7

1K 30 0
                                    


BABYSITTING THE BLIND PLAYBOY
by: sha_sha0808

Chapter 7

Unedited...
"May problema ba?" tanong ni Aron nang
pumasok sa kuwarto ng kapatid. Mula nang
dumating ito ay hindi pa lumalabas sa
kuwarto.
"Okay lang po ako," sagot ni Jairah at iniwas
ang mga mata. Magbibihis sana siya nang
pumasok si Aron.
"Umiyak ka ba?" tanong ni Aron at naupo sa
tabi ng kapatid. "Jai? Ano ang problema?"
"W-Wala ho," sagot ng dalaga. Ba't ba kasi
nakalimutan niyang i-lock ang pinto? Kagabi
pa siya iyak nang iyak dahil sa ginawa ni
Angelo. Hanggang ngayon, ramdam pa rin
niya ang sakit sa ginawa nitong pagbaboy sa
kaniya.
"Namumula ang mga mata mo kaya alam
kong umiyak ka. Ano ang problema? May
maitulong ba ako sa 'yo?"
"W-Wala ho. Masama lang ang pakiramdam
ko at kakagising lang kaya namumula pa ang
mga mata ko," palusot na sagot ng dalaga.
"Jai? Huwag na tayong maglokohan pa.
C'mon, tell me kung ano ang problema?"
pangungumbinse ni Aron at inakbayan ang
kapatid.
Umiling si Jairah, "Si Taira kasi, may Sky na
tapos ikaw, may Mandy na rin. Paano na
lang ako?"
Tumawa si Aron. "Sus, inggit ka? Hayaan
mo, darating din ang araw na matagpuan
mo ang lalaking para sa 'yo. Maghintay ka
lang."
"Baba na po ako," wika ni Jairah at tumayo.
Hanggat maaari, ayaw niyang ipaalam sa
kanila na may problema siya. Sa kanilang
magkapatid, siya ang pinakamatapang. Siya
ang kayang harapin ang problema at walang
inuurungan.
"Mabuti pa at kakain na tayo," pagsang-
ayon ni Aron kaya hawak-kamay silang
bumaba at tumungo sa dining room.
"Mabuti naman at bumaba ka na," sabi ni
Tyron habang kumakain sila.
"Nagutom na po ako, daddy," sagot ni
Jairah at hinila ang upuan saka naupo sa
harapan ng mga magulang na katabi ni
Aron.
"May bisita pala ako ngayon," pagbibigay
alam ni Tyron.
"Sino ho?" tanong ni Aron.
"Business partner," sagot ng ama.
"Sayang, may pupuntahan ako,"
nanghihinayang na sabi ni Aron.
"Si Jairah ang haharap sa kaniya kung may
lakad ka," ani Tyron.
"Babe? What time siya darating?" tanong ni
Aira at inabot ang plato para lagyan ng
kanin ang plato ng asawa.
"Hapon. Mga alas tres daw," sagot ni Tyron
at pasimpleng pinisil ang hita ng asawa kaya
pinandilatan siya nito.
"Ah, mamaya pa pala," ani Aira at tiningnan
si Jairah. "Wala ka naman sigurong
pupuntahan, 'di ba?"
"Wala ho," sagot ng dalaga. Huwag lang
talagang tumawag si Angelo para
papuntahin siya sa bahay nito.
"Good. Mas mainam na nandito ka dahil
hindi ko naman alam kung paano makitungo
sa bisita ng daddy mo," ani Aira. Malay ba
niya sa mga business na ganiyan.
"Hindi mo na kailangang magtrabaho, babe.
Ako na ang bahala sa buhay natin,"
malambing na sabi ni Tyron kaya napataas
ang kanang kilay ni Jairah. Si Aron naman ay
patay-malisya lang at sarap na sarap sa
pagkain.
"Oo na," nakangiting wika ni Aira at
napatingin sa asawang hanggang ngayon,
guwapo pa rin sa paningin niya kahit na
medyo nagkakaedad na sila. Sino ba ang
mag-aakalang nagkabalikanpa sila matapos
ang ilang taong paghihiwalay?
"Huwag mo akong titigan nang ganiyan,
babe. Madali akong magutom sa ganiyang
titig," biro ni Tyron kaya napasimangot ang
asawa.
"Haist! Ang corny ninyo!" sabi ni Jairah pero
tinawanan lang siya ng ama.

Nang matapos silang kumain, nagpaalam na
si Jairah na magpahinga muna. Malapit nang
siyang magtatapos kaya busy sa school nila
lalo na sa weekdays. Dagdagan pa ni Angelo
na nagpapagulo sa buhay niya.
--------------------
"Bakit po? Ano ang kailangan ninyo?"
inaantok na tanong ni Jairah. Napasulyap
siya sa wallclock, alas tre kinse na pala.
"Ma'am? Pinapababa ka po ng mga
magulang mo, nandito na ang bisita," sabi
ng guro kaya natampal niya ang noo.
"I forgot. Pasabing pababa na ako,"
natarantang sabi niya at mabilis na
naghanap ng maisusuot sa closet. Nang
makapili ay tumakbo siya sa bathroom para
maghilamos na mag-toothbrush.
Paglabas niya, agad na naghubad siya ng
damit at isinuot ang puting nestisa katerno
ng white sandal niya na galing pa kay Liam.
Mabilisang sinuklay niya ang mahabang
buhok saka patakbong bumaba sa hagdan.
"Nandito na pala siya," sabi ng ama niya
kaya napalingon ang mga bisita.
Nanlaki ang mga mata ni Jairah nang makita
si Angelo na nakaupo sa harapan ng ama.
"W-What are yoi doin' here?" maarteng
tanong ng dalaga. Nagsumbong ba ito sa
ama niya?
"Business partner ko siya kaya huwag mo
siyang ituring na iba," sabat ni Tyron kaya
sumalubong ang mga kilay ng dalaga.
"Business partner?" bulalas niya. "Dad?
Don't you know na isa siyang--"
"Bulag!" sabat ni Angelo. "Isa akong bulag
at alam na ng pamilya mo iyon."
"Magkakilala na kayo?" tanong ni Tyron kaya
napatingin si Jairah kay Angelo na.
"Hindi naman po. Minsan lang sa isang party
noong nakakita pa ako," sagot ni Angelo.
"Mabuti naman at nagkakilala na pala kayo,"
sabi ni Aira na magiliw na pinagmasdan ang
binatang kahit na bulag, ang guwapo pa rin
nito.
Tahimik na nakikinig lang si Jairah sa usapan
ng kaniyang ama at ni Angelo. Si Oscar ay
nagpaalam na umalis at babalikan lang daw
ang amo mamaya.
"Are we done? May suggestion ka pa ba,
Angelo?" tanong ni Tyron.
"Wala na. Alam kong magaling ka kaysa sa
akin at pagdating sa business, isa ka sa mga
hinahangaan ko," sagot ni Angelo.
"Salamat pero mas magaling ka dahil sa
edad mo na 'yan, mas malayo na ang
narating mo kaysa sa narating ko noong
kasing edad mo lang ako," sagot ni Tyron.
Hanga siya kay Angelo dahil napakadali lang
dito ang magpalago ng negosyo.
"Nasa puso ko lang siguro ang pag-manage
ng pera," sagot ni Angelo na hindi alam ang
kinaroroonan ni Jairah dahil hindi niya ito
narinig na magsalita. Pero sigurado siyang
nasa paligid lang ito dahil ramdam niya ang
presensiya ng dalaga.
"Mabuti naman kung ganoon. Angelo? Wala
ka ba talagang makita?" curious na tanong
ni Aira. Sayang lang at bulag ito.
"Wala ho," magalang na sagot ni Angelo kay
Aira.
"Okay lang bang malaman kung paano ka
nabulag? Makakita ka pa ba?" usisa ni Aira
kaya naalarma si Jairah.
Mapait na ngumiti si Angelo,
"Nagmamaneho po ako noon at may itim na
kotseng gustong maunahan ako at--"
"Gusto mo bang mamasyal sa labas?
Maganda ang hardin ni Mommy," sabat ni
Jairah para malaman ni Angelo na hindi niya
nagustuhan ang takbo ng usapan nila.
"Iyon nga po, naaksidente ako habang
nagmamaneho," pagtatapos ni Angelo.
"Sure, Jairah. Gusto kong lumanghap ng
sariwang hangin. Mind if you--"
"I'll guide you," mabilis na tugon ni Jairah.
Kanina pa niya ito gustong hatakin palabas
sa mga magulang pero hindi lang siya
makahanap ng tamang tiyempo.

"Mabuti pa nga. Samahan mo muna si
Angelo," sabi ni Aira kaya tumayo ang anak
at lumapit sa binata.
"Tumayo ka na," sabi niya at hinawakan ang
kamay ni Angelo saka inilagay sa balikat
niya.
"May pupuntahan pa kami ng asawa ko,
Angelo. Si Jairah muna ang bahala sa 'yo
rito," wika ni Tyron.
"Sige ho, ako na muna ang bahala sa kaniya
habang hindi pa nakakarating ang driver
niya," ani Jairah at naglakad na palabas.
Nakabuntot naman si Angelo habang
nakahawak sa balikat niya.
"Dahan-dahan lang, madapa ako," reklamo
ng binata kaya binagalan ni Jairah ang
paglalakad.
"Bakit ka nandito, Angelo?" tanong niya at
pinaupo ang binata sa mahabang bench.
"Business," tipid na sagot ng binata at
napapikit saka sinamyo ang mahalimuyak na
amoy mula sa hardin. Saktong
namumukadkad ang orchids at mga oras na
itinanim ni Aira.
"Honest lang," ani Jairah.
"Well? Gusto ko lang makilala ang parents
ng girlfriend ko," pag-amin ni Angelo.
"Hindi ka ba talaga titigil?" galit na tanong
ni Jairah. Nakita niya mula sa puwesto ang
paglabas ng sasakyan ng parents niya at
sigurado niyang narinig din ni Angelo ang
pag-alis ng sasakyan.
"Why? May gusto ka pa bang iba matapos
kitang ma-finger?" walang prenong tanong
ni Angelo kaya napanganga si Jairah.
"Kapal mo! Isusuplong kita sa pulis!
Attempted rape na ang kaso mo!"
pagbabanta ni Jairah pero tumawa lang ang
mokong.
"Sige, mag-report ka. Sino ang maniniwala
sa 'yong ginahasa ka ng isang bulag?" Sabay
smirk nito.
"Kapal ng mukha mo!" galit na sabi ni Jairah.
"Gusto mo lang ako," tukso ni Angelo.
"Gusto mo mukha mo!" galit na sabi ni
Jairah saka pinaghahampas ang binata pero
nahuli ni Angelo ang kaliwang kamay niya.
"Let me go!"
Tumayo si Angelo na hindi pa rin binibitiwan
ang kamay niya para malaman nito kung
saan siya nakatayo.
"Huwag mong ipakita sa akin ang tapang
mo, Jairah!" Hinapit niya sa bewang ang
dalaga para magdikit ang mga katawan nila.
"Kung ayaw mong malaman ng mga
magulang mo ang ginawa mo sa akin,
sumunod ka sa gusto kong mangyari!"
"Bina-blackmail mo ba ako?" matapang na
tanong ng dalaga.
"Hindi. Binibigyan lang kita ng pabor, Miss
Rodriguez. Kaya dapat lang na magpakabait
ka bago pa magbago ang isip ko!" sagot ni
Angelo.
"B-Bakit mo ito ginagawa sa akin, Angelo?"
naiiyak na tanong ni Jairah. Wala na ba
siyang takas? Pero sino ang pagsasabihan
niya kung una pa lang, siya na ang may
kasalanan?
"Dahil naniningil lang ako ng utang,"
makahulugang sagot ni Angelo kaya
natahimik si Jairah.
Kung hindi lang sana siya naging reckless,
hindi sana nangyari ito sa kaniya. Wala
sanang Angelo na gumagambala sa tahimik
na buhay niya.
"Isa pa, gusto kita, Jairah," pag-amin ni
Angelo saka niyakap ang dalaga at hinalikan
sa leeg na ikinatayo ng balahibo ni Jairah.
"Gusto kitang ikama," dagdag niya kaya
natulak siya ni Jairah.
Pak!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa
kanang pisngi ni Angelo.
"Bastos!" sabi ni Jairah.
Napahawak ang binata sa namumulang
pisngi. Alam niyang tinalikuran na siya ni
Jairah kaya napailing na lang siya.
Masyadong malakas ang personality ni Jairah
at alam niyang hindi niya ito basta-basta
makukuha sa flowers at chocolates. Mas
lalong hindi sa matatamis na salita kaya sa
santong paspasan na lang.
"Kapag sinabi kong akin ka, akin ka lang,
Jairah!" bulong niya saka tinawagan si Oscar
para sunduin siya.

Babysitting the Blind PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon