33

1K 32 0
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...
"Bagay sa 'yo ang suot mo, maganda ka,"
puri ni Angelo pagkapasok sa kuwarto.
Kakatapos lang ayusan si Jairah ng makeup
artist na tinawagan niya.
"Salamat," pasalamat ng dalaga. Black long
gown na hapit sa katawan ang suot niya
kaya litaw at ang kurbada ng buo niyang
katawan. Sino ang mag-aakalang may anak
na siya?
"Tulog na ba si Gela?"
"Oo, tulog na kanina pa," sagot ni Jairah.
May pupuntahan silang party at imbitado si
Angelo. Ayaw sana ng binata pero pinilit siya
ni Jairah dahil alam naman ng dalaga na
gusto nitong pumunta pero nag-aalala lang
ito sa kaniya.
Lumapit si Jairah sa binata. Mabilis na
inalalayan siya ni Angelo dahil baka madapa.
"Are you sure na okay lang sa 'yo?"
"Oo naman, Gelo. Kaya ko 'to. Hindi ba't
nakakapunta ka naman noon sa party kahit
na hindi ka pa makakita? Kaya ko ring gawin
'yon," sabi ng dalaga at ipinulupot ang
kamay sa braso nito. "Nandiyan ka naman at
alam kong hindi mo ako pabayaan." Sa pinto
ang mga mata niya para hindi siya mahalata
ni Angelo.
Napangiti si Angelo. "Hindi kita iiwan.
Gagabayan kita hanggang sa umuwi tayo,"
sabi ni Angelo.
Matapos ang isang oras, nasa function hall
na sila ng Five Star hotel.
"Pare? Kumusta ka na? Balita ko, wala nang
balita sa 'yo, ah!" nakangising tanong ng
kaibigan ni Angelo na sumalubong sa kanila.
Napasulyap ito kay Jairah na nakakapit sa
kanang braso ng binata.
"Si Jai pala, fianceè ko," pagpakilala ni
Angelo.
"Wow, ang ganda naman ng
mapapangasawa mo. Pasensiya ka na kung
wala ako sa party mo last month, hindi
nakauwi e," paumanhin nito kaya tinapik ni
Angelo sa balikat ang kaibigan. Ngingiti-
ngiti lang si Jairah at iginala ang paningin.
Ang iba ay familiar sa kaniya. Nakita na niya
ang mga ito sa ilang party na pinuntahan ni
Angelo noon.
"Okay lang iyon. Trabaho e," ani Angelo.
Engineer ito sa Hongkong kaya hectic ang
schedule.
"Halika, punta muna tayo sa ibang kaibigan
natin."
"Huwag na, hindi ko puwedeng iwan si
Jairah," sagot ni Angelo at sumenyas sa
kaibigan na hindi nakakakita si Jairah.
"Ah..." Tumango-tango ito at walang boses
na nagtanong ng "bakit" pero hindi na
sumagot pa si Angelo at sumenyas na umalis
na lang.
"Halika na, Jai. Maupo na tayo," yaya ni
Angelo at hinawakan sa bewang ang dalaga
saka iginiya sa mesa.
"Angelo!" bati ng babaeng palapit sa kanila
nang makaupo na sila.
Napataas ang kilay ni Jairah sa babae na may
bitbit na apat na barkada.
"Elaine," wika ni Angelo at tumayo.
"Ang tagal na nating hindi nagkita!" bulalas
ng babaeng naka-white dress na halos
tumalon na ang dibdib sa sobrang lalim ng
hiwa ng damit.
"Oo nga,'" ani Angelo.
Hindi niya napaghandaan ang paghalik nito
sa pisngi ni Elaine kaya napatingin siya kay
Jairah na sa ibang table nakatingin.
Nagpapasalamat na lang siya dahil hindi ito
nakakakita.
"Who's with you?"
"Fianceè ko," sagot ni Angelo at inakbayan si
Jairah na nakaupo pa rin. "Si Jairah pala. Jai,
mga high school friends ko," pagpakilala ng
binata.
"Elaine, ex ni Angelo," nakangiting sabi ng
babae at inilahad ang kamay kay Jairah pero
sinusuri ang kabuuan ni Jairah.
"Jairah," tipid na sagot ng dalaga at inilahad
ang kamay pero kay Angelo nakatuon. "Nice
to meet you."
Napakunot ang noo ng magbarkada dahil
hindi nakatingin sa kanila si Jairah.
"J-Jai?" ani Angelo at inayos ang kamay ni
Jairah palapit sa kamay ni Elaine.
"Pasensiya na kayo, nabulag kasi ako after
ng car accident last month," paumanhin ni
Jairah na ang mga mata ay wala pa rin sa
tamang direksyon.
Umakyat ang kanang kilay ni Elaine kasabay
ng mga kaibigan niya. Iyong nanunuya pa
talaga.
"I see, bulag ka pala?" ani Elaine at
binitiwan na ang kamay ni Jairah matapos
makipagkamay.
"Yes," sagot ni Jairah at matamis na
ngumiti.
Humarap si Elaine kay Angelo at malagkit na
tiningnan ang binata. "See you around,
Gelo."
Tumango na lang si Angelo at nakahinga
nang maluwag nang makaalis na sina Elaine.
"Kailangan naging kayo?" tanong ni Jairah.
"Noong college pa ako pero matagal na
iyon," sagot ng binata at tinawag ang waiter
para bigyan sila ng makakain.
"Mabuti at naalala mo pa siya?" tanong ni
Jairah. "Ano ang hitsura niya? Chaka ba? O
mukhang kabayo?"
Napangiti si Angelo. "Mas maganda ka."
Sumimangot si Jairah, "Hindi ko
kinukumpara ang sarili ko sa kaniya. Hindi
kami magka-level!"
"I know," ani Angelo at inayos na ang
pagkain sa tapat ng dalaga.
"Wala akong ganang kumain kaya ikaw na
lang ang kumain dahil busog pa ako," tanggi
ni Jairah.
"Okay, ayaw ko rin," ani Angelo at hinayaan
na lang ang pagkain sa ibabaw ng table nila.
"Uy, pare. Hinahanap ka ng barkada," sabi ni
Paul nang makalapit sa kanila.
"Mamaya na," ani Angelo.
"Kanina ka pa nila hinihintay dahil
magpapakasal ka na raw," nakangising sabi
ni Paul. Naurong lang ang kasal nila dahil
nga sa nangyari kay Jairah.
"Sumama ka na, dito lang ako," nakangiting
sabi ni Jairah.
"Sama ka," ani Gelo. Umalis na si Paul at
bumalik sa mga kaibigan.
Umiling si Jairah. "Dito lang ako. Kaya kong
maghintay ng ten minutes."
"Hindo kita puwedeng iwan," sabi ni Angelo.
"Ten minutes lang naman pero huwag kang
makipaglandian sa harapan ko," ani Jairah.
"Faithful ako," ani Angelo kaya napamura si
Jairah sa isip. Faithful daw. Eh kanina,
muntik na itong mahalikan sa mga labi ng
gagang Elaine na 'yon. Kung hindi lang siya
nagkukunwari, papaputukin talaga niya ang
labi ng malanding iyon.
"Alis na. Balik ka kaagad dahil hindi ko
kayang maupo nang matagal."
"Mabilis lang, Jai."
Napilitan si Angelo na lapitan ang mga
kaibigan.
Paminsan-minsan, tinitingnan ni Jairah si
Angelo sa kabilang table kasama ang mga
kaibigan nito na nakikipagkuwentuhan sa
mga kaibigan.
Napapansin niyang halos lahat ng babae ay
wild manamit. Ang iba ay kita na ang singit
sa haba ng split ng mga suot na damit.
Napailing na lang si Jairah.
"Singit ang labanan!" bulong ni Jairah at
napatingin sa suot ni Elaine lalo na sa singit
nito, "maitim naman!"
Tumayo si Angelo at nagpaalam na sa mga
ito. Palapit na ang binata sa kaniya nang
habulin ito ni Elaine at ipinulupot ang kamay
sa braso ng binata sabay kiskis ng dibdib sa
braso ni Angelo.
Napansin niyang naiilang ang binata at
sinusubukang tanggalin ang kamay ni Elaine
pero hindi ito nagtagumpay.
Tumayo si Jairah at binitbit ang tray na may
laman pa ng ibang pagkain saka lumapit kina
Angelo.
"Pasensiya ka na, Elaine. Kailangan ako ni
Jairah," paumanhin ni Angelo.
"Ouch!" malakas na tili ni Elaine nang ibuhos
ni Jairah ang laman ng tray sa ulo niya sabay
hampas ng tray. Ang lakas talaga ng
pagkakahampas ng tray at mainit pa ang
pagkain. "Hindi ka ba marunong tumingin?
Gaga ka!"
Malakas na tinulak ni Elaine si Jairah pero
nakailag ang dalaga.
"S-Sorry," natarantang sabi ni Jairah at
pinunasan ang damit ni Angelo na wala
namang dumi.
"Ano ba ang problema mo? Tanga!" singhal
ni Elaine na basa na ang katawan sa sopas.
"E-Elaine, pagpasensiyahan mo na si Jairah,"
natarantang paumanhin ni Angelo nang sila
na lang ang tinitingnan ng mga tao.
"Hindi kita nakita. Hindi ko naman alam na
may mababangga pala ako dahil bulag nga
ako," depensa ni Jairah at napasiksik sa
katawan ni Angelo.
"Jai? Wala kang kasalanan," malumanay na
sabi ni Angelo.
"Hindi, kasalanan ko talaga, Gelo. Gusto ko
lang sanang dalhin ang tray ng pagkain sa
waiter pero nakalimutan kong hindi pala ako
nakakakita kaso hindi ko na alam ang daan
pabalik ng table natin," sabi ni Jairah.
"Ako na ang humihingi ng pasensiya, Elaine."
Paumahin ni Angelo.
"Pakisaway ng bulag na kasintahan mo!"
pagtataray nito.
"Hindi ko talaga sinasadya," sabat ni Jairah.
"Sinungaling! Ramdam ko ang paghampas
mo sa ulo ko ng tray!"
"Bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ni
Jairah. "Nakikita ba kita?"
"Aminin mo na kasi!"
"Elaine? Nakikiusap ako, pagpasensyahan mo
na si Jairah," pakiusap na naman ni Angelo.
"Hindi ko nga sinasadya. Isa pa, bakit ko
gagawin iyon? Nilalandi mo ba si Angelo
dahil wala akong makita? Hindi naman
siguro, 'di ba?" inosenteng tanong ni Jairah.
Hindi lang talaga ito ang matitikman nito
mula sa kaniya kapag hindi siya
nagkukunwari.
"Ugh! Sana hindi ka na talaga makakita!"
"Shutup!" malakas na sigaw ni Angelo at
nagbabaga ang mga matang hinarap si
Elaine, "Kung wala kang sasabihing maganda,
umalis ka na sa harapan ko!"
"Oh, well? Karma na 'yan sa 'yo dahil sa mga
panloloko mo! Napunta ka lang sa isang
bulag! Alagaan mo 'yan, habambuhay!"
panlalait ni Elaine.
"Wala kang pakialam sa buhay ko, Elaine!"
ani Angelo.
"Kahit bulag ako, ako pa rin ang pinili at
mahal niya kaya hindi iyon karma,"
pagtataray ni Jairah. Siya pa ba?
Magpapatalo?
"Halika na, Jai," yaya ni Angelo at hinila na si
Jairah pero nahawakan ni Elaine ang buhok
ng dalaga.
"Hindi pa tayo tapos, bulag ka!" nanggigil na
sabi ni Elain. "Ouch!" tili niya nang may
humampas ng matigas na bagay sa ulo niya.
"Ako ang harapin mo kung matapang ka!"
nakapamewang na sabi ni Mandy habang
hawak ang pulang sapatos na may matulis
na takong. Dilat pa ang mga mata nito at
nakipagtitigan kay Elaine. "Ano? Lalaban
ka?"
Napaatras si Elaine at nabitiwan nito ang
buhok ni Jairah.
"Haist! Mandy, halika na," yaya ni Aron na
hindi alam kung ano ang gagawin sa asawa.
"Iuwi mo na si Jairah, Gelo. Ako na ang
bahala rito."
Lumapit ang mga kaibigan ni Elaine at hinila
ito palayo.
"Salamat, Mandy," pasalamat ni Jairah.
"Psh! Matapang pero hindi naman
lumalaban!" ani Mandy na hindi pa
nakuntento sa nangyari. Gusto talaga niya,
sapakan e.
"Mandy ko, tama na," saway ni Aron. Sana
pala ay hindi na siya pumayag na pumunta
sila ni Mandy sa party na ito. Pero at least
naagapan nila ang nambu-bully sa
kapansanan ng kapatid niya.
Umuwi na sina Angelo at Jairah at habang
nasa biyahe, walang kumikibo sa kanila.
"Sana hindi mo na lang binitbit ang tray."
Pagbasag ni Angelo sa katahimikan.
"Bored ako dahil matagal ka," ani Jairah.
"Pero tingnan mo ang nangyari. Pabalik na
ako, Jai. Wala pa namang sampung minuto
na nakaalis ako, ah."
"Wala pa ngang sampung minuto pero bakit
pakiramdam ko, may naglalandi na sa 'yo?"
Natahimik si Angelo at nag-concentrate na
sa pagmaneho. Aminado siyang iba ang
ipinapakita ni Elaine sa kaniya at hindi niya
nagustuhan iyon kaya nga bumalik na siya
kaagad kay Jairah.
"See? Natahimik ka, Angelo!"
"Nagbabago na ako, Jai."
"Really?" bulalas ni Jairah na naka-crossed
arms. "E di ikaw na!"
"Galit ka, Jai?"
"Hindi naman! Naiinis lang dahil hindi
nabasag ang tray sa ulo niya!" pagmamaktol
ni Jairah, "Buo pa nang hipuin ko ang tray
e!"
Napangiti na lang si Angelo at napasulyap
kay Jairah na sa labas nakatingin at
salubong ang mga kilay.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon