, bumukas ang
pinto.
"Sir?"
"Maupo ka muna, Oscar," sabi ni Angelo
kaya naupo ito sa tapat niya. "Kumusta ang
pinapagawa ko sa 'yo?"
"Sir, naalala mo pa ba si Liam Navarro?"
tanong ni Oscar kaya napakunot ang noo ni
Angelo. "Iyong may shoe manufacturer."
"Ah, yes. Ano ang meron sa kaniya?" tanong
ni Angelo.
"Siya ang dine-date ni Jairah," sagot ni
Oscar. Matapos niyang pasundan ang
dalaga, nalaman niyang nakailang beses na
silang magkita ni Liam; isa ring businessman.
"I see. Sa naalala ko, ginamit niya si Mandy
for his free endorsement?" sabi ni Angelo.
Sa business world, pautakan lang talaga ang
labanan. Kani-kaniyang diskarte 'ika nga.
"Oo, siya nga iyon," sagot ni Oscar.
"Sila na ba ni Jairah?" seryosong tanong ni
Angelo.
"Mukhang ganoon na nga siguro. Baka
dating pa lang," nakangiting sagot ni Oscar.
"Bakit boss? Uunahan mo ba?"
Sumeryoso si Angelo. "She is now my
business at ayaw kong may sagabal."
"Hindi 'yan. Hanggat may utang siya sa 'yo,
walang magiging sagabal sa mga plano mo,"
sagot ni Oscar.
"Sana lang," saad ni Angelo. "If hindi ko
mabalikan ang ama, sa anak ako gaganti!"
Malaki ang kasalanan ni Tyron Rodriguez sa
kaniya kaya sisiguraduhin niyang si Jairah
ang magiging kabayaran ng kasalanan nitong
nagawa.

A/n:
At--hindi ko alam kung ba't ganito ang
naisulat ko. Hahaha.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon